BINUKSAN kaagad ni Myra ang kanyang pintuan pagkatapos siyang makarinig ng tatlong katok duon. "O George anong atin?" Bungad niya dito habang tila ayaw niya itong papasukin. "Anong? Anong atin eh halos hindi ako mapakali sa mga pinag gagawa mo." Halata sa boses nito ang marahang galit. "Sige pasok ka muna." Tuluyang binuksan ni Myra ang pintuan. Hinawi niya ang kanyang kamay papaloob na tila malaya niya itong kinukumbida. Pagpasok ay umupo naman si George sa malambot nitong sofa. Kulay krema iyon na tila nabahidan ng konting kape. "Kunyanri kapang nagpunta ka dito para kamustahin ako tungkol dun sa pag te -tresspass ko sa bahay nila Ivy o nagpunta ka dito para kumain? Yung totoo?" Nakatitig lamang ito sa kanya. "Pambihira ka! Syempre kasama nayun sa pag bisita. kabastusan naman kung hi

