Ares POV "Ano ang naramdaman mo matapos mo siyang makita?" Ngumiti ako sa babaeng nasa harapan ‘ko. "Kasiyahan." "Bakit?" "Kasi inutusan ‘ko siya at alam ‘kong susundin niya ito.” Tumugon ako nang buong tiwala na nararamdaman ‘ko sa sandaling ito. "Ano ang kasiguraduhan mo na gagawin niya ito?" "Kilala ‘ko siya. Malakas ang pakiramdam niya at kahit papaano ay nakikita niya ang mga bagay na nangyayari sa isang pagkilos lamang. Tignan mo lang nang mabuti at mauunawaan na niya.” Iyan ang Diwata ‘ko, nangyari na sa akin ‘yun. Ako mismo ang nakasaksi sa sixth sense niya kapag napapansin niya ang mga nangyayari sa paligid niya, pero minsan ang kanyang pagiging inosente ang bumubulag sa kanya. "Aber, Mr. Valdez— sabihin nating pinili niyang makinig sa iyo at pagkatapos ay ano? Binigyan

