"HONEY HOW DO LOOK?" Inaayos ayos pa ni Mrs. Sally ang kanyang buhok habang ipinapakita nito ang kanyang suot na puting bestida sa asawa. Pina rush pa niya ang paggawa niyon para naman may maisuot siya para sa gaganaping annual grad ball ng Saint James Academy.
Itinuturing na prestihoyoso ang naturang grad ball sa buong Springville state. Piling pili lamang ang mga naiimbitahan dito at masasabi niyang isa siya sa mga nasuwerteng napili. "Honey?" Pag uulit niya hanggang sa magpunta na siya ng tuluyan sa harapan nito. "Great! You look great." Sa sarkastiko nitong pananalita. "I may say that you get even more and more beautiful as the days goes by."
Nagrolyo naman ang kanyang mga mata. "Honey matagal ko ng alam yan." Pang aangat nito sa kanyang sarili. Pagkatapos niyon ay kinuha naman niya ang isang pares na hikaw. "Eto honey. Sa palagay mo eh maganda ba?"
Sinuri naman ito ni Ricky. "Just simply beautiful. Sa palagay ko eh mas maganda pa yung binili mo nung nakaraan sa Nashville?"
"Alin yung heart shape?"
"I forgot the shape but I know its deep red."
"Ohhh yung heart shape nga. Wait. Hahanapin ko sa drawer." Nagpunta siya sa isang malapit lamang na lamesa. Mula sa drawer niyon ay kanyang kinuha ang isang jewelry box na punong puno ng mga alahas. Emerald, Gold, Jade, Sapphire at kung ano ano pang mga bato ang koleksiyon niya. Pero mukang hindi niya doon makita ang kanyang hinahanap. "Hon parang wala dito yung heart shape na earrings ko?"
"Isipin mo lang kung saan mo nilagay. May mental gap kana talaga!" Ika naman nito habang naglalagay ng korbata.
Habang sinasarado niya ang munting takip ng kanyang jewelry box ay siya namang pag aalala niya sa kanyang hinahanap na hikaw. "Hindi kaya naiwan ko dun sa kabilang kwarto? O kaya eh nailigpit ni Manang?" Sinulyapan lang siya ng kanyang asawa at hindi man lamang ito nagsalita. "Nako ang maigi pa eh tignan ko nalang dun."
"Maigi pa nga at dalian mo Honey. Nakakahiyang malate dun." Dali daling nagpunta si Sally sa kabilang kwarto. Ang kwartong pinuntahan niya ngayon ay ang kwarto kung saan siya madalas nagpapahinga. Tinungo niya ang kabinet na naroon. Sinuyod ang mga mumunting gamit niya at hindi nga siya nagkamali dahil nailagay pala niya ang kanyang hinahanap na hikaw sa isang box na nakalagay lamang duon. Nakalimutan pala niya itong kunin doon dahil narin siguro sa pagod niya nung nakaraan. Nakipag kita kasi siya sa mga amiga niya na Nashville State. Kabilang state lamang ito ng bayan nila.
Hinalik halikan pa niya ang naturang hikaw habang pinagmamasdan niya ito mula sa kanyang palad. Sinarado na niya ang aparador. Pag-ikot ng kanyang ulo ay saka naman niya nasilayan ang lalagyanan ng susi na gawa sa crystal na lalagyan. Pinagmasdan niya iyon. Tila kasi may bagay na mali sa kanyang mga nasisilayan ngayon. Inihakbang niya ang kanyang paa sa may sahig. Gusto niya kasing makita ng malapitan iyon upang matanggal ang mga haka hakang namumuo mula sa kanyang isipan ngunit ng halos isang dipa na lamang ang lapit niya mula sa naturang lalagyanan ng susi ay bigla naman siyang tinawag ng kanyang asawa.
"Honey. Lika na nakita mo naba?"
Bahagya siyang nagulat. "Yes. Ito hawak hawak ko na." Sagot naman niya. Habang papalabas siya ng kwarto ay tila iniisip parin niya kung ano ang pagkakamali sa lugar na kanyang nakita. Pero hindi iyon ang mas importante sa ngayon, Ang mas importante ay ang maipresenta niya ng supestikada ang kanyang sarili mula sa engrandeng piging na kanyang dadaluhan.
Nanguna si Sally sa pagsakay sa kanilang maitim at magandang oto. Habang papasakay siya doon ay siya namang todo paalala niya kay Manang Bening. "Manang alam mo na ang gagawin mo. Bantayan mo si Tales. Naiintindihan moba?"
"Oho Madam." Sabay kaunting pag tungo nito. Sumakay narin sa nasabing kotse si Doctor. Ricky. Pagkapasok nito ay siya naman niyang kambyo nito sa kambyuhan ng kotse. Nagtungo naman si Manang Meding sa may gate. Mula doon ay inalalayan niyang makalabas ang kotse ng mag asawa ng maayos at ligtas. Muling binaba ni Mrs. Sally ang salamin ng sasakyan. "Manang ahh yung bilin ko." Pag uulit nito. Habang kinakausap niya ang matanda ay siya namang pag dating ni Ivy. Sumulyap din ito sa bukas na front window ng sasakyan. "Ahmm Maam. Enjoy your night po." Bati pa nito.
"I will. Pasensiya kana kung hindi na kita maasikaso sa huling araw mo dito but dont worry. I give you a bonus."
"Nako maam salamat po!" Sa nakangiti nitong sabi.
"At Miss. Ivy. Si tales..." Napahinto ito sa kanyang pagsasalita. Kung kailangan mo ng tulong eh tawagin mo lang si Manang. Okay bayun?"
"Okay na okay po Maam. Wag po kayong mag alala."
"Buti naman kung ganun. O sige aalis na kami at ayokong malate."
Napangiti ulit siya "Sige po Maam.'' Unti unting sinarado ni Mrs. Sally ang bintana ng kotse. Pagkatapos ay siya namang pag abante niya ng konti upang bigyan ito ng daan. Hanggang sa pag alis ng kanilang sasakyan ay hindi parin niya matanggal ang pagulyap sa likod ng nasabing oto.
"Mamang oh. Binilihan ko po kayo ng makakain." Ika naman ni Ivy pagkabigay niya ng kanyang biniling special goto sa may kanto.
"Nako naman Iha nag abala kapa eh marami namang pagkain sa loob ng mansiyon." Kinabig niya naman ito patalikod. Ang kanyang dalawang kamay ay kanyang inilagay sa mga braso nito. "Nako Manang ika nga nila eh Mas masarap ang pag kain kapag binigay ito sayo ng kusang loob."
"O siya siya! Alam mo. Sa totoo lang Iha eh nakakasawa na ang mga pagkain sa loob. HIndi naman ako nagrereklamo pero hindi naman ako pwedeng kumain ng puro baboy at manok araw araw. Tataas ang presyon ko."
"Manang kaya nga po ito a yung goto at kainin nyo. Saka mas masarap yan kapag nilagyan ninyo ng maraming paminta at kalamansi.'' Sabay pagmamaasim pa ng mukha nito. Ang kapal ng katahimikan ng buong paligid pag pasok nila ng mansiyon. Kung ihahambing niya ang ora niyon ay tila tinalo pa niyon ang ora ng sementeryo. "Lika na iha at pumunta na tayo sa itaas."
"Sige po." Sagot naman niya. Dahan dahan lang ang kanyang paglalakad patungo sa kwarto ni Tales. Tila niraramdam niya ang kanyang bawat pag hakbag papunta duon. Hindi rin niya matanggal mula sa kanyang sistema ang takot at kaba. Paano na lamang kung tama nga ang sipantaha ng kanyang kaibigan na si Karen tungkol kay Tales. Na baka mag collapse ito habang silay ang lalakad. Pero malakas ang positve outlook ni Ivy. Hinding hindi siya papasok sa isang gulo kung alam niyang hindi siya mananalo.
Binuksan na ni Manang ang pintunan ni Tales. Wala paring pinagbago iyon. Madilim parin at tahimik. "O sige iha iiwanan na kita dito. Kung kailangan mo lang ng kahit ano eh tawagin mo lang ako sa baba." Ibinigay naman niya ang supot ng goto dito. "O sige po manang saka kainin nyo napo to. Mas masrap po yan kapag mainit." Sa tuluyang pag alis ng matanda ay siya namang tuluyang pag pasok niya sa loob ng kwarto ng binata. "Tales?" Tawag niya dito. Unti unti niyang inihakbang ang kanyang paa sa gitna ng dilim hanggang sa walang anu anoy bigla namang bumukas ang kaunitng liwanang ng ilaw saloob niyon. "Miss Ivy.'' Sagot naman nito sa kanya.
ENGRANDE an hallway kung saan ang mga guest ay dapat pumasok. Nilatagan iyon ng asul na karpet at nilagyan ng mga maliliit na bumbilya ang bawat gilid. Expected the not expected ika nga ni Mrs. Sally habang sila ay naglalakad papasok ng malaking bulwagan. Na miss rin niya ang mga ganitong ambiance. Mula tuloy sa kanyang ala ala ay muling bumabalik ang kanilang pag iibigan ng kanyang asawang si Ricky.
"Ohh Honey. Why are you crying?"
Pinunasan naman niya kaagad ang kanyang luha. "Wala lang honey. Kasi naman eh na miss ko lang tong school ko. And Ive never expected na babalik pa ako dito after all this years."
Mas hinigpitan ni Dortor. Ricky ang pagkapit sa balingkinitan nitong katawan. "Dont cry. Bahala ka magkakalat nanaman yang make up mo.'' Sabay ngisi nito.
Agad naman siyang nataranta. Oo ngat baka magkalat ang make up niya. Nangyari na kasi sa kanya iyon dati ng napunta siya sa kasal ng kaibigan niya. "O my god! Ayoko ng mangyari pa iyon ulit. Please." kaya naman agad niya iyong ni retouch gamit ang isang maliit na salamin at pinunsan ng isang malinis na panyo ang gilid ng kanyang mga mata . "Ohh honey how do I look."
"You look stunning as ever." Isang tinig naman ang bigla na lamang sumulpot mula sa kanyang likuran. Dali dali naman siyang tumalikod. "Oh my god! Harvey is that you?"
"The one and only." Sagot naman nito. Agad silang nagyakapan sa gitna ng daan. "Oh musta na? Simula nung nagpunta ka ng London eh hindi na tayo ng usap pa. Kahit yata facebbok eh wala kang account. By the way pala asawa ko si Doctor. Ricky Sarmiento."
Nakipagkamay naman ito dito. "Glad to meet you." Pagkatapos ng kamayan ay nagpunta muna si Ricky sa kabilang parte ng nasabing bulwagan. Kaya naman ay naiwan lamang sa kanilang pwesto ay si Sally at Harvey.
"Actually I have one kaya lang eh hindi ko binubuksan."
''Ohh really?'' Sa sarkastiko naman nitong pagkakasabi "Sabihin mo. Baka hindi ka marunong gumamit." Sabay tawanan nilang dalawa. Harvey is one of her close friend. Parang magkapaitd na ang turingan nila sa isat isa. Pero nang magpunta ito sa London upang magpakadalubhasa sa pagiging abogado ay hindi na sila pa nagkaroon ng komyunikasyon.
"So hows London?" Unang tanong ni Sally sa kaibigan habang kumukuha ito ng makakain. Nakahanda ngayon sa kanilang harapan ang mga putahe na may fushion mula sa mga special cuisine around the world.
"Its good. Actually hindi naman talaga ako na ho-homesick dun dahil nandon narin yung mga kapatid ko."
"Really! eh your Mom?"
"Yun nga yung nakakatuwa dun eh. Mas gusto pa niya sa probinsiya. Mag aalalaga nalang daw siya duon ng baboy at manok kasama si Tatay." Sabay kuha naman nito ng isang tempura.
"Alam mo. Naisip korin yan eh. Sabi konga sa asawa ko eh when we get old. Gusto kong tumira nalang dun sa bahay namin sa province. Tutal may konting bussiness naman kami dun." Tuluyan na silang naglakad patungo sa isang standing na lamesa. "Teka... Ikaw pala kamusta lovelife mo. are you already merried?"
"Yes." Ika nito na parang nagulat. "So where is she?"
"Shes already dead. Actually last month lang."
Napatigil naman ito sa kanyang pagkain. "Oh my Harvey... Im so sorry."
"Nope. Dont worry. I'm alright." Pinagmasdan niya muli ang mukha nito. Tila sa kanyang pag iimbestiga mula sa tunay nitong nararamdaman ay nagsisinungaling ito. "Are you sure?"
"Yeah..." Tanging nasabi nito sabay bottoms up sa isang bloody marry the drinks.
"MISS IVY OKAY NABA TO?" Pinakita ni Tales ang kanyang sinuot na damit dito. Chaleko iyon at tinernohan niya ng isang puting pantalon. "Okay kalang Tales. Susuotin moyan sa labas. Alam mo hindi lang pala kamalayan mo yung nawala eh pati yung fashion sense mo." Ika nito.
Agad niyang nilapitan ang binata. Pinatalikod niya ito at mula sa dulo ng kanyang damit ay agad niya iyong hinubad. "What are you doing Miss Ivy?"
"Anong what are you doing? Tales ginagawa koto para maging tao ka?"
Nagtaka naman ito. "Bakit Miss Ivy hayop bako?"
Napatawa siya "Hindi sa ganun... I mean kung pano ka manamit. Para naman maging presentable ka kapag nasa labas na tayo."
Tinignan ni Tales ang kanyang damit na hinubad. Binulatlat pa niya iyon at muling nagtanong. "Bakit Miss Ivy panget ba?"
"To be honest. Panget. Nakakaloka ka Tales ahh baka pagkamalan na lang akong may kasamang tao na lumabas nalang bigla sa isang lumang time machine." Nalilito naman ang binata sa mga pinagsasabi nito. Napapakunot ang kanyang noo.
"O yan ito nalang yung suotin mo?" Mula sa mga damit ni Tales ay naghanap ito na sa kanyang palagay ay presko ngunit maganda at kaaya ayang tigan na damit. Ang napili nito ay isang simpleng t-shirt na kulay berde. Pagkabigay niya ng damit dito ay siya naman niyang nakita ang hubad nitong katawan. Naglalakihan nag mussle nito na parang hindi kumakain ng kahit na anong nakakatabang putahe. Alagang alaga ang katawan nito na para bang nililok sa isang magandang uri ng kahoy.
Namula kaagad ang kanyang magkabilang pisngi. Agad na tumalikod at huminga ng malalim. "Ano Tales okay na?
"Yes Miss Ivy okay na?" Humarap naman siya. "Yan! Eh di naging tao ka." Ika niya dito. Tales is so handsome. Walang duda dun. Mula sa malapitan ay duon lamang niya nakita ang angking kagwapuhan ng binata.
"Miss Ivy bakit ka ganyang makatignin sakin panget ba ulit?"
"Ahmm aahhh ehh hindi maganda." Pagkabigla naman niya.
Isa pang suklyap ang ginawa ng dalaga dito bago pa sila tuluyang umalis. "Ano Tales handa ka naba?" Tanong nito rito. Mula sa kanyang kwenta ay halos trenta minutos na silang nasa loob ng kwarto. Tango lang naman ang ibinigay nito sa kanya. ''Kung gayon eh alis na tayo." Yaya nito rito.
Tuluyan ng tumayo si Ivy mula sa pagkakaupo niya sa may kama. Pagpunta niya sa may pintuan ay walang kaabog abog namang niyang binuksan iyon. "Miss Ivy teka lang?"
Napatingin naman siya dito. "Bakit?"
"Si Manang baka makita tayo. Kaya dahan dahan lang. Wag kang gumawa ng ingay."
Napangisi naman siya. "Tales wag kang mag alala. Dahil gumawa nako ng paraan diyan." Pagyayabang nito. Tuluyan naring tumayo ang binata. "Anong ibig mong sabihin?"
Nilagay pa nito ang kanyang kamay sa kanyang bibig. "Shhsss. Alam mo yung ginawa ko. Binigyan ko siya ng pagkain may pampa tulog.
"I WANT TO SAY THANK YOU to Mrs. Ara Houston for inviting me to this wonderful evening. To my colleagues na nandito rin ngayon. To the Saint James Academy committee section na naging second family kona for almost five years. And also to my husband and my one and only son." Pagsasalaysay ni Sally sa gitna ng intablado. Lahat ng taong naroon ay nakangiti sa kanya. Damang dama rin nila ang kasiyahan nito ng gabing iyon.
Pagbaba niya sa entablado ay sinalubong kaagad siya ni Mrs. Ara Houston. Niyakap siya nito. "We are also happy that you are here tonight."
''Nako maam. I'm not just happy but also overwhelming." Sagot naman niya sabay hawak nito sa mga kamay nito. Binigyan naman siya ng isang halik ni Ricky. "Honey. I'm so proud of you. You owned the stage."
Natawa naman ito. ''Honey speech lang yun. Hindi singing contest.
"Really I thougt..?'' Sa sarkastko nitong mukha.
Ito naman ang humalik sa kanya. "Honey mahilig ka talagang mag joke." Sabay kurot nito sa pisngi ng kanyang asawa.
Maya maya pa ay dumating naman si Harvey. "Mare. Narinig ko yung speech mo kanina. Pasensiya na ahh. Nawala ako bigla kasi kinausap ko payung Mom ko sa telephone. Pero wag kang mag alala dahil kahit na sa labas ako kanina eh rinig na rinig ko parin yung boses mo."
"Really?" Na may kasamang pagtawa.
"Yes! Pero wait. Bakit hindi mo pala nakwento kanina sakin na meron kanang anak. How is she?"
Napalunok naman siya. Ang totoo niyan ay pati siya ay nabigla ng nasabi niya iyon. "Ahhm actually hes a boy?"
"Oww lalaki pala!" Sabay inom nito sa hawak hakaw nitong kupita. "So anong age na niya? Anong trabaho niya? Sinong kamukha, ikaw ba o yung asawa mo?" Mga sunod sunod nitong tanong sa kanya.
Hindi naman niya gusto ang bago nitong binuksan topic. Kung siya lang ang masusunod ay pwede naman nilang pag usapan ang lahat ng bagay sa kanilang buhay buhay pwera lang sa anak nila. Pwera lang kay Tales. "Okay. He is already twenty one, Ahmmm." Na halatang nag iisip ng sasabihin. "kumukuha siya ng dentistry. Pero hes not here...."
"Nasan siya?"
Nag isip nanaman siya ng kanyang pagsisinungaling. "Ahmm nasa Amaerica siya. Yeah tama America."
''Really! Alam mo yung pinsan ko nasa states din. Sabihin mo sa anak mo puntahan naman minsan yung pinsan ko. Malay mo maging sila." Pagbibiro pa nito.
"Nako. Walang hilig yun sa mga babae. Sa katunayan nga niyan eh. Nagseselos ako sa mga libro niya na pang medisina. Saka yun yung hobby niya magbasa."
Hindi man lang sumagot si Harvey mula sa mga huling sinabi nito. "O sige ahh. Hanapin ko lang yung asawa ko. May sasabihin lang akong importante."
"Sure." Sagot naman nito.
Sa tuluyang pag layo ni Sally dito ay siya namang pag luwag ng kanyang paghinga. Hindi kasi niya aakalain na mag kakainteres ito sa kwento ng kanyang anak. "s**t!" Tanging nasabi niya habang papalapit sa liquor counter. Mula doon ay agad siyang sumenyas sa isang bar tender ng isang baso ng alak.
Umupo siya kaagad sa mga silyang naroon. "Maam what is your drink?"
"Yung pinaka special nyo please."
Ilang minuto pa ay dumating na ang enorder niya. "Maam here is your drink." Sabi ng bar tender sa kanya. "Thank you.'' Nakangiti namang sagot niya. Unang panlasa pa lamang niya sa naturang nakakalasing na inumin ay nagustuhan niya kaagad iyon. Sa palagay niya kasi ay ito lamang sa ngayon ang magpapababa ng persyon ng dugo niya. Isa pang pag inom ang kanyang ginawa sa may kupita hanggang sa mangalahati iyon. Hindi siya sanay pero kinakaya niya.
''Ohh what happened? Bakit ka umiinom?" Nakita siya ni Doctor Ricky pag balik nito.
"Wala. I just want to forget something." Sagot naman niya rito.
"PAKIULIT MISS IVY?" Inilapit ni Tales ang kanyang sarili mula sa harapan nito. "Anong sinabi mo? Nilgyan mo ng pampatulog yung ibinigay mong pagkain kay Manang? okay lang ba siya. Kailan siya magigising?" Sa tila hindi mapakaling pananalita.
"Hey!" Hinawakan naman niya ang magkabilang balikat nito. "Wag ka ngang mag isip ng kung ano ano diyan. Walang mangyayari kay Manang kung yan ang iniisip mo. Matutulog lang siya ng mahimbing para hindi niya tayo mahuli pag labas natin... Yun lang." Biglang kumalma ang sistema ng binata. "Sigurado kang yun lang?"
"Dyosmiyo naman ohh! Ako pa eh takot yata akong makulong kung nagkataon."
Bigla namang tumawa si Tales. Hindi niya iyon mapigilan. Hanggang sa papalakas iyon ng papalakas. "O bakit ka tumatawa?"
"Pasensiya na miss. Acting lang kasi yung kanina eh. Alam ko naman na hindi moyun magagawa. May tiwala ako sayo." Napatingin naman siya dito. Pinagmasdan niya ng nakangiti nitong labi hanggang di naglaon ay napapatawa narin siya.
Normal lamang ng paghakbang nilang dalawa sa may hallway. Ni hindi sila nangangamba na marinig ng matanda ang kanilang mga yapak dahil sa palagay ng dalaga ay natutulog na ito ngayon at nananaginip.
"Sedative yun!" Paunang pananalita niya habang silay naglalakad.
"Anong sedative?"
"Kung hinid mo kasi naitatanong eh may insomia ako dati. Gamot ko yun laban sa sakit ko. Ang gamot na yon ay ang tanging karamay ko para ako ay makatulog. Pero sa totoo lang eh sa sobra yatang lakas ng powers ng sakit ko eh. kalahati lang yung talab sakin. Kasi nagigising din ako kapag alas tres na ng gabi."
"Ahh ganun ba?" Wika naman nito na parang naiintindihan.
"Eh ikaw Tales. Nakakatulog ka paba sa kwarto mo? Na cucurious lang ako?"
"Anong nacucurious?"
Nagrolyo ang mga mata nito. "Okay ibig sabihin ehhh??? Naiintriga... ganyan! Gustong malaman parang ganun?" Pagpapaliwanang naman niya na bahagya pang napatigil sa pag lakad.
"Alam ko Miss ivy na ang iniisip mo sa akin ay hindi ako normal. Pero pwes sasabihin ko sayo na nagkakamali ka. Natutulog naman po ako."
Bahagya naman itong napahiya kaya naman ay hindi na siya muli pang nagsalita. Kasalukuyan na silang nasa dulo ng hagdanan ngayon pababa. "Oona. oona!" Tanging nasabi nito.
Pinagmasdan ni Tales ang buong mansiyon. Tila wala siyang parteng hindi pinalagpas. Bawat hugis, bawat kulay, bawat anyo ay kanyang binalikan mula sa kanyang naitagong memorya. Naramdaman lamang niya na hinawakan siya ni Ivy mula sa kanyang balikat. "Na miss mo yung lugar?"
"Yes Miss Ivy." Tanging nasabi niya. Nanguna si Ivy mula sa pagbaba sa may hagdanan. Mabilis siyang nakababa samantalang tila dahan dahan at binibilang naman ni Tales ang kanyang paghakbang. Kinuha na ni ivy ang saradora ng harapang pintuan ng mansiyon. Excited narin siya. Hindi niya mawari pero gusto narin niyang makita ang reaksiyon nito na para bang isang batang papakawalan niya mula sa matagal na pagkakakulong sa isang kuna. Ngunit ng tuluyan na niya iyong bubuksan ay saka naman siya tinawag ng isang tinig.
"Iha uuwi kana ba?" Nagulantang siya. Ni hindi niya maigalaw ang buo niyang katawan mula sa pagtingin niya mula sa kanyang likuran. "Manang?" Usal niya na may pagtataka. Tuluyan na siyang napaharap dito.
"Oo ako nga bakit meron pabang ibang tao na nandito?"
"Sabi ko nga ho..." Tinaggal niya ang kanyang kamay mula sa may saradora ng pintuan. Napatingin din siya mula naman sa may hagdanan ngunit hinid niya nakita duon ang binata. "Eh Manang yung goto ho ba eh kinain nyo?"
"Oo naman bakit?"
"Nako wala naman ho." Sa pagtataka. Isang katanungan ang namamayani sa kanyang utak ngayon na kung kinain nito ang naturang goto na may gamot na pampatulog ay bakit kaya ito gising pa at mulat na mulat hanggang ngayon?
"Si sir Tales. Okay naba?" Tanong nito. Hindi naman siya makasagot. "Sige iha pupuntahan ko nalang muna siya."
"Nako Manang wag napo." Pagpipigil niya. Tumalikod na si Manang Bening. Pagkatapos ay normal lamang itong naglakad patungo sa may hagdaan at inihakbang ang kanyang kanang paa sa unang baitang niyon. Ngunit bigla na lamang itong nanghina. "Manang!" Gulat niya. Dali dali siyang nagpunta sa pwesto nito. Patalikod itong nahimatay, Buti na lamang ay nasalo ng kanyang balingkinitang katawan ang ulo nito. Sabay silang napahiga sa marmol na sahig. "Tales tulong?" Sigaw niya ulit.
Lumabas naman si Tales mula sa gilid ng hagdan. Nagtago pala ito duon ng nakita niya si Manang na papalabas mula sa may kusina. Tinulungan nito si ivy sa pag assist. Walang kaabog abog niyang binuhat ang matanda gamit lamang ang kanayng sariling lakas. Inilagay niya ang katawan niyon sa kanyang makisig na braso. Hindi naman magawang hindi magulat ng dalaga. Alam niyang maganda ang hubog ng katawan nito ngunit hindi niya inaakalang ganun pala ito kalakas.
"Ano miss. Okay kalang?"
"Oo okay lang ako." Sagot naman niya habang nakasalumpak parin sa may sahig ang kalahati ng kanyang katawan.