TATLONG henerasyon na ng mga Sarmiento ang naninirahan sa Springville State. Una ang abogadong si Reverant Augustus Sarmiento na nakapangasawa ng isang Amerikana na si Amanda Grayfus. Silang dalawa ang nag desenyo at ang bigay ng buhay sa ispasyong walang hugis duon noon. Ngunit makalipas lamang ng isang taon ay naipatayo na nila ang kanilang dream house dito. "My sweet Rosie.'' Yan ang ipinangalan ng mag asawa sa bahay. Hango ito sa unang pulang rosas na ibinigay ni Augustus kay Amanda ng nanliligaw pa lamang ito dito.
Pangalawa naman ay si Gustavo Sarmiento na isa namang beterenaryo. Nagkaroon naman ito ng tatlong magagandang mga dalaga sa asawa nitong si Meddy Villanueva na isa namang aga Olonggapo.
Sumusukat ng isang daang ektarya ang kabuuang sukat ng kanilang mansiyon. Meron itong limang kwarto at isang guest room. Meron ding isang kwarto para sa kusina, Lanay, Sala, Entertaiment room, at isa pa para naman sa study room.
Nilibot ni Ivy ang kanyang mga mumunting mata sa buong bahay. Pag dating niya duon ay pinagbuksan siya kaagad ni Manang Bening na halos tatlumpung taon ng naninilbihan sa mga Sarmiento. Sa katunayan niyan ay dalaga pa siya ng manilbihan ito sa kanila at dahil sa dibusyon ng matanda sa pamilya ay hindi na nito nagawa pang magkapag asawa.
"Umupo ka muna Iha at tatawagin ko ang mga amo ko." Ika nito. Paika ika na si Aling Bening kung maglakad. Tinitignan niya lamang ang paglalakad nito habang papunta ito sa study room.
Napatingin naman siya sa isang parte ng bahay. Isang malaking painting ang umagaw sa kanyang pansin habang hinihintay niya sa may malaking sala sila Doctor Ricky at Mrs. Sally Sarmiento. Mula sa painting na kanyang nakita ay makikita ang isang lalaki na naka black suit at todo sa postura sa kamera. Nakangiti ang mga labi ntio doon. Hindi mapag kakailang masayang masaya ito habang kinukunan ito ng imahe ng araw na iyon.
"Handsome isnt he?" Isang boses ang bumasag sa kanyang pag tignin sa litratong iyon. Bigla na palang dumating ang mag asawa at marahan siyang tinitignan habang siya ang nakatitig sa painting na iyon. Biglang tumaas ang kanyang dugo sa gulat. Bahagyang napa angat siya sa kanyang upuan habang nakita naman niyang papalapit na ang mag asawa sa kinauupuan niya. Agad siyang nagbigay galang. Tumayo siya sa kanyang upuan at yumuko.
"You must?" Tanong kaagad rito ni Mrs. Sally habang nakatingin ito sa mga mata niya.
"Ahmmm Ivy po Maam... Ivy Soriano."
"Okay you may seat." Sabay namang nitong pagkakasabi.
Muling inupo ni Ivy ang kanyang puwet sa malambot na upuan. Mula sa kanyang harapan ay agad niyang nakita ng malapitan ang itsura ng mag asawa. Si Doctor Ricky na hindi mapag kakailang isang doctor dahil sa suot nitong puti at maraming butones na damit. Medyo singkti ang mga mata nito at clean cut ang buhok. At si Mrs. Sally. Na naka pink na sweater kahit na parang mainit sa loob ng kanilang bahay. Nakaka enganyong tignan ang mapula nitong labi na tila nilagyan ng dugo sa pagkapula.
"Handsome ang mga Sarmineto diba?" Tanong ni Mrs. Sally dito na parang gusto niya itong sang ayunan.
Hindi naman niya ito maintindihan. "Po..." Sa naguguluhan niyang tanong sa kanyang sarili. Tumingin si Mrs. Sally sa painting na kanina lamang ay pinagmamasdan niya. "Yan si Augustus Sarmiento. The first owner of this house." Sa normal ntong boses.
Muli din siyang napatingin duon. Ang mga mata nito ay parang nakatitig sa kanya kahit saan man siya magpunta. "Pero syempre mas gwapo parin ang asawa ko. Isnt it Honey?" Sabay kabig ni Mrs. Sally sa kanyang asawa." Napangiti naman siya.
Hindi naman pala nakakatakot ang mga ito. Kanina kasi pag katawag nito sa kanya ay parang mag asawa ito sa isang horror movie na nag seset up ng isang trap upang mapatay siya. Dumating naman si Aling Meding sa kalagitnaan ng kanilang pag bibiruan. May dala dala itong isang juice na nakalagay sa isang maganda at crystal na lalagyan. Nilapag niya iyon sa may lamesa. Kumuha ng baso at isa isa silang sinalinan.
"Drink up." Yaya ni Mrs. Sally sa kanya.
"Salamat po." Ika naman niya sabay dahan dahang pagkuha dito.
"Okay wag na tayong mag paliguy liguy pa. May first question is. Paano mo nalaman na naghahanap kami ng tutor para sa aming anak?"
"Ahmm Maam. Yung friend ko po yung nagsabi sa akin na may alam siyang trabaho. So ti-nry kopo."
Medyo nakumbinsi naman niya si Mrs. Sally base sa kanayng sagot. Medyo napailing ito ng konti pero sa kanyang palagya ay satisfied naman ito sa mga sinabi niya.
"Okay Miss. Ivy can you handle any kind of pressure?" Biglaang tanong naman ni Doctor Ricky habang tatangkain naman niyang inumin ang kanyang juice. Nakahawak na siya sa katawan ng mug ng puno ng juice ng nabinitawan niya iyon. Pinagana ang isip at naghanap ng magandang sagot upang ma -impress niya ito.
"Ahmmm." Habang nag iisip.
Tinapik naman kaagad ni Mrs. Sally ang kanyang asawa. Tinignan pa niya ito sa mukha nito at medyo sinenyasan. "Ivy wag kang makinig sa asawa ko. Wala kang pressure na mararamdaman habang nasa bahay ka namin." Papapatuloy nito.
"Actually Maam. Okay lang po yun.'' Paninimula niya. "Dahil sa pag tuturo po eh kasama po yan. Pressure, head ache at kung ano ano pa. Kung hindi nyo po kasi naitatanong eh nagturo napo ako sa isang SPED school dati."
Napahawak naman si Mrs. Sally sa kanyang labi. "Really!... Interesting?" Bulalas nito. "So kamusta naman ang pagtuturo mo dun?"
Pinuyos ni Ivy ang kanyang dalawang kamay sa gitna ang kanyang mga hita. "Ahhmm okay naman po. kahit papano eh nakakatulong ako sa pamilya ko. kaya lang po eh. kailangan ko pong mag resign. Lumipat ho kasi kami ng bahay."
"If that so." Ika nito. Tinignan siya ulit nito sa isang mala imbestigador na tingin. "Alam mo... I like you. What do you think honey?"
Omoo lamang si Doctor Ricky. Bahagya nitong inalog alog ang kanyang ulo senyales na gusto niya rin ito."
Isang minuto pa ang itinagal ng katahimikan sa salang iyon. Parang ang lahat ay nakikiramdam sa isat isa kung ano ang kani kanilang sasabihin.
"So Maam tanggap napo ba ako?" Binasag na niya ng biglaan ang isang makapal na katahimikan.
Nagtinginan namang muli ng mag asawa. Isa pang senyas at seryosong pag uusap ang ginawa nila bago pa ni Mrs. Sally sabihin ang salitang. "Yes miss Ivy. Your hired!"
"ANONG NANGYARI?" Bungad na tanong ni Karen habang tila tuyot na tuyot ang buong katawan nito dahil sa madami ntiong ginawa ngayong araw. Siya kasi ang camera girl nila sa grupo. Isang grupo na pinili ng bwisit nilang professor upang gumawa ng isang play. Ang title ng play? Romeo and Julit: The Friday the thirteen edition.
"Ayun hired nako?'' Ibinaba kaagad ni Ivy ang kanyang bag sa isang malapit na upuan. Pagkatapos ay nakatayo nitong hinubad ang kanyang sapatos sa labas pa lamang ng pintuan.
Tumayo naman si Karen mula sa kanyang pagkakahiga sa kanyang kama. Maliit lamang ang kwarto nila. Sa totoo niyan ay Isang dipa lang ata ang layo ng kama nito mula sa kama ni Ivy. "O tapos. kwento ka naman dali!!!" Sa hindi maitagong pag ka-excite."
Umupo naman si Ivy sa kanyang kama. Hinubad muna niya ang suot niyang blaser at hiniga ang kanyang likod sa malambot niyang kama. "Ayoko munang mag kwento. Bukas nalang. kung pwede." Sabay lagay ng kamay nito sa ibabaw ng kanyang mukha.
"As if namang makakapag kwento kapa bukas eh diba simula muna." Angil naman nito.
"O sige ikaw muna yung mag kwento bago ako."
Naningkit naman ang mga mata nito. "O sige sige. Actually eh wala naman akong ikekwento sayo eh. Besides sa ginawa nila akong zombie kanina."
Napaupo si Ivy mula sa kanyang pagkakahiga ng narinig nito ang sinabi ng kanyang kaibigan. "Anong zombie? Diba camera girl ka?" Sabay bungisngis nito.
"Sige mangasar kapa. Yun na nga eh. Sarap kutusan nung director namin eh. Kung hindi lang malakas yun kay prof eh ayyy nako! matagal ko nayung binigti.
Tawa parin ito ng tawa habang nakikinig lamang sa kwento ng kaibigan, sa konting relief nayun ay parang nadagdagan naman ang gana niya sa pag kekwento. "kaya pala may make up kapa ng dugo diyan sa pisngi mo ohhh." Sabay turo niya.
"San?" Nagmamadaling kinuha ni Karen ang isang maliit na salamin. Mula doon ay tinignan niya ang itsura ng kanyang pisngi at hindi nga nagsisinungaling si Ivy dahil meron ngang mantiya ng tila dugo doon. Ang siste eh parang siyang may pasa duon. "Bwisit talaga!" Sigaw niya. Pinunasan niya kaagad iyon. kumuha siya ng isang malinis na basahan at agad na kinuskos iyon sa kanyang balat kung saan matatagpuan ang may pulang body paint. Hiya naman ang napagtanto niya ng maalala niya ang isang lalaking gwapo na tingin ng tingin sa kanya sa may jeep kanina. Akala pa naman niya ay kaya siya tinitignan nito ay dahil sa nagagandahan ito sa kanya.
Tinitignan lang naman ni Ivy ang kaibigan habang pinupunasan nito ang kanyang mukha. "Oyy ikaw naman yung mag kwento anong itsura nung bahay maganda ba?"
"Yun na nga." Umayos na siya ng upo. "Maganda yung bahay kung sa maganda kaya lang eh parang malungkot. Imagine ahh. Silang apat lang yung nasa bahay. Yung mag asawa. tapos yung anak at yung isang matandang katulong."
"Talaga.!" Mangha niya.
"Eh yung tuturuan mo nakita mona?"
"Yun pa nga. Hindi pa. Bukas padaw. Nako wish ko lang eh hindi ako ma stress at hindi pasaway yung batang tuturuan ko."
"Nako freind pano kung ispokining dollar yun?"
"Maari. Pero bakit?" Nagtaas naman siya ng kilay. "Marunong naman akong mag english ahh. Saka hindi naman english yung ipapaturo o sakin eh... Math!
"Ayy diyan ako tiklop.'' Sabay balik ni Karen sa kanyang pagkakahiga.
Mag kasing edad lamang silang dalawa ni karen. One year pa lamang silang magkakilala nito ngunit agad niyang nakita ang busilak nitong puso. Palagi siyang tinutulungan nito sa kanyang mga financial problem at kung ano ano pa.
"Bakit karen ano bang favorite subject mo?"
Nag pout lips ito... Hmm Recess?"
"Ha ha! Gaga ka talaga!" Sabay tawa nilang dalawa..
KINABUKASAN. Maagang dumating si Ivy sa bahay ng mga Sarmiento para sa una niyang pagtuturo. Pagdating niya sa malaking garden ng mga ito ay nakita niya si Mrs. Sally na pumupitas ng mga mapupulang roses. Naka sumbrero ito ng malaki na sa tingin niya ay kasing laki ata ng isang ordinaryong hola hoops.
"Ohh Ivy. Good to see you again. Ang aga mo ata." Bati nito sa kanya. Halatang nahihirapang tumayo si Mrs. Sally kaya naman ay inoperan niya ito. Ibinigay niya ang kanyang kamay dito at tinulungan itong makatayo. "Thank you." Pagpapasalamat nito. Pinagpag pa ni Mrs. Sally mula sa kanyang suot na puting bistida ang iilang lupa na sumaboy duon kanina.
Alas singko pa lamang ng umaga ay gising na si Ivy. Hindi dahil sa excitement siya sa kanyang unang pagtuturo dito kundi dahil sa kaibigan niyang si karen. Alas singko palang kasi ng umaga ng bigla nalang tumunog ang cellphone nito. Isang tawag ang natamo niya galing kay Rex. Ang wirdo at mala gothic nitong itsura na kaklase. Kailangan daw nilang mag shoot bago mag bukang liwayway. Authentic scene daw ito sa kanilang gagawing short film at hindi na kailangang ipabukas pa. Immediately daw kung maari.
"Putang ina kayo!" Sigaw ni Karen na labis niyang ikina gising.
Padabog na bumangon si karen mula sa kanyang kama. Tinignan pa niya ang kanyang cute na semi pikachu themed na alarm clock at five oclock pa lamang ng umaga batay duon. "Bakit naman wala man lang pasabi yang direktor natin?" Sa nanggagalaiti parin niyang boses habang sinusuklay nito ang kanyang buhok.
"Ewan ko. Nakakainis ngarin eh." Sagot naman ni Rex sa kabilang linya na parang gusto ng magwala. "O ano magkita nalang tayo sa may seven eleven. Sige maliligo narin ako." Sabay baba nito sa kanyang telepono.
Nakaupo lang si karen sa isang normal na silya habang nakatignin siya dito. "Ano bayan! Alam nyo istorbo kayo!" Sa naiinis narin niyang pagsasalita.
Tumingin naman sa kanya si karen na parang blanko ang utak. Pagkatapos ay hindi man lamang ito nagsalita bagkus ay nakatulog pa ulit ito duon.
Binuksan na ni Mrs. Sally ang pintuan ng bahay. Mas maaliwalas ito kaysa kahapon. Maaga kasi ngayon at tumatagos sa mga glass window ng bahay ang liwanag ng galing sa labas. Hindi katulad ng unang punta niya dito na medyo maggagabi na.
Pinangunahan ni Mrs. Sally ang pag akyat sa pangalawang palapag ng mansiyon. May ginagawa daw si Doctor Ricky sa mga oras na iyon kaya siya muna ang mag eescort sa kanya tungo sa kwarto ng kanilang anak.
HIndi bababa sa pitumpu ang bilang ng mga estudyante na naturuan na ni Ivy. Karamihan duon ay special service at siya ang nagpupunta sa bahay katulad nito. Kaya hindi na siya bago sa ganitong sistema ng pag tuturo. Naniniwala rin kasi siya na mas matututo ang bata kung matuturuan itong mag isa. Pero kung siya ang tatanungin ay hindi niya gusto ang home schooling dahil batay sa kanyang experiensiya ay mas maganda parin sa totoong paaralan para mas matuto ang isang bata na makipag comunikasyon sa iba at mas tumaas ang self steem nito.
Nasa hall na sila ngayon ng pangalawang palapag. Mula doon ay nakita niya ang mga nakaukit na kerubin sa itaas ng kisame ng mansiyon. Para siyang nasa isang national museum habang tila tinutugtog naman ang isang mala mozart na awit. Lumilipad ang isip niya ngayon. Pakiramdam niya ay nandon nga siya at mula sa itaas ay nagsisigalaw ang mga anghel na tinutugtugan siya.
"Miss Ivy?" Nahuli siya ni Mrs. Sally na nakatingin sa itaas ng kisame.
"Yes Maam?" Sa pagkabigla niya.
"i forgot to tell you the rules..."
Nabigla siya. "Ahmm ano po yun Maam?"
"Okay. Una. Huwag kang mag kekwento sa anak ko tungkol sa mga nakikita mo sa labas." Tinignan niya ang pagbuka ng bibig nito. "At ang pangalawa. Bawal na ilabas siya sa bahay na ito. maliwanag ba?"
"Pero Maam.. B-bakit..." Hindi pa siya tapos na magtanong dito ng bigla na lamang siyang tinalikuran nito. Hindi man sa kanya aminin ay tila may lihim na itinatago ito sa kanya.
Medyo wirdo ang mga rules na ibinigay sa kanya ni Mrs. Sally pero wala siyang magagawa. Ang kailangan lang nito sa ngayon ay sang-ayunan ang mga pinag sasabi nito ng isang makapag damdaming. "Opo Maam."
"Good! Miss Ivy." Ipinaypay pa nito ang isang magandang abaniko. "Buti naman eh nagkakaintindihan tayo." Bahagya itong ngumiti. Ngiting hindi niya alam kung puno ng katotohanan o puno ng kasinungalingan.
Pagkatapos nuon ay pinagpatuloy na ni Mrs. Sally ang kanyang paglalakad. Huminto ito sa isang ispasyo sa dulo ng hall na iyon kung saan matatagpuan ang isang tila metal na pintuan na tad tad na metal ding mga turnilyo. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi lalagpas iyon sa tatlumpo. Mula sa gilid niyon hanggang sa tila bridge niyon sa gitna.
"Maam Sally ano pong ginagawa natin dito?"
Inilagay lamang ni Mrs. Sally ang kamay nito sa labi niya. "Wag kang maingay." Bulong nito sa kanya.
Pagkatapos ay sinimulan na nito na kumatok ng tatlong beses sa bakal na pintuan. "Anak nandito na ang mag tuturo sayo." Ika nito sa medyo malakas na boses. Nagtaka kaagad siya, bakit dito naka tigil ang kanyang anak? Kung hindi pa nito narinig ang salitang anak sa mismong bibig ni Mrs. Sally ay aakalain niyang isa iyong bodega.
Kahit na isang maliit na tinig ay wala man lamang silang narinig mula sa loob. Maya maya pa ay kinuha naman ni Mrs. Sally ang isang susi mula sa bulsa ng suot nitong puting palda. Kulay tanso iyon na tila pinasadya. Kakaiba kasi ang hugis niyon. Tila ulo ng kabayo na hindi niya maintindihan. Inilagay niya iyon sa isang pahabang butas sa gilid ng bakal na pintuan. Pagkatapos ilagay ay saka naman niya iyon inikot ng dahan dahan.
Dahan dahang bumukas ang nasabing bakal na pintuan. Isang makapal na kadiliman ang sumalubong sa kanila pag bukas ni Mrs. Sally niyon. "Anak?" Tawag ulit nito. "Diyan ka muna Miss Ivy." Utos ni Mrs. Sally dito.
Dahan dahang pumasok si Mrs. Sally sa loob ng madilim na kwarto. Ni kahit yata dim light ay walang koneksiyon sa loob niyon. Kinakabahan na siya. Parang sa mga pangyayari ngayon ay hindi maipagkakailang may mali. Biglang tumahimik ang buong paligid. Nasa dulo lamang siya ng hall na nag iisa. Pakiramdam din niya ay may bigla na lamang isang kamay ang lalabas mula sa madilim na b****a ng pintuan na iyon at bigla siyang kukunin.
"Ahhhm Maam. Sally?" Tawag niya ngunit hindi man lamang ito sumagot.
Mas lalo siyang kinabahan. Pilit niyang inaaninag ang loob ng kwarto ngunit kahit na ano yatang gawin niya ay wala talaga siyang makita mula sa b****a niyon. "Maam. Sally?" Tawag nito ulit. Ngunti sa pagalawan nitong tawag ay bigla na itong sumagot.
"Miss. Ivy pasok ka."
Tama ba ang narinig niya? Ma pinapapasok siya nito sa ganung sitwasyon? Paano na lamang kung tama nga ang hinala niya. Na may isang nakakatakot na nilalang sa loob niyon at siya ang pain. "Common Ivy wag kang matakot." Wika ni Mrs. Sally sa loob ng kadiliman.
Pinuyos ni Ivy ang kanyang kamay na para siyang manununtok. Pagkatapos ay huminga ng malalim bago paman niya itapak ang kanyang paa sa loob ng kwarto. Pagtapak niya ng kanyang paa sa b****a ng kwarto ay saka naman bumukas ang isang medyo madilim na ilaw. Hindi naglaon ay naaninag narin niya ang itsura ng kwarto. Semi lamang ang laki nyion, may isang kama, isang malaking kabinet, dalawang upuan, katamtamang lamesa, mini ref at kung ano ano pa. Nakita rin niya si Mrs. Sally na nakaupo sa isang gilid ng kwarto at tila may kausap.
Kahit na medyo madilim sa buong kwarto ay naaaninag niya ang pigura nito. Isang lalaki na katamtaman lamang ang laki ng katawan. Medyo mahaba ang buhok at pakuba ang likod. Dahan dahan siyang lumapit dito. Sa kanyang pag lapit ay mas lalo niyang naaninag ng malapitan ang mukha nito. Isang binata na sa palagay niya ay kasing edad lamang niya.
Tinignan naman siya ni Mrs. Sally paglapit niya. "Miss Ivy. Meet my son Tales. Siya ang tuturuan mo." Pagpapakilala nito sa kanyang pinaka mamahal na anak.
NAKATINGIN lamang si Tales kay Ivy ng halos kalahating oras. Kahit na may basbas pa ito ng kanyang mga magulang upang makapasok ito sa kanilang tahanan at ngayon ay sa kanyang banal na kwarto ay hindi parin nito makukuha ang kanyang simpatiya.
Bumabalik parin sa kanyang isip ang buka ng bibig ng kanyang ama habang paulit ulit sa kanyang diwa ang mga pinag sasabi nito. "Tales makinig ka. Bawal kang lumabas. Masana ang mga tao. bawal kang lumabas, Masasama ang mga tao doon."
Hindi niya maiwasan ang maniwala sa mga pinag sasabi ng kanyang ama. Dahil mismong siya ay nakita ang mga pag mamalupit ng mga tao sa katulad niya. Minsan nga ay kanyang tinatanong sa kanyang sarli kung bakit siya binigyan ng ganitong sakit. Na buhayin siya na katulad ng isang normal na tao, Na kayang makipag halubilo sa labas at makita ang pag sikat ng araw. Kung katulad lamang ba niya ang ibang mga tao sa labas ay makakatikim din siya ng kaginhawahan sa buhay at di puros ang apat na sulok ng kwarto na ito ang kaulayaw niya sa araw araw?
"Ahemm?'' Nag patunog ng kanyang lalamunan si Ivy. Hindi na kasi nito alam ang kanyang sunod na gagawin habang para tanga lamang siyang nakatitig dito.
Napatingin naman sa kanya si Tales. Tingin na talaga namang tagus tagusan sa kanyang balat at laman.
Huminga siya ng malalim. Napalunok. Pinapakalma ang sarili sa mga inaasta ng binata. "Ahmm Tales right? Kung handa kana eh kung pwede lang eh simulan na natin yung session?" Pamimilit niya dito.
Tinanggal lamang ng binata ang kanyang tingin dito. Pagkatapos ay tumingin ito sa ibang parte ng kanyang kwarto. Talagang pinapakita niya rito na hindi niya ito gusto.
OH s**t! Bulong ni Ivy sa kanyang isip. Paano kaya niya mapapaamo at mapapasunod ang inaakala niyang bata na kanyang tuturuan na isa na palang binata. Hindi niya iyon expected. Ang expected kasi niya ay isang high school student o nasa elementarya ang tuturuan niya. Napahawak siya sa kanyang noo habang pilit paring nag iisp kung pano niya ito mapapasunod. Sabi naman ng kanyang Amo na si Mrs. Sally ay mabait naman daw ito. Pero bakit ngnun? base sa mga kilos nito ngayon ay tila mas matigas pa ito sa bato.
Ganun parin si Tales makalipas ng ilang minuto, ni humarap ito sa kanya o kaya eh kausapin siya ay hindi nito magawa. Paano na lamang siyang matatawag na guro kung ang kaisa isa niyang estudyante ngayon ay hindi niya mapasunod?
Biglang na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Umilaw ito ng kulay asul at bahagyang nag vibrate. Pagkatingin niya kung sino ang nagpa miscall ay si karen pala iyon, Agad naman niyang inisip kung bakit ito nag pamissed call, pero wala duon ang isip niya ngayon kundi sa kanyang pagtuturo sa bago niyang estuyante.
Sinarado na niya iyon. Sa kanyang paglagay muli ng kanyang cellphone sa kanyang busa ay saka naman niya nakita si Tales na nakatingin sa kanya. "Ano yan?" Tanong nito.
Tumingin tingin naman siya sa paligid. "Ang alin?"
"Yung umiilaw?" Sagot naman nito.
Bigla niyang naalala ang kanyang cellphone kanina. Ito lang naman kasi ang naalala niyang hinawakan niya kanina. Inilabas niya muli iyon sa kanyang bulsa. Biglang pinindot ang menu key niyon at agad na hinarap sa binata.
Aliw na aliw si Tales habang pinagmamasdan niya iyon. Para siyang isang bata na nakatingin sa isang magarbong laruan. Dahan dahan niyang pinuntahan si Ivy. Kinuha niya ang cellphone nito at pinagmasdan iyon.
Nagtaka naman siya. Bakit na lamang ganun ang tingin ng lalaking iyon sa liwanag ng ilaw ng kanyang cellphone.
"Ahemm bakit Tales wala kaba niyan?"
Wala namang kaabog abog si Tales na sumagot. "Wala."
"Really!" Pagkagulat naman niya. Base sa laki ng bahay ng mga Sarmiento ay imposibleng kahit na minsan ay hindi nila ito nabili. Pero ang tanong ay bakit?
"Grabe ka naman. Bakit ganun ka naba katagal nakakulong dito?" Sabay ngisi niya.
Bigla namang nalungkot si Tales. Dahan dahan niyang ibinaba ang cellphone ng dalaga sa kanyang kandungan. "Oo matagal na."
Isang sulyap naman ang ginawa ng dalaga dito. Isang sulyap ng pagtataka. "Bakit Tales iIang taon ka nabang nakakulong dito at hindi mo alam ang cellphone?" Pagbibiro pa nito.
Tumingin si Tales sa kanyang mga mata. Ang kaninang matalas nitong titig ay tila naging malambot at parang tingin ng isang inosenteng bata. "Labinlimang taon na." Pagpuputol niya. "Labinlimang taon na akong nakakulong dito.'' Pagtatapos niya sa isang normal na boses.