7:00 A.M. KAREN AND IVY'S BOARDING HOUSE NAGULAT si Karen pagkapasok niya ng kanilang kwarto mag aalas syete na ng umaga. Nakita niya kasi ang pigura ng kanyang kaibigan na si Ivy na nakaupo lamang sa may kama. Hindi ito gumagalaw manlang, Tila nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip. "Punyemas ka naman friend ohh. Akala ko eh nabuhay na yung pinoportray kong zombie character dun sa ginagawa naming mini movie!" Ika nito habang nakahawak pa sa kanyang dibdib. Lumabas kasi ito ng ganong oras. May kukunan kasi silang panibagong eksena ngayong umaga. Pero naisip niya na bago siya umalis ay kakain muna siya kahit na kaonti, kaya naman ay bumili siya ng benteng pirasong pandisal mula sa tindahan ni Aling Puring. "Pasensiya na." Sagot naman ni Ivy na parang wala pa sa mood makipag usap. T

