Kapitulo 1 - Ang Sikreto ng Pamilya

3887 Words
SPRINGVILLE STATE, 2013 DAHAN DAHANG inilapit ni Tales ang kanyang kanang mata sa isang maliit ngunit isang perpektong bilog na butas. Nakakasilaw ang bahagyang liwanag na bigla na lamang sumilay duon ngunit segundo lamang ang lumipas ay nasanay narin ang kanyang mata sa kakarampot na liwanag. Mula doon ay nakita niya na nag aayos ang kanyang ama na si Doctor Ricky Sarmiento ng mga parapelnalya nito sa pambubunot ng ngipin. Isang licenced Dentist si Doctor Ricky. Kumuha siya ng kursong dentistry sa mataas na paaralan ng Southridge International School sa Metro Manila. Isa iyong eklusibong paaralan para sa mga lalaki. Mayaman ang pamilya nila Doctor Ricky, kaisa isa lamang itong anak kaya naman nakuha nito ang mga pinapangarap nito sa buhay. Pero sa kabila ng natatamo niyang kayamanan at mataas na posisyon sa kanilang pamilya ay hindi parin nito inaalis ang kanyang mga paa sa lupa. He stays humble. Paminsan minsan ay nagbibigay siya ng donation sa mga charity at simbahan. Nakita niya na bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto nito. Mula doon ay isang babae ang dahan dahang pumasok. kasama nito ang kanyang ina habang inaalalayan siya nito.  "Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong nito dito. "Doc. Nanakit po kasi yung ngipin nitong anak ko. Sa palagay ko ho eh natanggal yung pasta.'' Pagpapaliwanag ng babae.  Pinaupo ni Doctor Ricky ang pasyente sa upuang pansuri. Inikot niya ang pedal niyon sa may ilalim upang medyo mabend ang katawan nito sa nasabing upuan. Isang maliwanag na ilaw naman ang itinapat nito sa bunganga ng pasyente. Kinuha ni Doctor Ricky ang isang tila stick na bagay. Ang dulo nito na may tila bilog na salamin ay pinasok niya sa likod ng ngipin na sumasakit.  "Okay po Misis. Namamanga napo yung bandang inner proportion ng ngipin ng bata. kailangan pong pahilumin muna yung pamamaga bago ito tuluyang bunutin." Nagulat ang ale. "Doc bubunutin eh akala koba pasta lang yung problema niyan?" "Misis nabubulok na ho yung loob. Pag ipapatagal pa natin yan eh ang tendecy pababalik balik lang yung sakit. Mahirap yan ho yan." Pailing iling pa nitong sabi. "Eh doc ngayon po pwede nyo ng bunutin? Sobrang sakit naho kasi." Sabad naman ng dalagita. Napatingin si Doctor Ricky sa kanyang pasyente. "Pwede naman iha kung kaya mo?"  Napatingin naman ang dalagita sa kanyang ina. Tila naluluha luha pa ang mata nito sabay balik ng kanyang tingin sa doctor. "Yes Doc kaya ko ho."  Tumingin muna si Doctor sa ina ng dalagita. Alam kasi nito na bawal bunutan ang ngipin na may pamamaga. Masyado kasing maraming dugo ang lalabas sa may sugat pag ganitong kaso. "Okay if you insist."  Inilawan ulit ni Doctor Ricky ang loob ng bunganga ng bata. Itinapat ito duon. Mula naman sa gilid ay kinuha at hinanda na niya ang mga gagamitin niyang parapernalya. Its takes three to four minutes lang ay kaya nag tapusin ni Doc Ricky ang pagbubunot sa isang normal senario ng ngipin pero in this case ay baka mas higit pa doon ang kanyang itagal. Hinipo hipo ulit ni Doc Ricky ang ngipin ng dalagita. Tila sinusuri nito kung saan niya ito pwedeng turukan ng anesthesia. Matapos iyon ay saka naman niya inihanda ang syringe. Sumusukat iyon ng hanggang tatlong pulgadang haba.  Pinitik pitik pa niya ang panturok. Sinisigurado nito na walang makakaalpas na hangin kapag tinurok niya iyon sa bagang ng bata. "Okay Iha. Relax kalang. Sandali lang to. Para ka lang kinagat ng langgam."  Bahagyang hinawakan ng doctor ng kalahati ng pisngi nito. Kahit na may brace na ang dalagita upang hindi gumalaw ang kanyang ulo kung saka sakali man ay kailangan parin ni Doctor ng konting pwersa.  Bilang pangontra ay hindi lang tumitingin ang dalagita sa mismong pagtuturok. Tiningala lamang niya ang kanyang ulo sa may puting kisame ng kwarto at nag iisip ng mga magagadang imahe. Iniiisip niya na sa pagkatapos ng pagbubunot ng kanyang ngipin ngayon ay babalik na sa dati ang kanyang pag kain at hindi na siya kailangan pang umabsent sa eskwela dahil wala na ang kaisa isang pwerwisiyo sa bunaganga niya pagkatapos nito. Dahan dahang itinurok ni Doctor Ricky ang syringe sa gilid ng ngipin na bubunutan. Napakapit naman ang bata, labis ang sakit ng kanyang nararamdaman ngayon. Ang tila sinasabi ng doctor kanina na kagat lamang ng langgam ay tila naging kagat ng aso. Todo ang kapit niya sa may gilid ng bakal na upuan. Habang dahang dahang pumapasok ang likido ng turok mula sa balat ng kanyang ngipin ay saka naman siya napapa hiyaw sa sakit. Mas lumalabas ang pag daloy ng kanyang laway sa ilalim ng kanyang dila, Mas lalo niyang diniriinan ang pagpikit sa kanyang mga mata. Sinimulan narin ni Doctor Ricky ang pinaka mahirap na parte ng kanyang gagawin ngayong umaga, walang iba kundi ang pagbubunot. Kinuha niya ang tila isang flies na parapernalya sa isang stainless na mesa pagkatapos ay itinutok kaagad iyon sa bunganga ng dalagita. ''Okay." Usal niya sa kanyang isip habang naka white mask ito. Parang isang purot itong hinila ni Doctor Ricky. konting pwersa pa lamang ang ibinigay niya sa kanyang magkabilang kamay upang hilahin iyon ngunit pawis na pawis na kaagad siya. Hindi paman kasi niya nahuhugot ng tuluyan ang nasabing sumasakit na ngipin ngunit todo na ang pag durugo nito. Umagos agad ang parang tubig na dugo nito sa jaw line ng dalagita. Napuno kaagad ng bahagya ng dugo ang kalahati ng bibig nito.  "Okay isa pa.'' Sabay hila ni Doctor Ricky ulit sa ngipin nito. Nag evaporate agad ang aroma ng dugo nito sa hangin. Nakulob iyon ng bahagya sa loob ng silid hanggang makalabas ang amoy sa silid ni Tales kung saan siya naninilip. Hindi man mawari ni Tales sa kanyang sensesyon ngunit parang gusto niya itong tikman. Naglalaway na siya. Para na siyang aso ngayon na tila gusto ng makakagat ng tao upang kahit papano ay mabawasan ang sobrang rabis nito sa kanyang katawan. Bata pa lamang si Tales ng nalaman niya ang tungkol sa kanyang sakit. Mula sa kinamulatan niyang pamilya ay tinuro nito sa kanya ang mga paraan para maiwasan niya ang mga masamang maidudulot ng sakit sa kanyang buhay.  Naalala pa niya nung bata pa siya. Napagawi siya sa kanilang kusina. Mag gagabi na. Isang amoy kasi ang agad na bumighani sa kanyang buong sistema. Kung hindi siya nagkakamali ay galing sa refregirator ang amoy na iyon. Dahan dahan niya itong binuksan. Isa isang hinanap ang amoy sa mga pagkaing naroon hanggang mahanap niya ito sa isang karne. Isang karme na bagong hiwa at punong puno ng dugo. Pinagmasdan niya ang dugo na naroon. Parang nagsasalita pa ito na ang sinsabi ay TIKMAN MO KO. TIKMAN MO KO. Isang utos na tila mahirap niyang tanggihan. Isang utos na sa palagay niya ay tama. Wala na siyang pakielam. Agad niyang ibinuhos sa kanyang bibig ang mala sauce na dugo nito. He feels alive than before. Pakiramdam niya ay isa siyang ibon na sa wakas ay nakalaya mula sa isang madilim at matibay na hawla. Huli na ng nalaman niya na ang mga pinaggagawa pala niya tuwing gabi ay isang makarima rimarim na bagay.  Marami pang kakaibang nangyari sa kanya pagkatapos niyon. Minsan alam niya kung merong darating na bagyo o kaya ay may darating na tao sa paligid. Lumakas din ang pang amoy niya at kahit na madilim ay malinaw na nakakakita siya ng maayos mula dito. Isang konprontasyon ang ginawa ng mag asawa kay Tales. Kinausap nial ito ng maayos sa kanilang study room. Pitong taon siya noon ng mangyari ang pagbubunyag ng kanyang mga magulang dito. "Nak?" Wika ni Mrs. Sally sa anak. "Hindi ka normal. Meron kang malubhang sakit." Naguguluhan si Tales. "Ma anong sakit?" Napakapit siya sa kanyang kinauupuan. Tumingin si Sally sa kanyang asawa. Napapaluha na ito na tila hindi na niya kaya pang ipagpatuloy ang kanyang mga sasabihin. "Ahmm Nak. Wala pang tawag sa sakit mo. Pero kahit na ano man yun ay kailangan mong may stay sa kwarto mo for your own good." Pagpapaliwaanng ng kanyang ama. Mas lalong naguluhan si Tales. Nakakahawa ba ang sakit niya? Delekado ba ito lalo na sa mga magulang niya?  Isa pang hila ang ginawa ni Doctor Ricky mula sa pagbunot ng ngipin sa kanyang bagong pasyente ngayon. Talagang kumuha siya ng maraming pwersa sa kanyang kanang kamay upang bigla at hindi masyadong magdugo ang gagawing aktwal na pagbunot sa ngipin nito. Pagkahila nito sa ngipin ng dalagita ay bumulwak kaagad ng dugo nito sa bibig nito. Agad iyong inampatan ng sangkatutak ng bulak at white towel ng doctor. Inilagay naman ni Doctor ang nabunot na ngipin sa nito isang maliit na botelya. Kitang kita pa duon ang maitim na parte ng nabunot na ngipin na sa palagay niya ay naging dahilan ng pagkamaga nito.  Nilapitan naman ng ina ang dalagita at agad na kinamusta ang kalagayan nito. Kitang kita sa babae ang labis na pag aalala sa anak. Dahil narin siguro sa mga maraming dugo na lumabas mula sa bunot nito. Niresetahan ni Doctor ang dalagita ng antibiotic para sa tuluyang mawala ang maga sa gilid ng ngipin nito at isang klase ng gamot para naman sa kirot. Ibinigay ni Doctor ang reseta sa ina nito. "Okay. Basta iha ang advice ko lang sayo eh tama na ang pagkain ng candy. At palaging mag to-toothbrush ng ngipin. Actually maganda kung magpalinis ka ng ngipin mo. Maybe twice a year.'' Payo nito. Iniabot naman ng ale ang bayad nito dito. "Nako Doc Salamat ahhh."  Ngumit lang naman si Doc Ricky dito. Inihatid ni Doc ang kanyang mga pasyente hanggang sa pintuan ng kanilang bahay. Nasa loob lang kasi ng bahay nila ang clinic nito. Pinangunahan ni Doc ang kanyang dalawang pasyente sa paglalakad. Binuksan niya ang pintuan ng kanilang bahay papalabas habang inaalalayan naman ang dalagita ang kanyang ina. Isang hakbang na lamang ang itatapak ng mga ito upang tuluyan ng makalabas ang mga ito sa may pintuan ng bigla na lamang silang nakarinig na kalabog sa may itaas. Napatingin naman don ang dalawa. "Ano ho yun Doc?" Pag uusisa ng matanda. "Nako wala ho iyon mga binibini. Baka pusa lamang yun." Pagbibiro pa ng doctor. Hindi na iyon pinansin pa ng dalawa pagkatapos. Naglakad na lamang ito hanggang sa gate ng kanilang malaking bahay. Dahan dahan namang isinara na ni Doctor Ricky ang pintuan ng kanilang tahanan. Sa tuluyang pagsara nito duon ay sinabayan iyon ng bahagyang pagdidilim sa buong paligid. Sa kabilang parte ng kinalulugaran niya ngayon ay dumating naman ang kanyang kabiyak na si Sally. ''Umalis naba sila?"  Tumango lamang ang Doctor.  Pagkatapos ay tumingin naman si Doctor Ricky sa itaas ng kisame. Tila may tinitignan ito duon kahit na madilim ang parteng iyon ng bahay. "Si Tales?" bulalas nito.  "Do you have a background in photography?" ISANG tanong ang binitawan ni Miss. Natasha Nashville kay Ivy Soriano sa isang one on one interview nito sa dalaga. Isang linggo ng kasi siyang nag jo-job hunting para sana mag ka part time job. Ito kasi ang kailangan niya ngayon pag katapos siyang hintuang padalahan ng tatay niya  ng pera. Wala siyang any option kundi gawin iyon. Nagkasakit kasi ang tatay niya pagkagaling nito ng abroad. Naparalyzed ito habang nangungumpuni ng sasakyan sa Saudi Arabia. Bed ridden na ito ngayon kapiling ng kanyang ina sa may  Pasig City.   "Actually Maam. Meron po kaming maliit na studio dati. And sa mga nakuha ko pong exprerience through our mini studio eh masasabi ko pong may laban naman po ako for the position. "Okay lets me see." Medyo itinaas ni Natasha ang kanyang kilay. Inabot ni Ivy ang isang photobook dito. Collection ito ng mga litrato na nakuha na niya dati. More on nature iyon at mga litrato ng mga bata. "Maam what do you think?" Inilipat ni Miss Matasha ang pahina ng nasabing photo book sa panlimang pahina. Mula doon ay bumungad sa kanya ang isang litrato ng bata na naglalaro sa ulan. Nakadipa ang kamay nito sa ere habang basang basa ang buong katawan nito. "You know what?" Nagtaas ulit ang kilay nito. Napalunok naman siya. Ano nalang kaya ang sasabihin nito sa mga litrato niya? Alam niya na malakas ang litrato na tinitignan ni Miss Natasha ngayon ngunit hindi parin pare pareho ang mga tao. ibat iba ang sence of taste nito.  Nakita niya na medyo napasinghal si Miss Natasha. Sa pag hinga nito ay nagpadagdag iyon sa kanya ng kaba. "I love this photo. You captured every emotion of the child while he is playing under the rain." "So Maam what is the verdict?" Na may excitement pa sa kanyang mga mata. "Okay okay... Im empressed actually in your work. Exquisite! Beautiful! Excellent!" Usal pa nito habang sinsara ag nasabing photo book.  "So Maam ano pong ibig sabihin nun?" "What I mean is... your alredy hired!'' Sabay ngiti. Nanlaki ang kanyang mga mata. Kinuha niya kaagad ang kanyang photo book at niyakpa iyon. "Maam kailan po ako magsisimula?" "Okay kasi ngayon eh naglilipat pa kami ng studio malapit sa Manila so mga monday ka nalang pumasok. Okay bayun? Saka para naman pag nagputa kana sa studio eh. Okay na ang lahat, less hustle." "Sure po Maam!" Pagkalabas ng building ng Diamond picture incorporated ay tinawagan kaagad ng dalaga ang kaibigan. Kasalukuyang busy ito sa kanilang project sa school. Inilabas niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang maroon na bag at tinype ang number nito. "Hello Karen?" "Hoi bessie musta?" Sumigaw muna siya bago pa siya tuluyang nagsalita. "Eto okay na okay nakapasa ako sa interview and guest what?! Mag sisimula nako sa monday!"  ''Bongga! O sige puntaha mo nalang ako dito sa may natiuonal book store malapit sa school madali ka! Kailangan nating yang i celebrate! Okay bayun?" "Sure why not!'' Sigaw naman niya. Gulat na gulat si karen sa tapik nito Ivy. Kasalukyang tahimik pa naman sa loob ng national bookstore dahil kabubukas pa lamang ng nito.  Pagkatapos ay nagpunta naman sila sa Jolibee para kumain ng konti. Mula sa isang malaking tray ay Ibinuhos ni karen ang lahat ng inorder niyang french fries doon. Halos limang big size lamang naman na french fries ang inorder niya. ''O ano ang bakita dali!!!!'' Na halatang excited na. "Yun na nga! Sa Monday yung simula ko sa trabaho." "Hoy bessie ha bongga kaya yang Diamond Picture INC. International pala yan. Malay mo eh ikaw ang padala sa wedding ni princess Yuki ng japan?" Sabay kuha nito ng limang piraso ng french fries ng sabay sabay." Napaisip naman aagad siya. "Teka teka Sinong prinsesa Yuki? Saka wala namang prinsesa ang Japan ahh?" "Echos lang bess" Sabay tawa naman nito. Sumimangot naman kaaagd si Ivy makalipas lamang ng ilang minuto. Tila may iniisip itong hindi niya kaya. "Hoi anong nangyari sayo? Diba happy hour ito so dapat masaya tayo diba?" "Yun na nga eh. Alam mo namang wala akong budget ngayon diba. Saka yung pamabayad dun sa renta ng bahay eh inutang kopa." "So anaong ibig mong sabihin?" "Ibig kong sabihn eh kailangan ko ng budget nga! Paulti ulit!" "Haii nakofriend kahit na singkong duling wala rin ako. Alam mo ba kanina naglakad lang akao pagpunta ko dito." "Sinungaling ka! Kaya pala may dala dala kang zagu kanina pag dating ko. Kasinungalingan mo talaga Karen Dimaano ahhhh!" Uminom naman ng softdrink si karen. "Alam ko na bess. Makwento ko lang sayo, may tumawag kasi kanina sakin. Kung interesado daw akong magturo. Eh syempre diba. Busy nga ako ngayon kaya sabi ko ayoko. Pero ikaw pwede ka.'' Sabay turo dito. "Sa monday pa naman yung start mo diba. Saka three days lang yun. O diba. Budget mo narin yung sweldo dun?" Uminom si Ivy ng softdrink. "Pwede!" Bulalas niya. "Teka teka... Ang tanong ko lang eh ano bang trabaho yan?" KINATOK ng tatlong beses ni Doctor Ricky ang isang metal na pintuan. Nakatingin lamang siya sa nakausling hawakan duon na nagsisilbing saradora niyon bago paman niyan iyon tuluyang hawakan. "Tales?" Usal niya. Nakahiwalay ang kwarto ni Tales sa pangalawang palapag ng bahay ng mga Sarmiento. Mas mabuti naraw ito upang hindi kaagad ito makikita ng mga bisita nila kung saka sakali. Todo tago sila sa misteryosong bata. Mas espesyal pa ang turing nila dito kaysa sa pag papahalaga ng mag asawa sa kanilang mga ari arian.  Tuluyan ng binuksan ni Doctor Ricky ang pintuan. Pumasok kaagad doon ang kaunting liwanag na naggagaling sa may hall ng pangalawang palapag. Mula sa kanang kamay nito ay dala dala niya ang isang set ng parapernalya para sa binata. Binubuo iyon ng isang likidong gamot, isang heringgilya at isang kupon ng bulak.  Unti unti na siyang pumasok. Mabagal lamang ang kanyang mga hakbang upang hindi ito masyadong maistorbo. Kulob na amoy ang agad na bumungad sa kanya. Tila kulob na basang basahan at mga pagkaing nabubulok na. kapag dinadalahan kasi nila ito ng pagkain ay madalas na nabubulok lamang ito duon. Ang mga pag kain na natitira niya ay nagsisikalat lamang sa may sahig ng kwarto nito at hindi na nalilinis. Ayaw din kasi nitong magpapasok sa kwarto nito ng walang anumang pahintulot. Naglakad si Doctor sa tabi ng kama nito, Ibinaluktot ang kanyang katawan at binuksan ang isang medyo madilim na ilaw. Hinaplos haplos niya ang pisngi ni Tales na bahagyang namamawis. Pinunasan niya iyon gamit ang isang basang basahan na may konting alkohol "Anong nararamdaman mo?" Hinawakan ni Tales ang kamay nito. "Pa. Sumasakit ang tiyan ko." Ika nito. Naging madalas na ang pag sakit ng tiyan nito. Nagsimula lamang iyon ng nakaamoy ulit siya ng dugo kapag sumisilip ito sa ginawa niyang butas mula sa oparating room ng doctor. Ayaw man niyang gawin na sumilip duon at makaamoy muli ng dugo ngunit hindi niya iyon mapigilan. Tila hinahanap hanap ng kanyang buong sistema ang amoy na iyon. Kontento na siya sa ganong akto. "Shhs! o sige. Nandito nako." Muling hinaplos ni Doctor Ricky ang buhok nito sa ulo. Hinimas himas iyon pataas mula sa noo nito hanggang sa bandang likod ng ulo nito.  Pagkatapos ay inilabas narin ni Doctor. Ricky ang dala dala nitong heringgilya. Itinusok niya ito sa isang botelya na naglalaman ng isang gamot. Makikita pa ang asul na likido habang pumapasok ito sa mallit na espasyo sa itaas ng heringgilya.  Nang pumasok na ang gamot doon ay pinitik pitk pa niya iyon. Dinama dama naman niya ang leeg ni Tales. Makinis iyon at mamuti muti. "Sige anak relax kalang." Itinapat niya ang dulo ng turok sa bandang gitna ng leeg nito. Unti unti ng tinusok niya iyon sa tamang lugar at bahagyang itinulak ang gamot papasok sa loob ng balat. Naginhawahan si Tales sa gamot na iyon. Alam niya iyon dahil nakita niyang napapanga ang anak niya na parang nasasarapan habang ginagawa niya ang sesyon. Muli niyang hinipo ang maliit na sugat pag hugot niya ng mahabang herenggilya mula sa leeg nito. Pagkatapos ay pinunasan niya iyon ng isang malinis na bulak. "Ano ng nararamdaman mo?" "Okay okay nako Pa." Hinipo ulit ng doctor ang noo ni Tales. Pinaparamdam niya rito na nandon lamang siya sa tabi nito at hinding hindi niya ito iiwan. "Sige matulog kana ulit." Sa mahina nitong pagkakasabi. Ipinapag patuloy na muli ni Tales ang kanyang pagpapahinga sa kwarto. Ibinaling niya ang kanyang katawan sa kabilang bahagi ng kama at muling ipinikit ang kanyang mga mata. Nagtungo na naman si Doctor Ricky sa may pintuan ng kwarto nito. Hinawakan na niya ang saradora niyon at bahagya ng lumabas. Sa may labas ay naghihintay naman si Mrs. Sally. Hindi paman ito nagsasalita ngunit kitang kita na niya ang pag aalala sa mukha nito. "Anong nangyari sa kanya?" ''Sumakit lamang ang tiyan niya wag kang mag alala mahal." Gusto pa sanang pasukin ni Mrs. Sally ang kwarto ng kanyang anak ngunit pinigilan naman siya nito. "Hayaan mo muna siyang magpahinga. Kailangan niya yun ngayon." Sabay kabig nito sa asawa. "Nag aalala lang ako sa kanya honey... Baka kasi lumalabas na yung pagka..." Napigilan ito sa kanyang pagsasalita sabay napatingin ito kay Ricky.  Sumenyas naman kaagad si Ricky dito. Pinailing iling nito ang kanyang ulo na ang ibig sabihin lamang ay huwag silang mag usap duon. Pagkatapos ay umiling din naman ito. Bumaba kaagad ang mag asawa sa unang palapag ng kanilang bahay. Nagpunta sila sa study room ng doctor at isinara kaagad nito ang pintuan.  "Ano kaba. Hindi kaba nag iingat sa mga sinasabi mo? Hindi moba alam na baka marinig niya tayo." Sa nanlilisik nitong mga mata. "P-p-p-patawad mahal hindi ko sinasadya.'' Sa nagmumugto ng mga mata nito. Tumalikod si Ricky sa isang mataas ng bookshleve na naroon. Punong puno iyon ng mga libro na hango sa ibat ibang linggwahe.  Huminga muna siya ng malalim upang kahit papano ay mawala ng kaunti ang kanyang galit. Ang ayaw na ayaw kasi nito ay ang malaman ni Tales ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Hindi kasi niya alam ang magiging senaryo pag nagkataon. Kung kailangan ngang lagyan niya ang susi ang bibig ng kanyang asawa ay gagawin niya. Pinunasan ni Sally ang kanyang mata. Kailangan niyang magpakatatag ngayon para din sa kanyang anak.   Inaro ni Doctor Ricky ang kanyang asawa pagkalipas ng ilang minuto. Hindi rin niya ito matiis kahit papano. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.  Niyakap niya ito at hinaplos haplos ang ulo nito. "Patawad Honey tumaas ang boses ko sayo kanina." kasabay ng isa pang haplos mula sa buhok nito. Hindi na sumagot si Mrs. Sally bagkus ay isa ring yakap ang isinukli nito mula sa yakap ng asawa. UMUWI mag isa ng kanilang boarding house si Ivy. Pagkatapos nilang kumain ng kaunit ni karen sa isang Jolibee ay agad na itong umalis. Nagmamadali ito. Bigla kasing nag text ang isa pa nitong kaklase. Nakakita naraw ito ng tamang location para sa gagawin nilang short film. Romeo and Juiet inspired ang gagawin nilang play. Pero ang siste lamang ay lalagyan nila ito ng twist. Ayon sa script na nabasa nito ay magiging bampira si Romeo at kakagatin niya si Juliet afterward. Natawa pa nga siya ng nalaman niya ang gagawin nilang short film.  Inihiga ni Ivy ang likod niya sa kanyang kama. Pagkatapos ay idinipa niya ang kanyang kamay sa magkabilang dulo niyon. Napaisip din siya. Paano kaya kung itry niya ang sinasabi ni karen na three days tutor sa isang mayang pamilya. Agad siyang tumayo. Kinapa kapa niya ang kanayng bulsa at agad na inilabas duon ang isang address kung saan nakasaad ang sinasabi ni karen na trabaho. Sabagay sa Lunes pa naman siya papasok sa bago niyang trabaho at kailangan niya ngayon ng pera para sa pagbudget niya bago siya pumasok sa major job niya. Isang daan nalang ang natira sa butas niyang pitaka matapos niyang ibigay ang lahat ng pera niya sa nanay niya. Malay ba niyang makakapasa siya sa trabaho ngayong araw at hindi rin niya naman inaasahan na mag kakasakit pa ang kapatid niya. "Nako naman!" Napasinghal siya. Muli niyang inihiga ng mabilis ang kanayng katawan sa may kama at itinaas ang mga kamay sa ere. Mula doon ay hawak hawak parin niya ang isang pirasong papel na ibinigay ni karen sa kanya kanina. Bahagyang niya iyong binuksan. Nakatupi pa kasi iyon sa tatlo. Pagkabukas ay agad niya iyong itinapat sa liwanag ng ilaw. Agad niyang nakita ng malinaw ang address na nakalagay doon. Doctor. Rocky Sarmineto. #2334 Dulac drive, Springville Subdivision. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD