Kapitulo 4 - Sikretong Plano

3823 Words
KINUHA na ni Ivy ang pinasagutan niyang papel mula kay Tales. Halos singkwentang Math problem yata iyon. Ang gusto kasi ni Ivy ay tignan niya muna ang husay nito sa matimatika. Ginagawa niya ito upang kanyang malaman kung saan ang kahinaan nito.  Mula sa kanyang bag ay kinuha niya ang isang mahabang folder. Nasa folder na iyon ang mga sagot sa math problem na ginawa niya. "Let me see?" Ika niya habang binubuklat ang paper sheet. Malinis ang papel na pinag sagutan ni Tales. Mula sa mga math problem ay nakasulat ng malinis at tila hindi manlang pinaghirapan ang mga sagot nito. Duda siya. Duda siya na kung talaga bang tama ang mga sagot nito o hindi. BInaliktad din niya ang papel ngunit kahit na isang math computation ay hindi siya makakita. Muli siyang napatingin dito. Samantalang parang bata lamang si ito na nakatingin sa kanya. "WOOOO." Huminga siya ng malalim.  Muli niyang binaligtad ang papel. Mula sa harapan niyon ay kanya ng sinimulan ang pag checheck kung tama nga ang mga sagot nito. Una niyang tinignan ang unang problema. Square root of (16) + 78 = ang katanungan. Wala naman itong kaabog abog na sinagutan ng binata na. 82. Duda parin siya. Mataas na kasi itong numero kaya imposibleng malaman nito ang tamang sagot ng wala man lamang ni kahit na anong computation. Pagkatapos ay tinignan niya ang answer sheet kung tama nga iyon. At agad siyang nagulat dahil tama nga ang sagot nito. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa nasabing answer sheet. Nagawa pa niyang ulit ulitin ang pag tingin dito upang manigurado. Pero kahit na anong gawing tingin niya dito ay tama parin ang sagot nito.  "Tales?" Kinuha niya ang atensiyon nito mula sa isang pagdududa "Ano ho yun Miss?" "Paano mo nakuha ang sagot dito?" Itinuro pa niya ang unang matimatikang problema. Pinagdiinan pa niya ang hintuturo niya duon.  "Ahmmm bigla nalang lumabas sa isip ko." Ika nito. "P-p-paanong?"  Tinignan siya ni Tales ng mariin. Bahagya pa nitong inilapit ang kanyang mukha sa mukha niya. "Bakit miss. Hindi ba kayo naniniwala?" "Hindi!" Sabay tayo. Nagpunta siya kaagad sa kinauupuan ni Tales upang tignan kung may naihulog itong kopya ng answer sheet duon. Pinatayo pa niya ito at agad na ginulo ang linens ng kama. Pagod na pagod na siya. Medyo mabigat kasi ang foam na nandoon.   "Miss. Ano bang ginagawa ninyo? Hindi nyo ba alam na matagal ko yang inayos kanina?" Napahinto naman siya panandalian mula sa kanyang paghahanap ngunit agad rin siyang nagpatuloy muli. "Hinahanap ko yung kopya ng answer sheets." Ika nito habang sige parin sa pag hahanap. Ng cross arms naman si Tales. "Miss. Kahit na anong gawin mo eh wala kang makikita diyanng answer sheets dahil hindi ako nanloloko. Kung gusto mo eh bilangin mopa kung kompleto pa ang bilang ng answer sheets mo?" Napatigil naman siya. Sabagay may punto ito. Kung bibilangin nga naman niya mula sa harapan nito ang bilang ng mga answer sheets na nandoon ay dun lamang nito malalaman ang katotohanan. "O sige." Mula sa lamesa kung saan niya iniwan ang mga answer sheets ay muli niya itong kinuha. Dahan dahan niyang binuksan kaagad ang isang mahabang folder. Mula doon ay binulatlat niya ang mga puting papel na naglalaman na mga tamang sagot saka binilang. Tatlong pahina ang bawat set ng kanyang sinasabing answer sheets at bawat answer sheets naman ay merong tig tatatlong kopya. "Ano Miss. May nawala ba?" Wika ni Tales sa normal na tono. "W-w-w-wala." Pagtataka nito. Kung hindi si Tales nangodigo sa kaniyang introduction exam ay paano na lamang nito nasagot ang lahat ng mga problema kung ang itinagal lamang nito sa pag sagot ay hindi aabot sa kalahating oras. Muli siyang napatingin dito.  "Bakit Miss? Bakit ganyan ka makatngin sa akin. May rumi ba sa aking mukha?" Natagalan siyang sumagot. "Tales. Paano mo nasagutan tong mga problem ng walang computation?" Tinignan muna ni Tales ang hawak hawak nitong mga answer sheets bago pa siya muling nagsalita. "Sa isip ko lang." "Huh. Sa isip?" Nagkibit balikat naman siya. "OO sa isip." Muling tinuon ni Ivy ang kanyang diwa sa pag checheck ng mga sagot nito. Mula sa iba pang problema hanggang sa huli ay tama ang lahat ng iyon. Hanggang sa pag marka niya ng check sa huling problema na nakasaad sa nasabing questioner ay hindi parin siya makapaniwala. Gifted nga bang maituturing si Tales? "Ahmm Tales. Sa palagay mo eh bakit ka nila dinala dito?" "Anong klaseng tanong yan Miss Ivy?" "Sagutin mo nalang yung tanong ko." "Dahil sa sakit ko? I guess?" Sagot naman niya. Tinignan niya si Tales mula ulo hanggang paa. Sa nakikita niya dito ngayon at kung tatanungin siya kung ano ang kalagayan nito rito sa loob ng kwarto ay walang kaabog abog niyang sasabihin na ayos lang naman ito. Na masigla ito at hindi na kailangan pang uminom ng kahit na anong bitamina.. "Bakit Tales sa palagay mo eh yun ang dahilan?" Parang naguluhan din ang binata sa katanungan nito. Ano nga ba ang nais nitong sabihin sa kanya? "Miss Ivy?" Tuluyan na itong tumayo. "Anong ibig mong sabihin?" Kumurap kurap ang mata nito bago pa siya muling sumagot. Nung una ay hindi niya alam kung pano ba niya dito sasabihin ang mga bagay bagay na nasa kanyang isipan na hindi masyadong nahahalata na nagdududa rin siya. "Katulad ng anong pangalan ng sakit mo? Alam mo ba kung ano ang sakit mo? Ano ito... paghabang buhay ba? At bakit pati sa gabi ay bawal karing lumabas?" Napanganga si Tales. Parang isa itong computer na bigla na lamang ng log dahil sa sobrang daming information na pumasok. "Oh ano Tales alam mo ba? Bakit hindi ka makasagot?" Biglang nanginig ang mga labi ni Tales mula sa kanyang mga narinig na tanong. Sa itinagal tagal niya sa kwartong iyon ay ngayon lamang niya napagtanto na kahit nga lang pangalan ng kanyang sakit ay hindi niya alam.  Huminga siya ng maalim sabay upo sa kanyang kama. Nakita pa niya ang bahagyang pag indayog niyon dahil narin sa biglaang pag upo nito. "Ang totoo niyan eh hindi korin alam. Kahit na magtanong ako sa kanila eh hindi naman nila ako sinasagot." Dahan dahan itong tumingin sa kanya.  "Bakit Miss Ivy may alam kaba?" Nagulat ito. "Ako may alam. "W-w-wala ahhh." Agad niyang nakita ang mga mata nito na tila naghihingi ng hustisya. "Wag ka ngang magsinungaling Miss Ivy. Dahil naririnig ko kayo?" "Anong naririnig?" Sa pagtataka nito. Dahan dahang tumayo si Tales mula sa kanyang pag kakaupo sa kanyang kama. Mula doon ay nagpunta siya sa gitna ng kanyang kwarto na bahagyang hindi naliliwanagan ng ilaw ng nagmumula sa kaisa isang lampshade sa loob ng kwarto. Madilim man sa parteng iyon ngunit kitang kita parin niya ang mga kilos nito. Iniangat ng binata ang makapal na carpet na naroon. Pagkaangat ay kinapa kapa pa niya ang sahig na nasa ilalim na tila may naghahanap ito ng barya, Napahinot siya saglit. Isang butas ang kanyang nakapa. Mula doon ay tinanggal niya ng dahan dahan ang isang pasak na nakalagay sa isang maliit na butas. "Ano yan?" Tanong ni Ivy habang napaluhod narin. Nagpunta pa siya sa kinaroroonan ng binata. Tumingin si Tales kay Ivy. "Miss. Sige sumilip ka?" "Huh! Bakit ano ba ang nasa butas?" Hindi man lamang kumibo si Tales bagkus at inihalalay lamang niya ang kanyang kamay sa may nasabing butas senyales na niyayaya niya itong tignan iyon. Sa sobrang kuryosidad naman ng dalaga ay sinunod niya ito. Dahan dahan siyang lumapit dito at mula sa may maliit na butas ay itinapat niya ang kanyang kanang mata. Isang kwarto ang kanyang nakita. kung hindi siya nagkakamali ay ito yung kwarto na pinuntahan niya kanina bago pa siya tuluyang pumunta sa kwarto nito. Walang iba kundi ang study room ni Doctor. Ricky. "ARE YOU SERIOUS! Bakit mo naman ginawa yun kanina!" Galit na galit ang mukha ni Mrs. Sally sa asawa nito pag pasok nila ng isang kwarto.  "Please honey... keep your voice down." Sa mahinahong sagot naman ni Doctor. Ricky dito. "Hindi mo alam ang mga sinasabi mo Ricky. Sasabihn mo sa akin na tumahimik pagkatapos ng mga pinaggagawa mo?  Inilagay nito ang kanyang kamay sa kanyang ulo. Pakiramdman kasi niya ay parang sasakit ang ulo niya sa lakas ng boses nito. "Ano Ricky magsalita ka! Wag mo kong aartihan ng ganyan. Anak natin ang pinaguuspan natin dito!" "I know. I know. kaya naman I prepare a better plan." Mas lalong tumaas ang dugo ni Mrs. Sally. "Anong better plan. Eh kulang nalang eh sabihin mo na..." Biglang humina ang boses niya. "...na bampira ang ating anak." "Thats my point honey. Kung malalaman man ni Tales na isa siyang ampon kagayang sinabi ko kay Miss. Ivy kanina ay alam na natin na si Ivy nga ang nagsabi niyon. Na si Ivy ang dahilan kung bakit nagbukas ang kamalayan ng ating anak." Napahinto naman si Mrs. Sally mula sa kanyang pag sasalita. Nagpagtanto rin niya na tama nga ng plano na ginawa ng kanayng asawa. Nagsabi ito ng isang matinding lihim dito. At kung malaman man ni Tales ang lihim na iyon ay isa lamang ang kanilang paghihinalaan. Walang iba kund si ivy. "Honey As I said earlier na hindi pa tayo sigurado kung si Ivy nga ang nagbukas ng curiosidad ng ating anak. So kaya ko ginawa ang bagay nayun kanina." "Pero Honey hindi parin biro yun." "I know I take a risk..." Tumayo si Doctor Ricky mula sa kanyang kinauupuan. Nilapitan niya ang kanyang asawa at agad na niyakap ito. "Pero Honey ko... Wala ng mas titindi pa sa isang lihim na alam natin." Tumango lamang si Mrs. Sally. Tila nakuha na nito kaagad ang gustong iparating sa kanya ng kanyang asawa.  HINDI parin maintindihan ni Ivy kung para saan ang mga butas na ginawa ni Tales. Kung hindi siya nagkakamali sa pagbilang ay hindi iyon lalampas sa lima. Ang una niyang tinignan ay butas mula sa study room. Isa sa may maliit na klinika ni Doctor. Ricky, Sa may front door ng mansiyon, Isang mallit na espasyo sa may hagdanan, at ang pinaka mahirap silipan ay ang butas sa may kusina. Pinikit pikit pa niya ang kanyang mata habang itinatanggal niya ang tingin niyon sa maliit na butas. "Para saan to?" Interesadog tanong dito ng dalaga habang sinasanay pa niya ang kanyang mata mula sa madilim na ora ng kwarto. "Sabihin na nating. Para sa katotohanan? Miss Ivy." "HIndi kita maintindihan?" Sa naguguluhang pag iisip nito. Tumayo si Tales mula sa pag kakaupo niya sa may sahig. Pagkatapos ay nagpunta siya mula sa kanyang kama at bahagyang dinampi ang kumot na bumabalot na foam doon. "Nakulong ako sa  kwartong ito sa mahigit na pitong taon. Sa panahong iyon ay tandang tanda kopa habang isinasara ni Papa ang pintuan na bakal ng kwartong ito ay para akong mababaliw. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Puro dilim ang nakikita ko sa buong paligid. Isang makapal na katahimikan. Pakiramdaman ko ay para akong anak ng hatinggabi na gustong kumawala sa isang masamang panaginip." Maya maya pa ay tumayo narin si Ivy. Nagpunta ito mula sa kinauupuan ni Tales at agad niya itong inaro. Inilagay niya ang kanyang kanang braso sa balikat nito. "Naiintindihan kita." Nakatingin lamang ang binata mula sa madilim niyang mga paa. "Simula nuon ay marami ng guro ang nagpupunta dito. Pero kahit na isa sa kanila ay hindi ko nakitaan ng kabaitan. Tingin nila sa akin ay Iba, Isang halimaw, Wirdo, Ampon!" Bigla namang nanikip ang dibdib ni Ivy pagkarinig niya ng salitang ampon. Naalala kasi niya ang pinag usapan nila kanina. "Pero ikaw Miss Ivy. Iba ang tingin mo sa akin. Naramdaman ko yun nung una palang kitang nakita dito. Hindi ko mawari pero parang ikaw." "Anong ako?" "Ikaw ang nagbukas ng aking kamalayan." Napabitaw si Ivy mula sa pagkakahawak niya mula sa balikat nito. "Huh! Alam mo parang mas lalong hindi kita maintindihan." Pakunwari niya mula sa kanyang mga tinuran. ''Kung gayon eh intindihin moko. Ganun lang." Pagsusumamo naman ng binata. "Anong ibig mong mangyari?" "Simple lang Miss Ivy. Gusto kong patunayan mismo sa sarili ko na wala akong sakit..." Napalunok naman ito. "Pano?" Inilapit ni Tales ang kanyang mapupulang labi mula sa tenga nito. Pagkatapos ay ibinulong niya ang gusto niyang mangyari. "Miss Ivy. Ilabas moko dito."  HANGGANG sa pagbaba niya ng hagdanan ay hawak hawak niya parin ang mga questioner at answer sheets na itinuro niya para kay Tales ngayong araw. Hanggang ngayon din ay hindi parin maalis sa kanyang isip ang winika ng binata sa kanya, Na tulungan niya ito at palabasin mula sa inihahambing niyang kulungan s***h kwarto. Naalala pa niya ang sinabi niya dito. "Hindi..." Tanging nasabi niya sa nakaharap paring mukha ng binata. Kitang kita niya ang nagmamakaawang mga mata nito. Walang kapares na itim ang gitna ng mata niyon samantalang parang sa manika naman ang mahahaba nitong pilik mata. Hinawakan ni Tales ang kanyang kamay. Malamig ang kamay nito. Parang itong isang kamay na humawak sa isang sakong yelo sa mahigit na isang oras. Tinanggal naman niya iyon kaagad. Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib upang bumalik ang dati niyong init. "Miss Ivy alam kong mahirap pero pahintulutan moko na makita ang labas." "Pero tutor mo lang ako." "Hindi." Nakatitig ito ngayon sa kanyang mga mata. "Para sakin ay hindi ka lang isang tutor. Kundi ikaw ay aking tagapag ligtas." SWOOS! isang malamig na hangin ang bigla na lamang niyang naramdaman ng itapak niya ang kanyang kaliwang paa sa huling baitang ng hagdanan. Mula sa kanyang harapan ay agad niyang nakita ang mukha ni Manang Bening na halatang seryoso. Napahawak kaagad siya sa kanyang dibdib. "Manang naman! Akala ko eh kung ano na eh! Wag naman ho kayong manggugulat!" Seryoso parin ang mukha nito bago pa ito muling nagsalita. "Pasensiya na Iha pero utos ni madam na tawagin daw kita pagkatapos mong turuan si Sir. Tales." "Ahh ganun ho ba?" Sabay tango naman nito. Binuksan ni Manang Bening ang pintuan ng pahingahang kwarto ni Mrs. Sally. Pagbukas na pagkabukas palang niya ng  pintuan nayon ay amoy na amoy na niya kaagad ang aroma na namumutawi sa may hangin. Talaga namang nakakakalma iyon ng kanyang sensesyon. "Ahmm Madam?" Ika ni Manang Bening pagkatapos niyang buksan ang pinto. "Sige Manang papasukin mo siya." Tinapik naman ni Manang Bening ang balikat nito. Iginalaw pa niya ang kanyang ulo na senyas upang pumasok na siya. Agad naman siyang pumasok. Kulay dilaw ang lahat ng kurtina doon. Ibang iba ito sa study room ni Doctor. Ricky na off white lahat ng kulay. "Nagustuhan mo yung kulay Miss Ivy. Happy isnt it?"  'Yes Maam. Maganda po sa mata. Nakakatanggal ng stress." Umupo si Mrs. Sally mula sa kanyang pagkakahiga sa isang magarbong upuan. Pinasadya ang hugis niyon na parang isang ahas na parang manunuklaw ang ulo. ''Miss Ivy kamusta naman ang pagtuturo mo sa anak ko." Panimulang tanong nito. "Ahmm okay naman po. Madali po siyang matuto. Sa katunayan nga ho niyan eh nakakuha ho siya ng one hundred ngayon araw." "Good." Tuluyan ng tumayo si Mrs. Sally mula sa pagkakaupo nito. Nagpunta ito mula sa isang malapit na lamesa at agad na kinuha ang isang malaking plaka. Mozart ang kinuha niyang plaka. Itinanggal pa niya iyon mula sa lalagyanan nitong itim na cloth case at agad na inilagay sa isang pronograpo. Pagkiskis ng isang manipis na parang karayom mula sa may plaka ay agad ng tumugtog ang nakakaenganyong musika ni Mozart. Hindi pa siya nasiyahan at nilakasan pa niya iyon.  Unti unting itinaas nito ang kanyang kamay sa ere. Napapapikit pa ang kanyang mga mata habang tila ramdam na ramdam nito ang musika. Sa kanyang pagikot ay nahuli niya si Ivy na nakatingin lamang sa kanya.  "Ohh sorry. Nakalimutan kong nandito ka." Ito na ang naging therapy ni Sally. Tuwing hapon ay nagpapatugtog siya ng mga clasical music upang matanggal ang kanyang mga suliranin sa buhay. Ito na ang naging bitamina ng kanyang  mga maliliit na ugat sa buo niyang katawan at utak. "Okay lang po Maam." "Are you sure?" Tinignan siya nito sa kakaibang pangungusap.  "Ano kaya kung samahan moko dito Miss Ivy." Nag refuse naman kaagad ito. "Nako Maam pareho pong kaliwa ang mga paa ko." Wika niya habang napapangisi.   "Ohh common!" Hindi moba alam na wala pang humihindi sa mga alok ko." Pinuntahan na niya ito ng tuluyan. Habang naglalakad ay nakaagapay na ang kamay nito sa harapan nito na handa na upang akayin siya ngunit ng kukunin na nito ang kamay niya ay bigla na lamang tumunog ang telepono. Ang ginawang tunog nito ay tila nasapawan pa ang nakakaenganyong musika ni Mozart. Sabay silang napatingin sa tumutunog na telepono. Ang kaninang atensiyon na inalay ni Mrs. Sally para sa dalaga ay napunta sa iba. "Miss Ivy. Please excuse me?"  "Go ahead Maam." Sagot naman nito. Glamorosang inangat ni Sally ang kulay puting telepono. "Hello?" "Ahmm good evening Maam. Can I speak to Mrs. Sally Sarmiento please?" "Yes speaking." "Maam! I'm like to inform you that you are chosen to be our guest to our annual Saint Peter Grad ball." Pagsasalaysay ng babae sa kabilang linya. "Ohh really. When?" "Bukas napo maam. In galaxy hotel. At exsactly 8 p.m." Malaki ang ngiti ni Mrs. Sally ng marinig niya ang napakagandang paanyayang iyon. Ang Saint Peter Acadamy ang dati at ang pinakamamahal niyang alma matter. Besides kasi sa naging president siya ng student counsil nito doon dati ay dito rin niya nakilala ang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso, at iyon ay walang iba kundi si Doctor. Ricky.   "Sure! Sure! sure!" Sagot naman niya. Habang nakikipag usap si Mrs. Sally sa telepono ay panay naman ang pag susuri ni Ivy sa buong paligid. Kahit saan niya ibaling ang kanyang tingin sa loob ng kwaro ay hindi niya maipagkakailang mga mamahalin ang mga kasangkapan na naroon. Hanggang isang bagay ang bigla na lamang nag agaw ng kanyang pansin. Isang kumikinang na parang tanso ang kanyang nakita na nakasabit sa isang dingding. "Ano yun?" Usal niya. Nakalagay iyon sa isa pang glass case na kung hindi siya nagkakamali ay lalagyanan ng mga susi.  Tinignan niya muna si Mrs. Sally. Mula sa pwesto nito. Hanggang ngayon kasi ay busing busy parin ito na nakikipag usap habang panay pa ang tawa. Kaya naman ng makahanap ito ng tyempo ay dahan dahan siyang nagpunta duon. Halos benteng susi ang naka sabit mula sa loob ng glass case  ngunit sa dinami dami niyon ay isa lamang dun ang nakakuha ng kanyang interes. Kung hindi siya nagkakamali ay yun ang duplicate key ng kwarto ni Tales. Walang pinag iba ang hugis nito mula sa unang susi na nakita niya mula sa study room ni Doctor. Ricky. Ang kaibahan lamang nito ang ang kulay. Ang orihinal na susi kasi ay tila kulay ginto samatalang kulay tanso naman ito. Dinama niya ang katawan ng susi na nakasabit parin sa may dingding. Isa pang sulyap ang ginawa niya mula sa pwesto ni Mrs. Sally ng mga sandaling iyon. "Okay miss I'll be there." Ika nito. nang naramdaman niyang malapit na nitong ilapag at tapusin na ang kanyang tawag mula sa kausap nito mula sa kabilang linya ay saka naman siya nagadali. Wala siyang kaabog abog na kinuha ang duplicate key ng kwarto ni Tales at inilagay niya iyon kaaagd sa suot suot niyang masikip na pantalon. Pagkatapos ay nagmadali siyang naglakad papunta sa kinatatyuan niya kanina. Habang binibilisan ang lakad ay hindi parin niya matanggal ang tingin sa nakatalikod na si Mrs. Sally hanggang sa makabalik siya sa dati niyang pwesto.  Binaba na nito ang telepono. Pagkatapos ay agad na itong umikot upang tignan na ang dalaga. "Sorry Miss Ivy ahh. Tinawagan lang ako para maging special guest bukas sa mahal kong alma matter." Ika nto habang walang mapaglagyan ang kanyang tuwa't saya.  "No problem Maam.'' Sabay tingin naman niya sa kanyang relo kunyari. "Ahh Maam sorry din po pero kailangan ko napong umalis." "Nako really! Sige next time nalang kita tuturuang sumayaw." "Yes maam ilalagay kopo yan sa kalendaryo ko." Pagbibiro naman nito. Napatawa din si Mrs. Sally. "And wait Ivy." "Ano po yun?" "Bukas na pala yung last day mo dito. And baka wala nga ako dito bukas. So ikaw muna ang bahala sa anak ko." ''Nako Maam. It's my pleasure po. Saka wag po kayong mag alala. Ako po ang bahala sa anak niyo." "ANO!!! Ilalabas mo si Tales?" Wika ni Karen habang sinusuklay pa niya ang kanyang wig para sa role niyang zombie killer sa kanilang ginagawang play. May shooting sana sila ngayong gabi sa may empire state building. Ang siste eh. Kunyari ay magpapanggap siyang mabait at yayayain niya ang gaganap na bida sa pinaka itaas na palapag ng gusali. Pagkatapos ay tatraydorin niya ito at biglaang ihuhulog doon. "Oo bakit may angal ka?" "Wala naman friend pero diba bawal siyang ilabas. Baka kung anong mangyari dun?" Inirapan niya ito. Humiga sa kanyang kama na tila nag iisip din. "Naawa na kasi ako sa kanya eh. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo siyang tulungan pero eh hindi mo alam kung paano?" "So kaya mo ba ginawa ito?" Sabay suklay nito ulit sa kulay silver na wig. "Request niya narin yun. Siguro gusto rin niyang mapatunayan sa kanayng sarili na wala talaga siyang sakit." "Eh friend pano kung meron tapos namatay siya sa gitna ng kalsada habang naglalakad kayo. Eh pwera sa hussle na ginawa mo eh. Ipapadoktor mo payun. Sige ka!" Pagbabanta nito. "Alam mo napaka nega mo!" Binato niya ito ng isang malaking unan. Tumilapon naman ang wig na sinusuklay nito. Nagkagulo gulo ang tuwid niyong buhok. "Tignan mo ginawa mo! Hindi moba alam na isang oras ko yang sinusuklay para lang kumintab!!!" Sa galit nito. Napapangisi lamang si ivy sabay sabing sorry.  Dahan dahan ay tinungo ni karen ang lokasyon kung saan tumilapon ang kanyang wig. Kinuha niya ito pagkatapos ay sinuklay niya ulit iyon gamit ang kanyang mga daliri. "Pero friend paano mo pala ilalabas si Tales kung todo bantay yung mga magulang niya?" "Syempre nakaisip nako diyan ng paraan. Narinig ko na aalis sila bukas ng hapon. Kaya naman eh... kukunin ko ang pagkakaton na yon para eh maitakas ko si Tales kahit sandali. And guest what?" "Ano?" Usal naman nito. Kinuha ni Ivy ang kanyang hinubad na pantalon. Mula sa bulsa nito ay hinugot niya ang isang hindi ordinaryong itsura ng susi. "Oh my God! Ano yan?" Pinaikot ikot pa niya ang susi mula sa eye level ni karen. Bigla naman niyang kinuha kay Ivy ang susi mula sa mga daliri nito. Tinignan iyon at agad na sinuri. Hindi pa nakontento at itinapat pa niya iyon sa liwanag ng ilaw. "Ang ganda. Astig!!!" "Weird nga eh. Tignan mo yung itsura parang mukhang tao na hayop ng di ko maintindihan." "Ang cool nga eh.'' Pagbabawi naman ni karen. "Ito naba yung susi sa kwarto ni Tales?" "Yap yan na nga at wala ng iba." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD