Chapter 11 Kahit masama ang loob ko sa ginawa ni Cris ay napagdesisyunan kong wag na lang siyang tanungin kung kasama niya bang mag inom yung babaeng yun o hindi. Sa mga kilos niya pa lang kagabi ay sigurado na akong kasama na naman niya yun. Kahit naman magtanong ako ay hindi din naman siya aamin. Di nga niya naisipang magpaalam na mag iinom sila kung hindi ko pa tanungin. Nakakawalang respeto na ang mga pinag-gagawa niya sa akin. Hindi ko na talaga kaya pa. Nakakasawa na. Bukas pagpasok niya ay aayusin ko na ang mga gamit niya at ipapakuha ko na lang sa mga pamangkin niya. Ganun din naman halos doon na siya tumira. Uuwi lang dito pag matutulog na. Linggo ngayon at nag aya ang dalawa kong kapatid na babae na sila Nessa at Marian na magkita kita kami sa isang mall para makapag-bon

