Chapter 34 "You will come with me peacefully if you don't want to be hurt." Sabi niya na punong puno ng otoridad. "If I don't wanna be hurt?" Tumawa ako nang nakakatakot. Napuno ng aking tawa ang buong function hall. Naagaw ko ang atensyon ng ibang mga bisita. Pinasok ko ang ulo ng lalaki sa magkadikit kong mga kamay. Hinila ko ang ulo niya at tinuhod ko ito. Buti na lang at nakadress lang ako, hindi nakagown. Binato ko ang katawan niya sa pinakamalapit na table at napuno ng hiyawan ang buong function hall. May mga ibang security guards na ang papalapit sa aking direksyon. Yay! More playmates! Gamit ang nakaposas kong mga kamay ay hinablot ko ang mga mentos sa aking plato. Tsaka ko hinagis ang mga ito sa mga bote na may Coke. Napag-aralan ko ito kaya hindi naging mahirap sa akin ang

