NAKISABAY si Jovan sa lupon ng maraming tao pag labas niya ng Theater art. Bakas sa kanyang labi ang labis na kasiyahan habang nanatili parin sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Halos mamuti na ang buong balat ni Karen habang pinanlilisikan niya ito ng kanyang mapupulang mata. Pakiramdam tuloy niya ay nag kamit siya ng isang puntos dahil duon, Ngunit maliban duon, para sa kanya ay nag sisimula pa lamang ang tunay na paghihiganti. Gusto niyang ipadama sa mga ito ang bangis ng kanyang galit. Naaalala pa niya ng namulat siya sa isang madilim at mamasa masang kapaligiran sa ilalim ng lupa. Hindi siya makagalaw, para siya ngayong nasa loob ng konkretong pader at nakalimutan siyang ilabas doon. "Tulong!!!" sinubukasn rin niyang sumigaw ngunit sa bawat pag buka ng kanyang bibig ay tila inuuro

