Chapter 14 "Magandang araw po, kayo po ba ang tiyahin ni Annabhel Balles? Pasensya na po sa abala pero gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na ang pamangkin nyo po ay nakipag-relasyon sa kinakasama ko." "Makikisuyo naman po sana ako, pakipayuhan naman po yang pamangkin niyo na sana humanap siya ng lalakeng hindi pamilyado. Nakakasira na po siya ng pagsasama at pamilya." "Malandi, makati at wala po siyang delikadesa, una pa lang alam na niyang pamilyado na yung lalake pero pinatulan pa niya." Wala ngayon sa bahay si Cris, pumasok siya sa trabaho. Siguro masyado na akong desperada para pati ang pamilya ng babaeng malandi na yun ay kinausap ko na. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para tuluyan na ding lumayo ang babaeng yun sa kanya. Hindi nag reply ang tiyahin niya kaya

