Kabanata 8
Hindi nito ako pinatulog buong gabi. I feel like something was missing. I was on the balcony of my room and staring at the place where he stood up last night.
I was still hoping to see him standing there.
"Señorita Rafaella?"
Narinig ko ang tawag ni Katya mula sa loob ng kwarto ko ngunit hindi ako sumagot.
Sobrang bigat ng dibdib ko. I cried the whole night expecting to feel better today but it's getting worse. I didn't even have a chance to tell him what's bothering me.
Sinapo ko ang dibdib ko. Kapag kasama ko siya nagiging totoo ako sa sarili ko at kakaibang saya ang nararamdaman ko. Sobra! 'Yong pakiramdam na hindi ko pa naramdaman noon.
What's the meaning of this feeling? Ngayong wala na siya ngayon ako mas nananabik na makita siyang muli.
Does it mean? I like him too?
Parang tumigil ang mundo ko. Ang tagal kong iniisip kung para saan nga ba itong nararamdaman ko. Kung bakit siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog nang maayos at siya ang laging laman ng aking isipan.
Pinipilit kong iwasan ang nararamdamang ito dahil alam kong hindi puwede. Paano nangyari na kahit anong iwas ko ay nahuhulog pa rin ako?
"Ella?"
Unti-unting nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Katya sa aking likuran at tumingin ako sa kanan ko at nakita ito na nagtataka ang mga matang nakatingin sa akin.
"May problema ba?" nakakunot noong tanong nito.
Umiwas ako ng tingin at pinipigilan ang sarili na umiyak sa harapan nito.
Paano kung gusto ko nga siya? Ngayon pa na bumalik na ito sa Manila. Hindi ko nga alam kung magkikita pa kaming muli,
"Dahil ba ito sa biglang anunsyo ng kasal ninyo ni Señor Esteban?" Nag-aalalang tanong nito. "Hindi ko rin kasi ‘yon inaasahan maging ako ay nagulat kagabi."
Hindi ako umimik. Alam kong hindi iyon ang rason kung bakit nadudurog ngayon ang puso ko. Huminga ako nang malalim at pinipigilan ang sarili ko.
"O dahil-- sa estranghero na 'yon?" I stiffened when I heard what she said. "Sayang nga, e, hindi ko man lang ito nakita bago ito bumalik ng Manila."
Napahinto ako at nakakunot ang noong tumingin sa kanya. Nakanguso pa ito at nakataas ang kilay na wari mo ay nagtatanong at pilit na binabasa ang reaksyon ko.
"Paano mo nalaman na babalik na siya sa Manila?" Umawang ang labi nito at kumurap bago ibigay sa akin ang buong atensyon niya.
"Huwag mong sabihin na... siya nga ang dahilan kung bakit ka tulala?" Kumunot bigla ang noo ko at umiwas ng tingin.
Humugot ako nang malalim na hininga.
"Gusto mo bang malaman kung paano ko nalaman na babalik na siya sa Manila?"
Muli kong ibinalik sa kanya ang tingin ko. May inilahad itong maliit na kulay itim na box sa aking harapan at nakaukit ang maliit na logo nito. Binuksan niya ito at napaaawang ang labi ko dahil may gintong kwintas na may nakaukit na...
"My Señorita?" kumunot ang noo kong binasa ito.
Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. How can he made me feel so special kahit wala na siya dito? Mas lalong nadudurog ang puso ko sa kanyang ginagawa.
"Iniwan niya ito kay Selso. Ang habilin nito ay ibibigay sa 'yo." Nahagip ko ang hininga ko at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
How could he do that? He can at least talk to me in person and tell his goodbyes. Umiwas ako ng tingin at dahan-dahan na bumibigat ang paghinga ko.
Sinulyapan ko ang kwintas na ito. The letters were full of tiny diamonds. They were perfectly made.
Again, I don't want to regret things. Maaalis din itong pakiramdam na ito. I need to focus on my own life. It's funny how this person changed my life in just a span of a month.
I took a deep breath and felt the emptiness in my heart.
"Siya nga ba ang dahilan?"
Para saan pa kung hindi ako aamin? Masyado lang nitong pinapabigat ang loob ko.
Now I regret not meeting him last night. I want answers to my questions. Do I like him too?
"What should I do? Hindi ko mapigilan masaktan sa pag-alis niya."
Naramdaman ko na namang muli ang pag-iinit ng aking mga mata at ngayon ay mukhang wala nang makakapigil sa pagtulo nito.
"He made me feel..." I sighed and looked at her. "Special, Katya."
Tumingin ito sa loob ng aking silid bago ito sumagot.
"Alam ko iyon. Kita ko naman sa mga mata mo." She closed the small box and put it on my right palm. "Puwede mo itong itago. Pero hindi mo siya puwedeng mahalin, Ella."
Parang may tumusok na isang matalim na bagay sa aking dibdib na naging dahilan kung bakit ako nahihirapan na huminga. Naramdaman ko ang unti-unting pag-agos ng aking luha sa aking pisngi. Daig ko pa ang binuhusan nang malamig na tubig sa katotohanan na hindi ko nga siya puwedeng mahalin.
I gripped my hand on the small box and prayed for a miracle to happen. I heaved a sigh and slowly nodded my head.
"I know." I sighed heavily. "But why does it hurt so bad?" I sobbed while wiping my tears. “Ang sakit kasi… hindi ko mapigilan na masaktan.”
Gumagaan ang loob ko na kausap si Katya ngayon. Pakiramdam ko may nakakaintindi sa sakit na nararamdaman ko at kailangan ko lahat itong ibuhos kung hindi ay sasabog ako.
Niyakap nito ako habang hinahangod ang aking likuran.
"Una pa lang alam ko nang may kakaiba sa kinikilos mo sa t'wing tutungo ka ng opisina. Nararamdaman ko ‘yon, Ella. Kinakabahan ako na humantong sa ganito." Bumitaw ito sa pagyakap sa akin at ngumiti nang tipid. "Kung alam ko lang na masasaktan ka ngayon, pinagbawalan na sana kita."
Hindi ako nakaimik sa sinabi nito.
"Pero ano pa nga bang magagawa ko?" Bumuntonghininga ito. Pinahid nito ang mga luha sa aking pisngi. "Hindi ko naman puwede na pagbawalan ‘yang puso mo ‘di ba? Hindi ko lang alam kung ano ba ang dapat kong gawin.”
“Kinausap ko si Mama kagabi akala ko kaya kong pigilan ang kasal na hinahanda nila sa aming dalawa ni Esteban. Pero nagalit lang ito.” Pumatak muli ang luha sa aking mga pisngi. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Katya.”
“‘Wag ka munang mag-isip ng kung ano.” Pinahid muli nito ang mga luha sa na lumandas sa aking pisngi. “Sigurado ako na magtatanong ang mama mo kapag nakita ka niyang ganito."
Napahinto ako noong marinig ang katok sa aking pinto. Nagkatinginan kami ni Katya na nataranta sa kanyang ginagawa.
"Baka si Donya Angelita iyan, Ella!" tarantang pahayag nito. "Namumula pa naman ang mga mata mo."
Mabilis kaming pumasok sa aking silid at tinago ko sa maliit na kabinet sa tabi ng kama ko ang kwintas na ibinigay nito. Habang ito ay tumungo sa pintuan.
"Rafaella?"
Tama nga ito at si Mama ang kumakatok. Mabigat pa rin ang dibdib ko ngunit sinisikap kong huminga nang maayos. Inayos ko ang aking mukha at pinahid ang natitirang luha sa sulok ng aking mga mata.
"Magandang umaga ho, Donya Angelita," bati nito na yumuko pa noong pagbuksan niya ng pinto si Mama.
Nanginginig pa ang ibabang labi ko at mabibigat pa ang bawat paghinga ko. Tipid akong ngumiti kay mama. Sinisikap kong itago ang tunay na nararamdaman ko. Ayokong isipin nito na tama ang sinabi sa kanya ni Perla.
She was wearing her long pink silky night dress while her hair was fixed into a clean bun.
"Don Herman invited us tonight for a dinner." Sumulyap ito kay Katya na nakayuko pa rin hanggang ngayon at pansin ko ang panginginig ng kamay nito. "Ready her milk bath, Katya. She needs to prepare for tonight."
"Ma-Masusunod ho, Donya Angelita." Sumulyap si Katya sa akin na kinakabahan at muling yumuko upang magpaalam.
Pinagmasdan ni Mama ang aking mukha. "You looked tired. Did you sleep well?"
Napaawang ang labi ko at tumingin sa baba. Kinakabahan ako na baka mapansin nito ang mga mata ko. "Yes, Mama."
Tumikhim ito kaya napatingin ako sa kanya.
"The secretary of Mr. Montenegro sent his contract to us. He's our first ever customer in Luzon. You really did a great job, Hija." Napaawang ang labi ko at nakalimutan na ang tungkol dito.
Malambing na ngumiti si Mama. "Like what I expect from you, Hija. I already talk to your Dad. Habang hindi pa umaalis patungong Spain si Esteban ay ang daddy mo muna ang magha-handle ng negosyo natin. Para naman magkaroon kayo ng oras na magkasama ni Esteban."
"Sige po, Mama."
"Stay here, I already told Perla to serve your breakfast." Tumango ako kay Mama at tipid na ngumiti.
Pinanood ko itong lumabas. Noong nagsara na ang pinto ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa aking kama.
I scan on my contacts and search on his name. I tried to call him a couple of times but he's not answering my call. Alam ko sa oras na ito ay nasa Manila na siya.
Napahinto ako sa aking ginagawa noong pumasok ang dalawa naming kasambahay kasama si Perla na may dalang pagkain.
Halos buong hapon ay wala akong ginawa kung hindi matulog. Siguro dahil na rin sa pagod at puyat kaya mahimbing ang tulog ko buong maghapon. Nagising na lang ako noong marinig si Katya na pumasok sa kwarto ko at inaayos ang mga gamit na susuotin ko mamaya.
"Nakatulog ka ba nang mahimbing?" tanong nito at tipid na ngumiti sa akin. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Marahan akong tumango at umupo sa aking kama. "Maayos na. Salamat, Katya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."
Nagbuntonghininga ito at lumapit sa akin. "Makikita mo na naman si Esteban mamaya, okay ka lang ba doon?"
Napahinto ako at hindi nakaimik sa sinabi nito.
"Naalala ko nga pala ‘dii ba ang sabi mo sa akin na may pagtingin si Nathalia sa kanya?" Kumunot ang noo kong sumulyap sa kanya.
"Oo. Since high school pa kami." Natahimik ako noong muling maalala si Thalia.
Hindi ko pa nasasabi sa kanya ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niya ang tungkol dito. Hindi ko nga alam kung nakauwi na ba ito galing Cebu. Hindi ko rin kasi siya kayang kausapin ngayon.
"Hindi mo ba sasabihin sa kanya?"
Huminga ako nang malalim at marahang umiling. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin..."
Alam ko kung gaano niya kamahal si Esteban. She's been trying her best to win his heart. Minsan hindi ko na siya maintindihan kung bakit siya pa ang nagustuhan nito.
Napailing na lang ako. Who am I to judge? Maging ang puso ko hindi ko mautusan.
"Sabagay, tama ka nga. Kung si Katarina o si Angeline lang 'yan hindi ka mahihirapan. Pero sa kanilang tatlo, masasabi ko na mas mabait si Nathalia," suhestiyon nito na tinutukoy ang mga kaibigan namin nila Bella simula pa noong grade school. "Hindi ko rin kasi maintindihan 'yon e, ang daming iba d'yan."
Napangisi ako at tumayo sa aking kinauupuan. Nagkatinginan kami nito at napangiwi ito.
"Mag-bestfriend nga kayo," bulong nito na tama lamang upang marinig ko.
Napailing na lang ako sa kanyang sinabi.
* * *
Nasa isang malaking dining table kami ng mga Hernandez. Hindi ito ang unang beses na pagpunta ko sa kanilang mansyon. Ngunit ito ang unang pagkakataon ko na kumain sa kanilang dining area. Madalas kasi kapag may pagtitipon dito ay sa function hall nila ito ginagawa.
Sila lang dalawa ng Lolo niya ang narito dahil ang parents kasi nito ay nasa Cebu ngayon. Habang nasa Spain naman ang ibang anak ni Don Herman. Tanging si Esteban ang naiwan dito.
Hindi ko alam na ganito kalaki at kamoderno ang loob ng mansyon nila. Halos ginto ang aking nakikita. Even the utensils we use were made of gold. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming negosyante ang nawiwiling makipagkaibigan sa mga Hernandez.
They’re the wealthiest family in Bohol. They have the power and authority in their hands. Halos lahat ng kababaihan dito sa amin ay nagpapaligsahan para mapili ni Don Herman na maikasal sa kanyang mga apo. Isa na roon si Mama, she's been working hard to be part of this family. I know my mom, she wants their power and always want to be on the spotlight.
But I know that’s not the reason why they chose me. I understand my mom, she has a point. What they want they get, by hook or by crook. If I refused, they might get angry with Dad and it might affect our business too. Especially since he’s the governor here, he can control everything with just the snap of his hand.
And... Thalia was doing her best too.
Sumikip ang dibdib ko nang maalala muli ito. Pakiramdam ko ay magagalit ito kapag nalaman niya at ayokong isipin niya na ginusto ko ito.
"Esteban, did you already set a romantic date for the both of you?" Napahinto ako sa pagkain ng pasta noong marinig si Don Herman.
Tanging lima lamang kami sa hapag-kainan. Nasa tabi ko si Esteban na malapit kay Don Herman, habang nasa kabilang dulo naman si Papa na nasa tabi nito si Mama.
"Yes, Lolo. I already talked to her."
Kumunot ang noo ko sa sagot nito. Hindi pa kami nag-uusap, wala nga akong contact sa kanya. Kunot noo akong tumingin sa kanya. Nakatingin ito kay Don Herman na nakangiti at tumatango.
"That's good. You are perfectly fit to each other, Esteban. I can't wait for your wedding," singit na saad ni Mama na hanggang mata ang ngiti nito.
"Who wouldn't? We can finally say that we are family. Right, Don Cristobal?"
Sumulyap si Esteban sa akin at marahang lumapit. "Just nod your head," anas nito tama lamang upang marinig ko.
Lumunok ako at hindi makagalaw sa aking kinauupuan. Naiinis ako sa kanya ngunit hindi ko kayang ipakita ito.
"Of course, Don Herman. We are very glad," sagot ni Papa.
Tinuon ko na lamang ang sarili ko sa pagkain. Mabuti na lang ay masarap ang mga ito kung hindi ay masisira na ang gabi ko. They talk about their businesses and trips.
After we ate our dinner nagyaya pa si Don Herman to have a shot. Kaya nagtungo kami sa isang silid kung saan may built-in bar, may iba't ibang mga wine na nagmula pa sa iba't ibang bansa. They also have a bartender to accommodate us.
Mom is wandering around their place. Habang ako naman ay nagpaalam upang pumunta sa kanilang washroom. Their mansion is bigger than ours. Halos maligaw pa ako pabalik.
"Stop fooling around, Steve. I didn't choose you for nothing. I need the Dela Fuente and I can use their daughter against them. Kahit sino pa sa anak ni Cristobal, just work your part!" Nabigla ako nang marinig ang boses ni Don Herman sa hindi kalayuan, tama lang ang lakas nito para marinig ko ng buo at maliwanag.
Napaawang ang labi ko at mabilis na nagtago sa isang malaking paso dahil baka makita nila ako. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba at takot.
Dela Fuente? Anong ibig niyang sabihin? I'm not a fool. The people in Valencia live for wealth and power. This old man is the greediest one. He can kill and hurt people just to get what he wants. In this fixed marriage, hindi lang si Mama ang makikinabang. I know, sila rin.
Nasa hamba ng pintuan ang mga ito habang may hawak na wine. They were unaware of my presence.
"Don't worry, Lolo. I know what to do." Nanginig ang ibabang labi ko nang marinig ang boses ni Esteban.
Lumunok ako upang mawala ang bara sa aking lalamunan. I am aware of it. Hindi ko lang masikmura na this is really happening. Maririnig ko pa mismo sa kanila.
"I really like your wines." Narinig kong pahayag ni Mama na mukhang lumapit sa kanila na galing kung saan.
Umayos ako ng tayo at huminga muna nang malalim bago marahang naglakad patungo sa kanila.
"I'm glad to hear it from you, Donya Angelita," wika ni Don Herman na nakangiti kay Mama. Malayong-malayo sa itsura niya kanina noong kausap nito si Esteban.
Sumulyap ako kay Esteban at nakita ang nakakatakot na ngisi nito. Bigla kong naalala si Alfred, madiin kong kinuyom ang palad ko. Ayokong magkaroon ng rason na pagsisihan ang desisyon ko.
Hanggang kailan ko ba kakayaning mabuhay sa mapagkunwaring mundong ginagalawan ko?