bc

Ang Munting Asawa Ng Walang Awang Milyonaryo

book_age18+
detail_authorizedAUTHORIZED
1.3K
FOLLOW
8.4K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
drama
bxg
loser
lucky dog
city
cruel
like
intro-logo
Blurb

Ang pangalan ko ay Abigail Estrada, sa labing siyam na taong gulang pa lamang, umikot ng isandaan at walumpung degrees ang buhay ko. Galing ako sa buhay na lahat ng bagay ay mayroon ako, hanggang sa nawala ang lahat sa akin. Mula sa pamumuhay ng isang magandang buhay, pagiging bahagi ng isa sa mga pinakaiginagalang na pamilya sa lipunan ng Manila , hanggang sa itakwil ng mga pinaka-maimpluwensyang pamilya. Upang bumalik sa dati ang aming pamumuhay at mabawi ang lahat ng nawala sa amin, kailangan kong magsakripisyo: kailangan kong pakasalan si Ares Valdez. Isang makapangyarihan, wais, matalino at mataas na kalidad na tao. At walang awa, mapaghiganti at hindi makatao. Iyon ang alam ko tungkol sa kanya. Tatlong taon nang na-coma si Ares dahil sa hindi maipaliwanag na aksidente sa sasakyan at sa isang diagnosis na lumalala araw-araw. Ang kanyang lola ay naghahanap ng isang taong magpapakasal sa kanya sa kanyang vegetative state upang iwanan sa kanya ang lahat ng kanyang mana at ako ang masuwerteng napili. Ako ang magiging kagalang-galang na Mrs. Valdez. Ang aking mga intensyon ay hindi mabuti, ngunit kailangan kong magtiis ng dalawang taon nang sa gayon ay matupad ang aking plano. Isang bagay na madali sa palagay ko. Sana lang ay hindi na siya magising.

chap-preview
Free preview
Isang Sakripisyo
Sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay na araw. Ang aking puting damit ay maganda, ang mga detalye ng burda ng kamay sa aking mga manggas ay banayad at ang mga ito ay katangi-tangi. Ang mga kristal sa gilid ng neckline sa hugis ng isang puso ay nagbibigay ng kaakit-akit na ganda. Perpekto ang istilo ng buhok ko, pati na makeup ko. Mukha akong maganda, mukha akong prinsesa, pero parang hindi. Hindi lahat ng perpektong pampaganda, hindi lahat ng mamahaling kasuotan sa mundo, kasama ang pinakamahal na damit, ay magpapangiti sa akin na mula sa aking puso. Ako, si Abigail Estrada, sa labing siyam na taong gulang pa lamang, ay malapit nang magpakasal sa isang lalaking nasa estado ng pagka-coma. “Kahit ano para sa aking pamilya,” laman ng isip ko. Si Jackson Estrada, isang lalaking nilamon na ng kanyang mga bisyo at sugal, ang may kasalanan ng lahat upang gawin ko ang sakripisyong ito. Kinailangan kong iwanan ang aking tunay na pag-ibig at ibigay ang aking sarili sa isang taong hindi ko pa kilala. Nakapagtataka kung paano bumagsak ang perpektong mundo ko, lahat dahil sa tatay ko. Kami ay isang iginagalang na pamilya sa mataas na lipunan ng Manila noon. Nagmamay-ari ng isang kumpanya ng pagmamanupaktura ng appliances na sa loob ng apatnapung taon ay nanatiling isa sa pinakamahusay sa bansa hanggang sa natuto siyang magbisyo. Ang mga laro sa pagsusugal ay naging manliligaw ng aking ama na nag-akay sa kanya palayo sa aking ina at negosyo. Namuhay siya sa mundo mga casino, sinira ang dalawampu't limang taon nilang kasal, at sinisira ang tahanan na kinalakihan ko. Ang walang kontrol na buhay ng aking ama ay naging sanhi ng pagbagsak ng kumpanya. Mula nang magsimula siyang tumaya, ang mga utang ay mas lumaki kaysa sa kita. Kung ito ay nanatiling buhay sa nakalipas na limang taon, ito ay dahil sa kilala na ang pangalan nito sa lungsod. Matapos ang pagbagsak ng kumpanya, napunta kami mula sa pagiging isang respetado ang katayuan ng aming pamilya tungo sa isang middle class na pamilya, walang katayuan, walang pera at umaani ng pangungutya sa mataas na lipunan. Hindi ko na nakikita ang aking mga kaibigan, huminto ako sa paglalakbay sa ibang bansa,wala ng mga damit na mamahalin, mga gala at mga kaganapan. Ngunit ang lahat ay hindi mahalaga sa akin, dahil walang mas masahol pa kaysa sa nabuhay sa sakit na makita kung paano nasisira ang kasal ng aking mga magulang. Kaya ako nagsakripisyo. May isang tao sa mataas na lipunan ng Manila, napakayaman, makapangyarihan, at iginagalang ng lahat; kinatatakutan din. Ayon sa masamang wika, ang taong iyon ay may negosyo sa underworld. Ito ay masama, mapaghiganti at mapanganib. Ang nakakaawa lang na bagay tungkol sa kanyang kuwento ay hindi lahat ng kapangyarihan o lahat ng pera na pag-aari niya, ay maaaring gumising sa kanya mula sa estado niyang lantang gulay kung saan niya natagpuan ang kanyang sarili. Dahil sa isang aksidente, na-coma ang lalaking iyon. Dalawang taon na siyang ganito. Hindi ko siya nakilala ngunit naririnig ko ang kanyang pangalan sa mga pagpupulong. Malupit, mayabang, walang awa at puno ng kasamaan, ang sinabi ng ilan. Matalino, matapang, kahanga-hanga, maparaan, at matalino, sabi naman ng iba pa tungkol sa kanya. Ang kanyang aksidente ay gumulat sa lungsod, at ang katotohanan na siya ay na-coma, ay mas lalong gumulat sa lungsod. Pero kahit sa ganitong paraan, ikakasal na siya. Kahit hindi niya alam. At dito ako papasok, ang “masayang nobya” na ikakasal, isinakripisyo ang sarili para makuha ang perang kailangan niya. Napilitan pa akong maging asawa ni Ares Valdez. Maaari ba akong sumalungat? Siyempre mayroon akong pagpipilian, ngunit paano ka tatanggi na maging tagapagmana sa hinaharap sa lahat ng pamana ng mga Valdez Ang pagiging nasa aking posisyon, walang pera, walang katayuan, hindi makapagbayad para sa kolehiyo, sa isang kumpanya na nasa bingit ng bangkarote, ang pagiging asawa ng isang lalaki na isang lantang gulay, hindi ito isang nakatutuwang ideya. O iyon ang dahilan na sinasabi ko sa aking sarili araw-araw para hindi ko maramdaman ang pagiging miserable. Hindi ako tanga, bagama't minsan ay napagkakamalan nila ako dahil sa pagiging tahimik ko. May kung ano man nakakainteres na nakita sa akin ng pamilya ng lalaki na humihiling sa akin na pakasalan siya. Bata pa ako, hindi ko na kailangang matalo at sa totoo lang, kung gagamit tayo ng mga posisyon, ako ang higit na makikinabang sa lahat ng ito, tama ba? O baka dahil ako lang ang hindi tumanggi na gawin ito, dahil alam kong tumanggi agad ang lahat ng iba pang mga babae. Ang ilan ay dahil sa takot sa kanilang narinig tungkol sa kanya, ang iba ay dahil sa hindi nasisiyahan sa isang lalaking na-coma at posibleng maging balo ito sa napakabata pa lamang na edad. Ang hindi nila alam ay hinding-hindi na magigising ang lalaking itoat ayon iyon sa sinabi sa akin ng kanyang pamilya. At ito ay kung paano ang aking buhay ngayon ay ganap na magbabago. Sana lang sulit ang sakripisyo ko. Hindi ko mahal ang lalaking iyon, hindi ko man lang siya kilala, ngunit gagawin ko ang lahat para sa aking pamilya, kahit na magpakasal ako sa isang patay na buhay. Bilang Mrs. Abigail Valdez, magagawa kong itaas ang dignidad ng aking pamilya at maibabalik ko ang pera sa pamamagitan ng pagbabalik sa kumpanya sa pinakamahusay na mga taon ng kaluwalhatian nito. Tiniyak nila sa akin na magkakaroon ako ng karapatan sa mana, sana lang ay tuparin nila ang kanilang salita. Dalawang katok sa pinto ang nag-alis sa akin sa aking kahabag-habag na iniisip. “Ano iyon?” sabi ko habang tumatayo. Nakita ko ang aking ina sa salamin. Mukha siyang maganda sa maayos at eleganteng damit niya. Ito ay kung ano ang maliit na natitira mula sa aming dating buhay. “Nakakasilaw ang ganda mo, anak,” sinabi sa akin ng aking ina at hinawakan niya ang aking kamay. “Makikita ng lahat kung gaano ka kaganda.” “Hindi iyan ang mahalaga sa akin, Mama.Gusto ko lang na matapos ang araw na ito.” “Alam kong hindi madali para sa iyo na gawin ito. Alam ko kung gaano mo kamahal si Evans at kung ano ang mawawala sa iyo upang layuan siya para sa sakripisyong ito para sa pamilya, ngunit ang bawat sakripisyo ay may gantimpala, Abi,” hinawakan niya ang aking pisngi. “Alam nating dalawa na ang mga bisyo ng iyong ama ay magiging dahilan upang sa kalye tayo pulutin sa lalong madaling panahon, ngunit bilang Mrs. Valdez, maaari mong bantayan silang dalawa. Maaari mong simulan ang kumpanya. Hindi mo na kakailanganin ang pera ng mga Estrada, at kung gusto mo, makipag-divorce ka kalaunan.” “Madaling iyang sabihin.” “Alam kong kaya mo iyon.” Nginitian niya ako na parang kaya ko ang lahat ng pinapagawa niya. “Noon pa man, magaling ka na.” Wala akong sinabi, nilunok ko ang mga salita ko para hindi ako tumakas. Ibinigay na namin ang aming salita sa pamilyang iyon, at kapag tumanggi ako sa huling minuto at tumakas palayo sa kanila dahil sa takot kasama si Evans dahil sa pakiramdam na miserable at dahil sa pagdurog ng kanyang puso gaya ng kanyang pinlano, dito na talaga itatapon sa kawalan. Umalis kaming dalawa sa kwarto ko para pumunta sa mansion ng mga Valdez dahil doon gaganapin ang seremonya. ….…………………………….. Naglalakad akohabang nakahawak ang braso ng tatay ko diretso sa altar. Lahat ng naroroon ay nakatingis sa akin nang may pag-uusisa, hindi paniniwala at lubos na umaasam, ngunit hindi ko iniyuko nga aking ulo. Naiintindihan ko sila, makikita ko rin ang aking sarili na ganito sa kanilang lugar. Sino ang ikakasal nang wala ang kasintahan? Ako, ang hangal na si Abigail. ‘Yan ang iniisip nila. Ang hindi nila alam ay wala akong pakialam. Malinaw na hindi makadadalo si Ares dahil imposible iyon ngunit dahil sila ay isang pamilya na nabubuhay sa mga pagpapakita, hindi nila maaaring iwanan ang seremonya. “Si Mr. Valdez sa wakas ay ikakasal na!” “Magkakaroon tayo ng kasal kahit wala ang nobyo!” Hindi na bale, ang kanyang pirma ay narooon na sa aming kasal. Paano nila ito ginawa? Malalaman ito ng Diyos. Pagdating kasama ang judge, lahat ay nangyari nang mabilis. Ang pirma, ang aking mga panata sa hangin, ang “Oo, tinatanggap ko,” ang mga litrato, at ang pagdiriwang, ay panandalian lamang sa harap ng aking mga mata. Ang aking mga pisngi ay sumakit dahil sa sobrang pekeng ngiti, ang aking mga paa ay hindi na makayanan ang bigat ko, at ang aking ulo ay dumadagundong dahil sa suot kong mahigpit na ayos ng buhok na ginawa nila para sa akin. Ngayon ay tapos na ang lahat, opisyal na akong si Abigail Valdez, may-ari at ginang ng lahat ng pamana ni Ares. Opisyal nang lumipat ng tahanan. Nakatitig ako mula sa loob ng sasakyan sa mansion na pagmamay-ari ko ngayon. Ang aking puso ay lumulukso sa aking dibdib dahil alam kong malapit ko nang makita ito. Ayokong bumaba, ngunit sa pag-iisip tungkol sa aking nakaplanong kinabukasan, pinipilit ko ang aking sarili na punan ang aking lakas ng loob at lumabas. “Madam, maligayang pagdating,” bati ng isang babaeng na naghihintay sa labas ng kotse nang mahigit kalahating oras na at naghihintay sa akin. “Ako si Mrs. Reyes, ang manager ng bahay at ako ay nasa iyong serbisyo. Binabati kita sa inyong kasal,” sabi niya na may bahagyang paggalang. “Ano ang iyong pangalan?” tanong ko nang may interes. Sinagot ako nito nang may kaunting kaba. “Eliza po.” “Napakahusay, Mrs. Eliza, hindi kinakailangan na maging pormal ka sa akin, lalo na ang pagyuko mo sa akin,” sinabi ko na may bahagyang pagngiti. “Ang pagtrato sa akin nang maayos ay sapat na para sa akin.” Kahit na hindi siya ngumiti sa akin, nakita ko ang pagkalma niya habang nakikinig sa aking mga salita. Marahil ay ipinagpalagay niya na ako ay isang ambisyoso, walang awa, makasarili, ngunit hindi ako ganon. Ako ay isang mabuting dalaga, bagaman hindi iyon nagbabago sa huli. Nagpakasal nga ako nang walang pagmamahal sa kanyang amo. “Dadalhin po kita sa silid ni Mr. Valdez,” sabi niya sa akin at iniimbitahan akong pumasok. “Hinihintay ka ni Mrs. Fatima. Nandiyan din ang mga gamit ninyo para makapagbihis na po kayo.” Bumilis ang t***k ng puso ko nang malaman na ang aking biyenan ay naghihintay sa akin. Ito ang unang beses na kakausapin niya ako, sa may simbahan kasi ay niyakap niya lang ako at saka siya umalis. Naglalakad ako na hawak ang aking damit, nakikita ko kung gaano kalaki ang mansyon na ito. Ang mga ito ay hindi bababa sa tatlong palapag, at ang buong panlabas na harapan ay isang gawa ng sining ng arkitektura. Ayokong isipin ang interior. Titignan ko ito sa lalong madaling panahon. Naglalakad ako sa likod ni Mrs. Eliza, natigilan sa kung gaano kaganda, kaelegante at kapino ang mansyon sa loob. Pagkabukas ng elevator ay nakarating na kami sa itaas na palapag. Naglakad kami sa mahaba na koridor, hanggang sa marating namin ang isang malaking oak na pinto na maitim na mahogany. Binuksan ito ni Eliza na nag-aanyaya sa akin na pumasok sa loob ng silid. Nakatingin ako mula sa labas habang ang aking biyenan ay tumayo nang may ngiti, at sinubukan kong ialok sa kanya ang isa pang ngiti, ngunit nagmukhang ngiting nininerbyos ang ngiti ko. Nakahiga si Ares Valdez sa malaking kama, nakapikit ang kanyang mga mata, konektado sa mga makina sa kanyang kanang bahagi. Dumaan ako nang hindi tumitigil sa pagtingin dito. Medyo maputla ang balat niya, pero hindi pa rin siya mukhang perpekto at maselan. Ang mga tampok sa kanyang mukha ay tumigas na, ngunit hindi nito inaalis ang maganda niyang mukha. Parisukat na panga, makapal na kilay, mahabang pilikmata, at buong labi. Ang lalaking ito ay talagang guwapo. Sayang at patay na siya na buhay. Nakikita ko na siya ay isang malaking tao, sigurado ako na maaari niyang maabot ang halos isang metro at siyamnapu. Siya ay may itim na buhok na kasing itim ng gabi, at iyon ay ginagawa siyang mas maputla, ngunit sa katotohanan ang kanyang balat ay medyo kayumanggi. “Gwapo talaga siya, hindi ba?” tinanong ako ng aking biyenan habang kinukuha ang aking kamay. “Kung nakilala mo siya bago ang aksidente, sigurado akong mahuhulog ka sa kanya.” Hindi ko alam ang tungkol diyan, may mahal na akong iba. “Siguro po ...” komento ko na may halong nerbiyos. “Matutulog po ba ako rito? Akala ko ay magkakaroon ako ng sarili kong kwarto. Ito ay ... ito ay…” “Alam ko,” siningitan niya ako sa mahinahong boses. “Alam ko kung ano ang iniisip mo ngayon, at naiintindihan kita, ngunit kailangan mong matulog kasama ang iyong asawa, kausapin siya upang makilala ka niya, para kapag isang araw ay nagising siya, hindi ka magiging estranghero sa kanya.” Nakikita ko ang pag-asa sa kanyang mga salita, ang pananabik na mangyari ang himalang iyon, ngunit alam kong hindi iyon mangyayari. Sinabi na ng mga doktor na imposible, at nandito lang siya dahil ayaw siyang bitawan ng kanyang ina. “Kakausapin ko siya gabi-gabi,” sabi ko na may tunay na ngiti. Ano pa ang masasabi ko sa kanya? Hindi ako walang awa. “Ito ay iyong bahay na, Abigail. Huwag kang mag-atubiling sabihin kung ano ang gusto mo kay Eliza, siya ang iyong yaya, at kung ano ang hihilingin mo, ibibigay niya. Huwag kang mag-aatubiling bisitahin ako o humingi sa akin ng isang bagay kung kailangan mo ito. Ngayon ikaw ay isa ng aking anak na babae.” “Maraming salamat, Ginang Valdez.” “Maaari mo akong tawaging Mama o hindi kaya ay Fatima kung doon ka kumportable.” At humalik siya sa pisngi ko. “Iiwan na kita para makapagpahinga.” Niyakap niya ako nang may pagmamahal na para bang mahal niya talaga ako. “Salamat sa pagpayag na pakasalan ang anak ko.” Nang wala ng karagdagang salita, umalis siya sa silid at iniwan akong mag-isa. Kung alam lang niya ang tunay kong intensyon, hindi na niya ako yayakaping muli. Lumingon ako at tumingin sa lalaking nahihimbing sa kanyang pagkaka-coma. Inilabas ko ang hininga na pinipigilan ko at maingat akong lumapit, kinakabahan at tumitibok nang mabilis ang puso ko. Kalmado ang kanyang paghinga, bagama't nakakarelaks ang pakiramdam niya, matigas pa rin ang kanyang mukha na parang puno siya ng galit. “Hello Ares, ang pangalan ko ay Abigail, at ako ang iyong asawa,” nagsasalita ako habang hinuhubad ang aking sarili sa aking damit-pangkasal. “Pinili ako ng lola mo para sa’yo at may isa akong dahilan kaya tinanggap ko ang alok. Ang pagkakaroon ng iyong apelyido ay ang aking gintong tiket. Hindi kita mahal, ayaw ko rin kaya hindi ako masyadong masasaktan kapag namatay ka. Hindi ko iniisip na isa kang mangmang, alam ko kung ano ang sinasabi nila tungkol sa iyo. Sana lang hindi mo ako kasuklaman dahil doon.” Huminto ang pagtibok ng puso ko, pakiramdam ko ay umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko, at ginawa akong estatwa ng aking takot. Dalawang maitim na perlas ang nakatitig sa akin. Isang pares ng madidilim, matatapang, malalamig at nakakapangilabot na mga mata. Nanghina ang aking mga binti, nagsimula akong pagpawisan, at nang magtangka akong magsasabi ako ng isang salita, muli nitong isinara ang mga mata na siyang lalong nagpataranta sa akin sa kinalalagyan ko. Sa nanginginig na mga kamay ay isinuot kong muli ang aking damit at umalis ako sa silid tila isang kaluluwa na hinahabol ng demonyo sa paghahanap kay Mrs. Eliza upang ipaalam sa kanya na ang kanyang amo ay nagising. Hindi ako malayo ang tinakbo ko dahil nakasalubong ko na siya sa corridor. “Binuksan niya ang kanyang mga mata!” sabi ko sa gitna ng aking pagkatarata. “Binuksan niya ang kanyang mga mata!” Sinabi ko nang maigting, kinakabahan at puno ng gulat. Kung nagising siya mula sa pagkawala ng malay na iyon at narinig ako, patay na ako. “Karaniwang ginagawa iyon ni Sir.” Ang aking nalilitong mukha ay nagdala sa kanya ng isang ngiti. “Ito ay reflex ng mga kalamnan ng talukap ng kanyang mata, ngunit hindi ito nangangahulugan na ito ay nagkamalay na. Bumalik tayo sa kwarto, tutulungan kitang palitan ang iyong kasuotan.” Tumahimik ako at hinayaan niya akong dalhin doon. Alam ko kung ano ang nakita ko at ang hitsura na ibinigay sa akin ni Ares ay hindi mula sa isang taong walang malay. Puno ng nerbiyos, hinayaan ko si Mrs. Eliza na gabayan ako pabalik sa silid. Hinahayaan ko siyang hubarin ang aking damit at bihisan ako ng manipis na damit na sutla. Hinayaan ko siyang tanggalin ang headband ko pati na ang hikaw ko. Hinayaan ko rin siyang tanggalin ang pagkakatali ng buhok ko at suklayin ang buhok ito. Hinayan ko lang siya dahil sa sobrang pagkalito ko at puno pa ng takot na tila naestatwa na ako sa aking kinauupuan. Nakikita ko lang ang lalaking natutulog sa magiging kama ko rin ngayon. Sa isip ko, paulit-ulit kong sinusuri ang nangyari. Alam ko sa loob ko na hindi isang blangko na paningin lang ang binigay niya sa akin, ngunit hindi ko masasabi iyon sa babaeng nasa likod ko. Ito ay magpapakita ng aking tunay na intensyon at lahat ay mapupunta sa impiyerno. “Makikita mo, masasanay ka rin dito sa lalong madaling panahon, tulad namin.” Binigyan niya ako ng mainit na ngiti at pinahiga ako na. Bago umalis ng kwarto, ipinaalam niya sa akin na pupunta siya para sa akin para sa almusal. Humiga na ako at pumuwesto ako sa may gilid ng kama, at kahit na ninenerbiyos pa, humiga na ako nang na halos dalawang metro ang layo sa kanya. “Patawarin mo ako,” seryoso kong binulong. Nagkumot ako at natulog na.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook