Chapter 13 Mula nang bumalik si Cris sa bahay ay lagi kong binubuksan yung paboritong online game niya sa tuwing mahimbing na ang tulog niya sa gabi. Hindi ako marunong sa larong yun kaya medyo nangangapa ako. Nakita ko sa account niya na laging nasa recent visits niya yung account nung babaeng yun. Dahil marunong sa ganung laro ang best friend ko na si Raine Cuya ay sa kanya ako nagtanong kung ano ba ang ibig sabihin pag ganung laging nasa recent visits. "MyLuv, ano ibig sabihin nito, laging sya ang nangunguna sa recent visits ni Cris." sinend ko sa kanya yung larawan para mas madali niyang maintindihan ang tanong ko. "Hindi pa din ba sila tumitigil, MyLuv? Ang ibig sabihin niyan, ini-stalk niya yung account ni Cris. Baka nag uusap pa din sila diyan, MyLuv?" "Hindi ko alam eh. L

