Chapter 15 "Ano na naman ba 'tong pinag-gagawa mo, Jana? Bakit pati yung pamilya ni Anna pinagcha-chat mo pa? Nananahimik na nga yung tao eh. Tumigil ka na, Jana. Naghahanap ka lang lalo ng gulo eh." Galit na galit na bungad sa akin ni Cris. Kararating lang niya galing trabaho. "Bakit, sino ba sa atin ang nagsimula ng gulo? Di ba kayo? Kung sana di mo siya nilandi at di ka niya pinatulan di sana tahimik ang buhay niya!" "Tumigil na nga ako di ba? Di na ako papasok dun, napapahiya na ako sa trabaho dahil sa mga pinag-gagawa mo eh." "Isa ka ding makapal ang mukha no? Ikaw naman tong gumawa ng sariling kahihiyan tapos ngayon ako ang sisisihin mo? Kung napapahiya man kayo ngayon, kasalanan nyo yun! At saka di ba sabi mo sa akin titigil ka na? Bakit panay text ka pa din sa kanya?" "Ba

