Kapitulo 3 - Kuriyosidad

3608 Words
PARANG palaisipan na naglalaro sa kanyang isipan ang mga winika ng binata sa kanya. Kahit na yata baliktarin niya ang kanyang bituka mula kanyang tiyan o kaya eh paikutin niya ang kanyang ulo hanggang one hundred eighty degrees ay hindi niya parin makukuha ang mga katanungan na hinahanap niya. Paano na lamang niya mapapaliwanang ang bumbabalot na sakit sa binata na kailangan itong ikulong sa kwarto nito sa higit na labin limang taon.  Napahawak siya sa kanyang ulo habang naglalakad. "Hii ako!" Ika niya habang pilit paring tinatanggal sa kanyang isip ang labis na mga katanungan.  HIndi paman siya nakakalapit mula sa pintuan ng kanilang boarding house ay agad siyang nakakita ng isang paa. Kung hindi siya nagkakamali ay kilala niya ang sapatos na nakasuot duon. Animal print na leather na kulay brown. "Karen!" Bulalas niya. Agad siyang tumakbo mula sa may pintuan. Pagdating niya sa posisyon nito ay hindi nga siya nagkakamali. Nakita niya si Karen sa ganong posisyon. Halos mahalikan na nito ang lupa dahil sa semi dipa nitong posisyon.  Agad niyang kinalog kalog ang kaibigan. Hinawakan niya ito sa bandang balikat nito ay winagayway iyon, Pero hindi pa siya nakuntento dahil walang kagatul gatul niya itong sinampal. PAK! Halos dumugo na yata ang mukha ni Karen sa lakas ng pagsampal nito. Nagising ito kaagad. "Punyeta!!!" HInawakan kaagad ni karen ang kanyang pisngi at bahagyang hinaplos haplos iyon. Hinimas himas upang kahit papano ay mawala ang kaunting sakit na kanyang nadarama. "Bakit mo ba ako sinampal!" Sa pagalit nitong wika.  "Eh Bess akala ko eh patay kana? Pasensiya na." Inirapan lamang siya nito at agad na tumayo. "Eh kasi kung hindi mo kinuha yung susi ko eh di makakapasok ako sa kwarto natin ng maaga." "Anong susi mo?" "Oo susi ko! ikaw pa eh palagi mo kayang nakukuha yung susi ko." Ika niya habang ipinapagpag pa niya ang kanyang sarli. Binuksan naman ni Ivy ang kanyang bag. Mula sa isang pouch na naglalaman ng kanyang mga gamit pampaganda ay nakita niya nga doon ang susi nito. Hindi niya ito mapag kakaila dahil may kasama itong isang keychain na hugis gitara. "Eto nga. Pasensya na ahhh." "See?" Kinuha nito ang susi mula sa kamay ni Ivy at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kanilang kwarto. Ngunit hindi paman niya tuluyang nabubuksan ito ay agad naman siyang inawat ng kaibigan. "Karen wait?" Tumingin naman siya dito. "O bakit?" "Wag mo ng buksan yan. Gusto kong kumain sa labas... Treat ko." Madaming inorder si Karen ngayong gabi. Tila sa order na niya lamang binawi ang halos tatlong oras na paghihintay niya sa labas ng kanilang boarding house.  "Oyy dahan dahan lang. Hindi kita hihingian." Sita ni Ivy dito. "Pano naman friend. Mukang nagutom yata ang lola mo sa paghihintay kodun sa labas. Alam mo yun na yata yung pinaka matagal ko nang paghihintay sayo." "Okay okay." Kinuha ni Ivy ang susi nito. "O yan para hindi kana mag hintay sa labas.'' Sabay bigay niya ng susi dito. Nakatingin lang naman si karen duon. "O bakit?" "Friend parang ayoko ng kunin." "Baliw ka talaga. Kanina nagrereklamo ka dahil pinaghihintay kita sa labas tapos ngayon binibigay ko na yung susi mo eh ayaw mo namang kunin." "Okay lang ako friend... kung yung kapalit naman ng paghihintay ko eh gantong karaming pagkain. Solve na solve nako everyday." Sabay subo niya ng isang hamburger. "Sira ka talaga." Sabay tawa naman ni Ivy dito. Nakailang kain muna si karen ng kanyang iba pang inorder. Kinutsara niya ang ice cream sa inorder niyang mcfloat sa may Mcdo at mula sa ice cream niyon sa ibabaw ay sinawsaw pa doon ang iilang french fries." "Kadiri ka talaga! Tama ba namang isawsaw ang french fries sa may ice cream?" "Anong kadiri dun? Ang sarap kaya." Sabay lunok nito. "Oyy friend maiba ako. Nag sweldo ka naba? Mukang marami kang pera ehh.  Saka musta na pala yung tinuruan mong bata. Musta ang first day mo?"  "Okay naman." Kinuha ni Ivy ang isang spicy hot chicken. Kinurot pa niya ang balat niyon at kaagad na sinubo.  "Yun lang ung sasabihin mo okay lang?" Sa nadismayang sagot ni karen habang ngumunguya. "O siya siya! Yung tinutruan ko kahapon eh matanda na pala." "Echuserang to magkekwento rin pala. Gaano ba katanda? Mga sixteen years old. Ganyan?" "Hindi... Mga bente anyos na." Muntikan ng masamid si Karen habang kumakain. Inabutan naman siya kaagad ng tubig ng kaibigan habang hinahaplos haplos pa nito ang kanyang dibdib. "Anong nangyari dun? Forever alone. Bakit daw?" Follow up question nito habang pinupunasan pa niya ang kanyang bibig ng isang malinis na tissue. "Ewan ko. Sabi nung mga magulang niya eh. May sakit daw siya. Siguro sa sobrang takot ni Tales eh hindi na siya lumalabas ng kwarto niya." Napasinghal naman si Karen. "Huh! Ang weird ahh. Baka naman may phobia yun sa liwanang. O kaya naman eh isa siyang bampira?" Sa nakakaloko nitong pananalita na may kasama pang acting. Tumawa naman si Ivy. Tumawa siya hindi dahil sa acting nito kundi sa. "Hoy wag mong sabihing naniniwala ka sa mga bampira? Hightech na tayo ngayon friend. Saka ang alam ko eh. Panakot lang yun dati ng mga kastla sa mga ninuno natin dati para madali tayong masakop." Kinatok pa niya ang lamesa. Napatingin naman sa kanya si karen. Nag iba ang tingin nito sa kaibigan na parang gusto niyang paniwalaan siya nito. "So you're telling me Im a liar?" Sabay tawa naman nilang dalawa.  NAKATINGIN lamang is Tales sa madilim na ceiling ng kanyang kwarto ng walang anu anoy naamoy niya ang kanyang ama. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa hagdanan na ito at tuturukan nanaman siya ng isang misteryosong gamot. Pwera pa kasi sa itinuturok sa kanya kapag nanakit ang kanyang tiyan ay binibigyan pa siya nito ng isang kakaibang gamot na pampalaks daw ng resistensiya. Mula sa siwang ng kanyang pintuan ay nakita niya ang isang itim na anino na bahagyang kumibabaw doon. Pagkatapos ay isang pagkalansing ng susi ang kanyang narinig at sabay nuon ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Naka mask pa si Doctor Ricky mula sa kanyang pagpasok. Amoy na amoy mula sa suot nitong puting medical cape ang dumikit na amoy ng mga antibiotic at mga dugo. Kahit na naghugas na ito ng kanyang kamay ay naaamoy parin ni Tales ang mga natirang dugo duon. Ngunit kagaya ng naamoy niya nung isang araw ay hindi na ganun kabagsik ang amoy niyon upang magdulot ng kanyang pagkahilo at panghihina.  "Musta kana anak?" Tuluyan ng lumapit dito si Doctor Ricky. "Okay naman po ako Pa." Ika nito sa nakahiga paring posisyon. Bahagyang umupo si Doctor Ricky sa tabi nito. Hinaplos haplos ang kanyang ulo upang tignan kung meron itong lagnat. "Buti naman." Kinuha na ng Doctor ang inihanda nitong gamot. Kulay berde ito at transparent. Mula sa lalagyanan ng Kulay berde na likido ay itinurok nito ang isang katamtamang laki ng heringilya. Agad na hinigop niyon ang nasabing likido at agad na hinugot sa bunganga ng bote.  Pagkatapos ay pinosisyon na niya ang binata. Ipinatagilid niya ito at hinaplos haplos ng gulugod nito sa likuran. "Eh yung tutor mo. Maayos ba ung pag tuturo niya?" Tanong ulit nito sa kanya. "Maayos naman po." Dahan dahang ibinaon na ni Doctor ang dulo ng heringgilya sa bandang pwetan nito. Bahagya siyang napaiktad. Napagalaw ang ulo at napahawak sa linens ng kanyang hinihigaang kama. Segundo lamang ang lumipas niyon at hinugot na kaagad yon ng doctor. "Ahhhh!" Napa aray siya. Napabuka pa ang labi niya kahit na wala naman siyang ibang iuusal duon. Tumayo na si Doctor pagkatapos nitong turukan ang binata. Iniayos ulit nito ang kanyang mga parapelnalya sa isang pahabang tray. "Nagugutom ka naba? Gusto mo eh ipahatid ko na kay Manang yung pag kain mo?" HIndi man lamang ito gumalaw. "HIndi pa ako nagugutom." Sa maiksi niyang pag kakasabi. "O sige. Kung yan ang gusto mo." Iniayos na niya ang mga parapelnalya. "Kung gusto mong kumain. Sabihin mo lang." Tumayo na ng tuluyan si Doctor. Ricky. Muli pa siyang napatingin sa buong paligid at nakapag tatakang medyo malinis iyon.  Naglakad na si Doctor sa may metal ng pintuan ng kwarto. Ngunit ng kukunin na nito ang saradora niyon ay saka naman siya muling tinawag ng binata . "Pa?" Napalingon naman siya. Nakita niya ang mukha ni Tales na tila kakaiba mula sa mga oras na nagpupunta siya sa kwarto nito. "Ano yun anak?" Gusto sanang sabihin ni Tales kung bakit nga ba siya hindi pwedeng lumabas mula sa kanyang kwarto kung sa sikat lamang ng araw nasusunog ang kanyang balat. "Ano yun anak?" Pag uulit ni Doctor dito. Pabuka na ang mga labi ni Tales. Gusto na niyang iusal ang bawat titik at salita na namumutawi sa kanyang isipan ngayon, Unti unti na siyang nagkakaroon ng kuriyosidad, At ang lahat ng iyon ay pinagpapasalamat niya sa bago niyang guro na si Ivy. "Wala po Pa. Wala po." Hindi kumbinsido si Doctor Ricky sa sagot nito. Hindi man siya bihasa sa pag aaral ng kilos ng mga tao ngunit hindi maipag kakailang may bumabagabag sa kaisa isa niyang anak. "O sige kung gayon eh. lalabas nako." Tuluyan na niyang kinuha ang saradora ng pintuan. Sa unti unti niyang pag sarado duon ay nakikita niya ang hindi normal na reaksiyon sa mukha ng anak. Naka upo lamang ito sa kanyang kama habang papaliit na papaliit ang liwanag na pumapasok doon habang isinasara ang nasabing metal na pintuan.  Bumubula bula pa ang alak na ibinubuhos ni Mrs. Sally sa isang high glass na kupita. Naaaliw siya habang pinagmamasdan niya ang pag litaw ng mga bula sa ibabaw niyon. Parang saglit na nababawasan niyon ang konting pagiisip niya para sa kanyang anak. Pinuno niya ang kupita. Pagkatapos ay inilagay niya ang bote ng mamahaling alak sa gilid lamang niyon. Maya maya pa ay dumating naman ang asawa niyang si Doctor Ricky. Halatang nababagabang ito habang naglalakad patungo sa kanyang harapan at paingay na inilagay ang isang tray na puno ng mga parapelnalya sa panggagamot sa isang malapit na lamesa. "Whats the matter honey?" Napaayos na upo si Mrs. Sally. "Their is something wrong about our child?" Naging normal naman ang reaksiyon ng mukha nito. "At ano yun?" "Actually wala siyang sinabi sakin but I can sense it." Umupo ito sa isang mahabang couch. "I can see it throuh his eyes?" Lumapit si Sally rito. "Honey what are you saying?" "What Im saying is nagkakaroon na siya ng curiosity?" Hinawakan ni Sally ng kamay ng asawa. "Curiosity of what? Sa pagkatao niya. Sa pamumuhay niya?" Sa medyo naghehesterekal nitong pagkakasabi. Inilagay naman ni Doctor ang kanyang kamay sa mapulang labi nito. "Shhs! Wag kang maingay baka marinig niya tayo.... Oo curiosity sa pag katao niya, Of who he is, Of where he came from. Alam ko honey darating din yung araw nayon. But we are not ready yet. Specially me?"  "Shhs. Listen." Hinawakan ni Ricky ang mukha ng asawa. "Im not going to jump into conclution. Wala pa naman siyang sinasabi eh. Kung ano man yung naramdaman ko kanina,. eh kutob lang yun." Tila magmumugto na ang mga mata ni Mrs. Sally ngunit pinunasan niya kaagad yun. Umupo din si Mrs. Sally ng ayos sa kanilang couch. Niyakap siya ng kanyang asawa at idinantay ang ulo nito sa dibdib niya. "Ngayon honey what we going to do?" "Mamaya tataasan ko yung dosage ng gamot niya. Para kahit papano ay ma brainwash ang utak niya nito at hindi na makapg isip pa ng mga ibang bagay." Ika ng Doctor. Specialty na gamot iyon ni Doctor Ricky. Ipinagawa pa niya iyon sa kaibigan niya na isang doctor rin. Its called chemical 26. Isang gamot na kayang burahin ang mga memorya sa isip ng isang tao ng tuturukan nito.  "Diba honey may side effect yung gamot? Baka mapano naman yung anak natin niyan?" Mas hinigpitan ni Doctor Ricky ang pag yapos sa asawa. "Dont worry honey try and tested yun. Saka I dont think na eepekto ang side effet dun kay Tales dahil sa kakaiba siya." "Wait Honey." Bulalas naman muli ni Sally. Pagkataposo niyang tanggalin ang pag kakahiga ng kanyang ulo sa dibdib nito. "Ano yun?" "Sa palagay mo eh may kinalaman yung bagong tutor niya sa pag babago niya ng attitude?" Napatingin naman dito sa Ricky. Tila sa pag tingin niyang iyon sa kanyang asawa ay parehong pareho sila ng kutob at iniisip. NAKA PLAIN white dress siya ngayon at tinernohan niya lamang iyon ng isang plain din na pantalon. Simple lamang na babae si Ivy. T-shirt lamang at jeans ay ayos na sa kanya. Mas komportable siya sa mga kasuotang ito kaysa pagsuotin siya ng mga palda at designer dress. Naalibadabaran kasi siya. Hindi naman sa tomboy type siya kundi sa pagiging simpleng babae niya.  Habang siya ay naglalakad papunta na ng bahay ng mga Sarmiento ay dumaan muna siya sa isang bookstore. Agad siyang nagpunta sa photography section niyon. Naghanap ng isang bukas na edisyon ng photography book at agad na sinuri. Ang kanyang kinuha ay isang libro ni Sandra Summer. Isang sikat na photographer sa America. Nakalagay sa libro ang mga kuha nito simula palang nung una hanggang sa kasalukuyan. Napapangiti si Ivy habang tinitignan niya ang mga larawan. Naalala tuloy niya ang kanyang unang kuha at naganap iyon sa kasal ng Ninang niyang si Ninang Claire.  Nagtagal pa siya sa loob ng nasabing bookstore ng halos kalahating oras. Okay lang naman na magtagal siya duon dahil inagahan talaga niya ang pag alis ng halos isang oras upang magtungo dito. Binubusisi niya ang bawat anggulo ng mga photograpiya ni Sandra at naghahanap ng mga tips at bagong ideya. Pag may time ay binabalik balikan niya ang libro na iyon. Kahit na yata isang daan na niyang nakikita ang mga larawan doon ay hindi parin siya dito nag sasawa. Parang ang bawat pag buklat niya sa mga pahina ng nasabing libro ay palaging bago sa kanya. Sa katunayan niyan ay naging kaibigan na niya ang isa sa mga book keeper duon. Paminsan minsan ay binibigyan pa siya nito ng mga personal choice nitong librong pang photograpiya para lamang ipakita sa kanya. Naaliw din kasi ito sa mga litrato. Gusto rin sana niya itong bilhin ngunit napaka mahal niyon.     "Oyy Ivy!" Pagbati ni Florence dito.  Nagulat naman siya. Muntik munitkan na nga niyang maihagis ang librong hawak hawak niya. "Anak ng kabayo!'' Bulalas nito. Napatawa naman si Florence. "Oyy Friend hindi kaba nagsasawa diyan? Alam mo bang may volume two nayang palagi mong tinitignan?"  "Talaga!"  "OO naman lika!" Isinama siya ni Florense sa likod ng book store. Mula sa may storage room nila ay kinuha nito ang isang libro na higit na mas malaki ng konti sa palagi niyang tinitignan. Nakabalot pa ito ng pastic at halatang bago.  Iniharap niya iyon sa mukha ni Ivy. Tila pinapasabik niya ito. "Wow oo nga!" Sabay kuha ni Ivy sa libro. "Ano... gusto mong tignan?"  "HUh! Paano eh naka plastic?" Napailing siya. "Wag na. Baka mapagalitan kapa." Napangisi naman ito. "Ako pa mapapagalitan. Akin na." Sabay kuha ulit nito ng libro mula sa mga kamay niya. Pagkakuha ay agad na sinira ni Florence ang manipis na pabalat ng libro. Umalingasaw kaagad ng amoy ng bagong amoy ng papel niyon. "O yan. Tigan mo na. Tapos tawagin mo nalang ako pag tapos kana." "Nako nakakainis ka talaga. Bakit mo pa binuksan eh aalis narin ako." "Ayy ganun ba. Eh bukas mo nalang tignan. Babalika ka pa naman dito diba?" Tinapik naman niya ito sa braso. "Pilya ka talaga." Ika ni Ivy sabay tawa. Habang halos mawala na ang kanyang mata sa kakatawa ay bahagya naman siyang napatingin sa loob ng storage room ng nasabing bookstore. Mula doon ay nakita pa niya ng isang pulang libro na nag agaw ng husto sa kanyang pansin.  "Flor? Ano  yun?" Tumalikod naman patungo duon si Flor. "Anong ano yun?" "Yung kulay pulang libro?" "Ahh yun ba? Bagong dating din yan. Libro tungkol sa mga bampira. Bakit gusto mong tignan?" Nang narinig ni Ivy ang salitang bampira ay tila bigla niyang naalala ang sinabi ni Karen sa kanya. Namumutawi pa sa kanyang diwa ang eksena nila kahapon habang kumakain sila sa may Mcdonald. "Oo gusto ko... Pwedeng makita?" "Sure!" Madaling sagot naman nito. Kinuha rin ni Florence ang naturang libro. Ang salitang bampira na nasa harapang pabalat ng libro ay nakaposturang tila mga letrang inilubog sa sariwang dugo. Bawat letra kasi ng salitang bampira at may mga tumutulong dugo pa sa bandang ibaba niyon. Binuklat niya kaagad ang unang pahina ng libro. Mula doon ay nakasaad ang isang katanungan. Do vampire exist?  Kasabay niyon ay walang kaabog abog na isang kasagutan sa ibaba na. YES! With exlamation point.  "Tsk tsk tsk! Mga author nga naman. Lahat ng kaechusan sa mga libro nila eh gagawin para mabenta lang?" "Bakit mo nasabi?" "Eh tignan mo yan." Sabay turo niya sa unang pahina. "Kung totoo daw ba ang mga bampira? Tapos yung sagot naman niya eh OO. Pambihira! Siraulo yata yang author nayan eh!" Natawa naman siya sa reaksiyo nito. Pero kung sira ulo nga ang author ng librong hinahawakan niya ngayon ay bakit pa ito ire-release? Para lang ba magkapera? Sumikat? O kaya naman eh may pag usapan? "Pero Florence pano kung totoo ang mga bampira?" Napangiwi ito. "Wag mong sabihing naniniwala ka diyan Friend? Eh di kung merong bampira eh anong patunay? kailangan natin ng ebidensiya? kathang isip lang yun friend." Panunuya pa nito. Napatingin naman siya sa kanyang orasan. Mula doon ay mag aalas singko na ng hapon. "Haii nako sige late nako. Bukas nalang ulit... Hinawakan niya ang kamay nito. Salamat ahhh" "Nako friend wala yun. Sige bukas nalang." Ibinigay na niya ang pulang libro dito. Nag mamadaling umalis at nagpunta kaagad sa unahan ng bookstore. Pag bukas niya ng pinuan ay napatingin ulit siya sa glass window nito. At mula doon ay nakita niya ang isang nakadikit duon na poster na. New book release next week. The true Vampire Stories: By Michael Stefano. KUMATOK ng tatlong beses si Ivy sa pintuan ng mga Sarmienrto. Inumpog niya ang isang metal na untugan duon na kumakatawan sa sinaunang doorbell. Minuto lamang ang kanyang hinintay ay pinagbuksan naman siya kaagad ni Manang Bening.  "Good evening Manang!" Bati niya dito ngunit nginitian siya lamang nito. Tuluyan ng binuksan ni Manang Bening ang malaking pintuan. Nakakasilaw ang liwanang ng mga ilaw duon ngunit mas nakaagaw ng kanyang pansin ang normal na mukha ni Mrs. Sally Sarmiento. Nakaupo lamang ito sa isang bakal na upuan at tila talagang hinihintay siya. "Good evening din po. Maam." Bati niya rin dito ngunti hindi lamang ito gumawa ng kahit na anong kilos.  HIndi mapag kakailang may iba sa kanyang babaeng amo. Ang pagtahimik lang nito ngayon ay isang senyales na. Ngunit ang tanong ay ano kaya iyon?  "Ahmm Maam. Aakyat napo ako." Niyuko niya ang kanyang ulo bilang paggalang. Nagtangis naman kaagad sa kanya si Mrs.Sally. "Ahmm Miss Ivy. Pwede ba tayong mag usap?" Bahagya itong nagulat. "O - o - o - opo... sige po." Nagpunta sila sa may study room. Mula doon ay nakita niyang nag hihintay din doon si Doctor. Ricky. "Ahmm Maam, Sir ano po bang ibig sabihin nito?" Sa patuloy parin niyang pagkagulat.   "Umupo ka Miss Ivy?" Tumingin siya kay Mrs. Sally. Ngunit inilingan lamang siya nito. Umupo si Ivy. Sa kanyang pag upo ay nakatingin lamang siya sa mag asawa na tila papahirapan siya. Dinama niya ang malambot na kutchon ng upuan. Pinadausdos niya ang kanyang kamay doon habang patuloy parin niyang tinatanong sa kanyang isip kung bakit ngaba siya nito pinatawag at sa ganto pang sitwasyon. "Miss ivy." Pangungunang salita ni Mrs. Sally. "Alam mo naman siguro yung pinag usapan natin. Diba?" Napalunok naman siya. "Oho." "Good. Sabi ko sayo na wala kang sasabihin na kahit na anong impormasyon tungkol sa mga taga labas sa aking anak. Diba?" Sumagot ulit siya. "Opo." Napatingin siya sa mga mata nito. "Kung gayon eh. Wala kabang sinabi sa kanya tungkol sa mga pinagusapan natin?" "Wala ho." kahit na ang totoo ay OO.  Nagsisimula ng mamawis ang kanyang noo. Unti unti naring lumalakas ang t***k ng kanyang puso.  Nagsimulang tumahimik sa buong kwarto ng ilang minuto. Parang mga pipi sila ngayon na kahit na sino ay hindi alam kung pano ang magsalita.  Napahinga ng malalim si Doctor. Ricky. " Miss ivy. Alam mo ba ang sakit ng anak ko?" "Ho?" Pagkagulat naman niya. Nakita niya na bahagyang huminga ng malalim si Doctor Ricky habang nasa likod lamang nito ang kanyang asawa. "HIndi siya pwedeng makipag salamuha sa mga tao, Hindi rin sya pwedeng maarawan," Tumayo na ito mula sa kanyang kinauupuan. Nag lakad ito patungo sa may bintana at hinawakan ang kurtinang tumatabing dito. "Matagal namin siyang ikinulong sa may kwarto upang mawalan siya ng kuriyosidad sa lahat ng bagay. Ginawa namin iyon para hindi niya maisip na lumabas." Muling humarap si Doctor Ricky dito. "Nauunawaan moba kami Miss ivy?" "Oho." Sagot niya pero kahit na ang totoo ay hindi. Kung may tapang lang siya ngayon ay gusto niya sanang itanong kung ano ngaba talaga ang sakit nito. "Miss Ivy" Kinuha ulit ni Doctor Ricky ang kanyang atensiyon. "Gusto mo bang makarinig ng isang lihim?" Tumahimik lamang si Ivy. Patuloy lamang siyang nakatignin sa ngayon ay mas seryoso ng mukha ni Doctor. Ricky na hindi mapagkakailang mataas ang pag aalala sa anak. ''Honey Please!" Pag pipigil naman ng kanyang asawa dito. Ngunti mukang hindi na makapag pigil pa ang doctor. "Miss Ivy." Sabay tingin sa pwesto nito. "Alam mo bang hindi namin tunay na anak si Tales?" Pagsisiwalat nito sa isang normal na boses.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD