PAROOT PARITO ang naging hobby ni Ivy habang siya ay naghihintay sa harap ng emergency room ng Vellvue Hospital. Hinihintay niya kasi doon si Doctor Trevor ang doctor na sumuri kay Tales upang makuha nito kaagad ang panikabagong balita tungkol sa kalagayan ng binata. "Friend!" Habang naghihintay ay isa namang boses ang bigla nalang umagaw sa kanyang atensiyon. Tumalikod siya. Mula doon ay nakita niya si Karen na halos habol din sa pag hinga dahil sa pagtakbo. "Ano friend okay kalang? Napano ba yung alaga mo?" Umupo sila sa isang bench na malapit lamang doon. "Eh yun na nga. Bigla nalang bumagsak yung higanteng sinage dun sa may carnival. Tapos yun eksakto kay Tales." Nanginginig ang boses nito habang nagkekwento. Pinipilit na ikalma ang sarili ngunit hindi iyon kaya. "Nako friend kunmal

