Chapter 33 Huminto ang sasakyan sa gitna ng manggahan. Sa posisyong ito ay hindi masyadong nakikita itong sasakyan. Sa hindi kalayuan ay may malaking espasyo doon na napapaligiran ng matataas na pader. Sa tabi nun ay may beach kaya maraming turista. May mga bars at hotel na nakapaligid sa pangpang. May mga batang gumagawa ng sand castle na nagmukha namang castle na gumuho. May lalaki na nagpapahid ng sun block sa likod ng girlfriend niya. Yung mga iba ay naliligo sa dagat. Sinuri ko pa ang paligid para hanapin ang palasyo ng Vermillion pero wala talaga akong makitang palasyo. "Naliligaw ba tayo, Dam?" "Of course not. When did I ever made a mistake, Ms. Austria?" Iritado niyang tugon. "Eh ako Dam, hindi mo nililigawan?" Binigyan niya ko nang matalim na tingin pero kinindatan ko lang si

