Kabanata 9

2971 Words
Kabanata 9 Kinabukasan ay maaga akong nasa opisina upang ayusin ang mga naiwang reports ko. Tatapusin ko muna ang lahat ng ito para naman hindi na gagawin pa ni Papa. Napahinto ako noong pumasok si Papa sa aking opisina. Inilibot nito ang kanyang mga mata sa loob ng opisina ko. Nakangiti akong sinalubong ang mga tingin nito. "Are you busy?" marahang tanong nito na lumipat pa ang mga mata sa mga papel na nasa aking lamesa habang lumalakad palapit sa akin. "Hindi po." Tipid akong ngumiti kay Papa at inayos muli ang mga ito. Hindi ko napansin ang paglapit nito at tinulungan ako nito sa pag-aayos ng mga reports. "Our farm is doing really good." Napahinto ako at tumingin kay Papa na hindi huminto sa kanyang ginagawa. "You really did a great job, Hija. Do you need Abella to help you?" "’Wag na ho, Papa. Kaya ko naman po." Mabilis akong umiling kay Papa at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. "Masaya po doon si Bella kaya ko naman ho rito." Huminto ito at ngumiti nang tipid. "You are too kind, Hija. Hindi ba ang madalas kong habilin sa inyo noon ‘wag masyadong mabait? Don’t let your heart rule your worlds, sometimes it’s okay to be bad so they can’t use us." Tumingin ako kay Papa na bahagyang nakakunot ang noo nito at bakas na sa mukha nito ang katandaan. "You are living here in Valencia. Hindi lahat ng nasa harapan mo ay totoo," mariing paalala nito. Bata pa lang ako 'yan na ang madalas sabihin ni Papa sa amin ni Bella. Mas close kami sa kanya ni Bella dahil hindi katulad ni Mama hinahayaan niya kami sa mga bagay na gusto namin. Noong una hindi ko siya maintindihan, pero habang tumatagal nagkaroon na ng kasagutan ang mga sinabi nito. I have friends but I can not say that they are all true. Sometimes, they used you for their own benefits. We're competing to be the best one. Abella knows that, kaya hindi ko siya masisi kung bakit gusto nitong mapalayo sa lugar na ito dahil sa ganitong sitwasyon. Siguro nasanay na lang ako at tinanggap ko na lang kapalaran na ito. Huminga ako nang malalim at marahang tumango kay Papa. "Don Herman chooses you for Esteban." Nagbuntonghininga ito at umayos nang tayo. "Naiintindihan ko kung magagalit ka sa amin ng Mama mo, Hija. He already told me about it. Hindi ko sinabi sa ‘yo dahil baka magbago pa ang isip niya. Maging ako ay hindi ko inaasahan na ganito." Nagtangis ang bagang ni Papa at huminga nang malalim. Muli kong naalala iyong narinig ko kagabi. Siguro alam din ni Papa ang rason kung bakit ako ang napili nila, o ang pamilya namin. "I don't want to accept his offer, but I can't do something about it. You know how their family play the game." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Papa. Nakikita ko sa mga mata nito ang galit at kabiguan. He knows them very well. "You need to know how to play the game, Rafaella." Mariin ang pagdikit ng mga labi ko mas minabuti kong huwag na lang sabihin sa kanya ang narinig ko kagabi dahil baka magkagulo pa. I heaved a sigh and nodded my head. * * * Tahimik akong nasa balcony ng aking silid at iniisip ang sinabi ni Papa. How can I play the game? Kung alam kong una pa lang ay talo na ako. We are talking about my future here. Sumisikip ang dibdib ko kapag iniisip na si Esteban ang makakasama ko habangbuhay. Parang hindi ko yata kakayanin. Napahinto ako nang marinig ang ilang katok sa aking pinto. Hindi na nito ako hinintay at kusa nang bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ko nang makita si Thalia. She was wearing her purple long sleeve fitted dress. Hindi pa nito ako napapansin dahil nasa labas ako ng balcony. "Ella?" Para akong tuod sa aking kinatatayuan, hindi ko napaghandaan ang pagbisita nito ngayon. Wala din naman itong text sa akin na pupunta siya ngayon. Nawala na rin sa isip ko na kumustahin ito sa Cebu. Hindi ko alam na nakabalik na pala ito. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin masabi sa kanya ang tungkol sa fix marriage. Nalaman na kaya niya? "Thalia?" Nilakasan ko ang loob ko at lumakad papasok ng silid. Tipid akong ngumiti sa kanya at hindi malaman kung anong dapat kong sabihin. "Kailan ka pa dumating? Hindi mo sinabi sa akin--" "Bakit hindi mo sinabi sa akin, Ella?" Kumunot ang noo ko nang bigla itong nagsalita at hindi pinatapos ang aking sasabihin. Natahimik ako at hindi makapag-isip nang maayos. "A-Ang alin?" Pansin ko ang pagkunot ng noo nito. Humakbang ako palapit sa kinatatayuan niya. "Hindi ba alam mo kung gaano ko kamahal si Esteban?!" Napaawang ang labi ko sa tanong niya at napahinto sa paghakbang. "Ano? Sumagot ka!" Nagulat ako sa mga tanong nito. Nararamdaman ko ang inis sa mga salita niya. Puno ng galit at kabiguan ang mga mata nito. Alam kong maaapektuhan siya kapag nalaman niya ang pinaplanong kasal para sa aming dalawa ni Esteban. Hindi ko alam kung mali ba na hindi ko sinabi sa kanya dahil maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin. "A-Alam ko." Marahan akong tumango at kinagat ang labi ko. I want to tell her about my heartbreaks but it seems that she had it too. Yumuko ako at hindi na muling dinugtungan ang aking sagot. "Akala ko ba we're best friends?!" "I didn't know what to do," halos bulong na lang na lumabas sa aking bibig. "I didn't expect it too." "But you didn't even text me. Kung hindi pa sinabi ni Tita Angelita sa Mama ko--" Huminga ito nang malalim at bakas ang inis at galit sa mga mata nito. "Hindi mo sasabihin sa akin? Wala kang balak na sabihin sa akin?" "Nagulat ako, Thalia. Even me, I don't have any idea about it!" Nawawalan na ng pasensya na sagot ko. Huminga ito nang malalim at marahang tumango. "Did you reject it?" Napaawang ang labi ko sa tanong nito. Alam nito na imposible kong magawa iyon. "You reject it, right? You know how much I want him!" Kumirot ang puso ko sa sinabi nito. I can hear how desperate she was. I can also feel her pain, I don't want to hurt her. "You know I can't do that." Tumingin ako sa kanya at tinitimbang ang reaksyon niya. “I cannot…” Tumawa ito nang pagak at umiling nang paulit-ulit. Pansin ko ang pamumula ng mga mata nito dahil sa nagbabadyang mga luha. She looked so broke and hopeless. I felt her anger towards me when she glared at me. Hindi ito ang Thalia na nakilala ko, she was a naive and a soft woman I know. Mabilis itong lumapit sa akin at madiin nitong hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Bakit? Bakit hindi?!" garalgal na boses na tanong nito. "All my life sa kanya lang umikot ang mundo ko, Ella. Alam mo 'yan!" My heart was breaking because I couldn't do something about it. "At alam mo rin kung anong klaseng pamilya sila hindi ba? Anong magagawa ko? Ang magulang ko at ang Lolo niya ang kalaban ko kapag tumanggi ako, Thalia! Maging ako ay naguguluhan ngayon." Nanlaki ang mga mata nito na para bang nabuhusan nang malamig na tubig. Dumaan ang sakit at galit sa mga mata nito. Huminga ito nang malalim at nanghihinang umupo sa aking kama. "We're getting closer. Just a little closer," bulong nito. I know they were secretly dating for so long. Kahit na ayaw sa kanya ni Esteban she still consistent. Alam ko kung gaano kasakit iyong pakiramdam na mahal mo ang isang tao ngunit hindi puwedeng mapasayo. I wanted to comfort her like I always did, but now my heart was still breaking. "Paano si Alfred?" she asked desperately. "Hindi ba sinabi ko na client ko lang siya? At kahit gustuhin ko man hindi pa rin naman ako ang magdidikta ng anong dapat kong gawin. So why bother falling in love with another man?" "This is so crazy! I can't take it anymore," anito at tumayo. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ito. Humikbi ito at umiling sa akin nang paulit-ulit. "I can't imagine. The one who I treated like a sister would be the reason of my brokenness." Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. "What do you mean, Thalia?" "Let's end our friendship..." "What the hell are you talking about?! Hindi ko naman mahal si Esteban, e!" Nagbuntonghininga ito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "'Yon na nga, hindi mo mahal pero ikakasal kayo. Habang ako? Na ginawa na lahat… ginawa na ang lahat pero hindi niya pinili!" anito habang tinuturo ang sarili niya. Unti-unting sumisikip ang aking dibdib. Hindi ko makakaya na may mawawala na namang isang taong espesyal sa buhay ko. "I love him. Ako, Ella! Ako mahal ko siya! Pero bakit ikaw ang pinili na maikasal sa kanya? Why is it always be you? Bakit laging ikaw? Am I not enough?" Gulat akong tumingin sa kanya. She was so desperate. "Why?" Huminga ako nang malalim at dahan-dahan nanlalabo ang aking mga mata. "Do you think I am happy about it?! Do you think I am enjoying it? Hell no! I don't even like him!" She hissed and shook her head. Parang hindi si Thalia ang kausap ko. She sound like a different person. Sinapo nito ang kanyang mukha at humagulgol ito sa aking harapan. "I know..." she said between her sobs. "I know," dugtong nito. Tumango-tango ito na parang kinukumbinsi ang sarili niya. "Ang sakit-sakit na kasi, hirap na hirap na ako, Ella. Bakit ganoon? Bakit parang hindi pa rin ako sapat para sa kanya? Akala ko okay na, e." Nagulat ako sa sinabi nito at ramdam ko ang bigat nang pinagdadaanan nito. She looked at me hopelessly. Ngayon ko lang napansin ang pagod na pagod na mga mata nito na para bang hindi nakakatulog nang maayos. She was so pale. "I know you can't do something about it. But I'm still hoping that you can still change it." Humikbi ito at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. I saw her crying because of Esteban. Simula highschool at hanggang college. She cried and tried again. Pero ngayon? She's losing her hope. Nanlambot ako at napaupo sa aking kama. Ngayon lamang nagsi-sink in sa utak ko na nakapangako na ako kay Esteban at wala na akong magagawa roon. Maging ang mga taong nasa paligid ko ay wala na silang magagawa sa nangyayari. What's the use of calling Alfred? Sasaktan ko lang ang sarili ko. Tama nga iyon na hindi na ako umamin dahil papaasahin ko lang ang sarili ko at masasaktan lang kaming dalawa. I chose this decision, I need to stand on what they plan. Sanay naman ako hindi ba? This made my parents happy. Then, that's enough for me. I will accept it. "He's not answering my call! He didn’t even reply to my text messages. He's ignoring me, and it hurts so bad!" Gamit ang aking kanang kamay ay marahan ko itong hinila paupo sa aking kama at niyakap ko ito. I understand her pain. Humagulgol ito lalo noong niyakap ko siya. Siguro tulad ko ay kailangan niya rin ng mapag-buhusan ng sama ng loob. "Y-You know, E-Ella? Gu-Gusto kong mainis sa 'yo," mariing saad nito habang humihikbi. "But I can't do it 'cause you're too kind. Nasasaktan ako ngayon at hindi ko na alam ang gagawin ko.” Tumingin ito sa akin at mapait na ngumiti. “A-Alam mo na... hindi ako magugulat kung mamahalin ka ni Esteban." Napapikit ako sa sinabi nito at umagos ang mga alaala naming dalawa ni Alfred. Hindi ko alam kung makakaramdam pa ako ng ganoon. Hindi ko alam kung kaya kong ibaling sa iba ang tingin ko. "Si-Siguro he doesn't really love me! Siguro ako lang talaga ang nagpupumilit." Mahigpit kong niyakap ito kasabay nang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Humagulgol ito at naninikip ang dibdib ko sa sakit. * * * "What is it, Ma?" Nilahad nito ang isang box na may lamang cake sa loob. I know its a cake. Pero nagtataka lang ako kung bakit may ganito. Maaga pa nito akong pinaayos kay Katya. Ngumiti si Mama nang matamis. "It's been a couple of days but still Esteban didn't invite you for dinner." Kumunot ang noo ko at tumingin sa box na nasa harapan namin. "Don Herman like sweets, give it to him." Umawang ang labi ko at kunot noong sumulyap kay Mama. "What do you mean, Ma?" "I want you to be close to Esteban. Soon you will be an Hernandez, I need to train you harder. Visit Don Herman to their mansion," utos nito. Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya. Like, seriously ako pa ang pupunta doon? Nakakahiya naman yata. Malakas ang pintig ng dibdib ko. Dahil sa negosyo at sa mga magulang ko, sanay naman ako makisalamuha sa ibang tao kaya hindi ako nahihirapan. Pero ngayon ay kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na pupunta ako sa mansyon nila na ako lang mag-isa. "Act like a lady, Rafaella." Napangiwi ako nang maalala ang sinabi ni Mama. Maraming kasambahay ang sumalubong sa akin pagbaba ko. Kahit na kabado ay nagawa ko pa rin ngumiti sa mga namamanghang mga mata ng mga ito. May lumapit sa akin na may katandaan, wari ko'y ang mayordoma. "Magandang araw sa iyo, Señorita Rafaella." Matamis itong ngumiti sa akin at kinuha ang hawak kong box of cake at ibinigay sa isang kasambahay. "Sumunod po kayo sa akin." Naglakad kami papasok nang malaking mansyon. Sumalubong sa amin ang malaking chandelier sa kanilang sala. "Siya ba 'yong nakapangako kay Señorito Esteban?" Nagpatuloy ako sa aking paglalakad kahit na naririnig ko ang mga bulong nang ilan sa mga ito. "Ang ganda niya! Kaya pala siya ang napili ni Don Herman." “Oo nga. Ngayon ko lang nakita ang anak ni Don Cristobal.” “Ang sabi ay may kakambal daw siya. Sigurado ako na maganda rin iyon.” Hindi ko mapigilang mapangiti kahit na kinakabahan. Sumulyap ako sa aking likuran kung saan nakasunod ang mga ito. Mabilis yumuko ang mga ito dahil sa hiya. Mukhang hindi nalalayo ang edad ko sa kanila. Binalik ko ang tingin ko sa aking harapan. Bawat paghakbang ko ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung ano dapat kong sasabihin. I don't know how to start a conversation. Lalo na at gobernador ito rito sa amin. Dumaan kami sa mahabang hallway kung saan may mga pinto na nakasara. Wala akong ideya kung kuwarto ang mga ito. Tanging natatandaan ko lang ay 'yong pinto na may bar sa loob. Huminto kami sa gitna kung saan naka bukas ang pinto. Napangiti ako nang mapagtanto na ito ang veranda ng mansyon. "Maari ho ba kayong maghintay sandali? Nasa isang urgent meeting lamang si Don Herman, habang si Señorito Esteban ay pauwi pa lang po." Nakahinga ako nang maluwag at ngumiti sa mayordoma. "Okay lang ho. I will wait for them." Ngumiti ito sa akin. Pinatong ng isa sa mga kasama nila ang cake na dala ko sa lamesa. Mayroon na ring nakahanda na merienda para sa akin. "Kung may gusto ho kayo, ipag-utos n’yo lang sa aming kasamahan," anito bago nagpaalam lumabas. May naiwan na apat na kasambahay sa loob na kasama ko. Lumabas ako sa veranda at sumalubong sa akin ang malawak na hardin sa kanilang likuran at sa hindi kalayuan ay mga matatayog na mga puno. May hagdan rito pababa sa mga maraming mga namumulaklak na rosas. Marami ring nagtataasang mga sunflower. Sumulyap ako sa aking likuran. "I will just check the garden," paalam na saad ko sa mga ito. "Tawagan n'yo na lang ako kapag papunta na si Don Herman." "Ia-assist ka ho namin, Señorita Rafaella." Mabilis akong umiling sa babaeng naka pustura ang buhok. "Huwag na! Nakakahiya naman at saka dito lang naman ako. Hindi ko alam na may maganda pa lang garden dito." Lumabas ako sa veranda at tumingin sa mga bulaklak. Hindi ko alam na may ganito rito sa kanilang mansyon. Sumulyap ako sa loob at napansin ko ang mga kasambahay na pinapanood ako. Ngumiti ako sa kanila at naglakad pa patungo sa mga sunflower. Naeenganyo akong pumitas sa mga ito. Masyadong mataas ang ilan kaya naman halos hindi ko na makita kung saan ito patungo. Sino kaya sa kanila ang mahilig sa mga bulaklak? Kinuha ko ang cellphone ko at hindi mapigilan na kumuha ng litrato sa mga ito. Naglakad pa ako palayo upang makahanap ng magandang view at humihinto ako para kumuha ng litrato. Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa mga matatayog na mga puno. "Ang sabi ni Don Heraldo, mamayang ala una muli papalaot ang barko." Napahinto ako sa pag-picture nang may marinig na boses ng lalaki sa hindi kalayuan. Don Heraldo? Tinutukoy nito ang isa sa mga anak ni Don Herman na nasa Espanya. Sa kinaroroonan ko ay hindi ko makita ang veranda dahil sa nagtataasang mga halaman. "Nakita ko kaninang dumalaw ang anak ni Don Cristobal. Magaling talagang pumili si Don Herman, mas mapapalakas nito ang pagbebenta natin ng mga dr*g*. Lalo na ay malawak ang pag-aari ng mga ito at malapit pa sa dagat." Napaawang ang labi ko sa gulat nang marinig na sumagot ang kasama nito. Umikot ang paningin ko sa paligid at baka makita ako ng mga ito. Unti-unti kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib nang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. “Tama matalino nga siyang pumili. Lalo na’t ngayon ay dumarami ang mga parokyano sa karatig na probinsya.” Ilang segundo akong nag-isip bago tuluyan na matauhan sa kanilang pinag-uusapan. Wait are they referring to a dr*gs? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD