Nakarating kami sa emergency room at agad na bumaba ng sasakyan sina Evans at Laverde. Tinulungan ako ni Evans sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay habang si Laverde ay naghahanap ng isang nars na aalalay sa akin. Natagalan siya at lumitaw siya kasama ang isang may dalang wheelchair para makaupo ako. “Mula isa hanggang sampu, masasabi mo ba sa akin ang antas ng iyong sakit na nararamdaman?” Sa mahinahong boses at propesyonal na tono ay tinanong niya ako. “Walo ... Sa tingin ko nagkamali ako ng kinain…” Sumagot ako nang hindi nag-iisip. “Sige, iya-admit ka namin para sa doktor upang tignan ka kaagad.” Mabilis na inikot ng babae ang upuan hanggang sa makapasok sa emergency area. Parehong naiwan sina Evans at Laverde na naghihintay sa akin. Pagdating sa loob, masyadong mabilis ang

