Kabanata 7
I was so shocked. I don’t know what they are talking about. I looked at my dad and he sighed and looked at me. My lips parted in disbelief.
I am aware that time will come when my mom will fix a marriage for me. Bata pa lang ako madalas na iyong sabihin sa akin ni Mama na darating ang araw ay sila ang mag-aayos ng kasal ko at maghahanap ng lalaking makakasama ko habangbuhay.
Ang ibig ba nilang sabihin ay si Esteban ang lalaking ‘yon?
I looked at Esteban who was eating his food. He looks okay with it and knew about it.
"Oh? Didn't you tell her about it?" gulat na tanong ni Don Herman but still sounds so authoritative.
Napansin siguro nito ang pagkabigla ko sa sinabi niya. Sinikap kong maging kalmado dahil mapapagalitan ako kay Mama kapag basta-basta na lang ako magtatanong sa kanila.
Si Esteban ba ang tinutukoy nilang magiging asawa ko? Hell no!
Nagsimulang bumilis ang t***k ng dibdib ko at lumunok ako nang ilang beses.
"She's aware of it, Don Herman." I heard the sweet voice of my mom.
Lumunok akong muli at pinipilit ko ang sarili na ngumiti. Mabilis at malalim ang bawat paghinga ko at tumingin sa aking pagkain dahil hindi ako mapakali.
Napakislot ako dahil tumunog bigla ang cellphone ko na nakapatong sa aking binti. Sumulyap ako sa screen nito at napakunot ang noo ko nang maalala ko siya.
Mr. Montenero calling...
"I will fetch you here tomorrow night. Hihintayin kita sa dalampasigan."
Mabilis kong nilipat ang tingin kay Mama na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
Nataranta ako at mabilis na pinatay ang tawag at kasabay ng pag-off ko sa aking cellphone dahil alam kong magagalit ito. Habol ko pa ang hininga ko sa sobrang pagkataranta. Mabilis akong yumuko at napakagat sa aking ibabang labi sa sobrang kaba.
"I'm sorry po. Just one of my client po," wika ko na dinig na dinig ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba.
Naramdaman ko ang munting tawa ni Don Herman kaya napatingin ako rito na hanggang mata ang tuwa. He's pointing at me while nodding his head.
"That's why I like your daughter, Don Cristobal. She's a hard working woman like her parent." Napaawang ang labi ko at sumulyap kay Esteban na tila ba hindi interesado sa nangyayari at patuloy lamang sa pagkain.
Narinig ko ang munting tawa ni Mama. "Of course she is, Don Herman. My daughter is well-trained to inherit our business. She’s a smart woman and very talented."
I didn’t feel anything and I can’t even smile at her praises. I was still in shock. Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko, my hands were shaking.
I turned my gaze to Esteban. He's a well-known playboy in our school way back in high school. I don't like him. Ugh! I can't take it. Hindi ko nakikita ang sarili ko na siya ang kasama ko. Lalo na baka magalit si Thalia kapag nalaman niya ito, sigurado ako do’n.
I want to ask my mom about this but I don't want to be rude.
"She's just twenty-two, Don Herman. I want her to learn more things before she settle for good. Besides, Esteban will go to Spain for his Masteral, right?" suhestiyon ni Papa na mukhang alam talaga ang pakay ng mga ito.
Sumulyap ako kay Don Herman na tumatango at mukhang kumbinsido sa sinabi ni Papa.
"You have a point, Don Cristobal." Sumulyap ito sa akin na nakangiti. "You have a beautiful daughter. Well, it's not a good idea after they get married, Esteban will fly to Spain. Let's give them time to get along. I bet they have known each other for too long. Right, Esteban?"
"Yes, Lolo," matigas na sagot nito at mabigat ang mga titig nito sa akin.
Huminga ako nang malalim at pinilit na ngumiti habang tumatango.
That's better, kaysa ngayon!
But still... makakasal pa rin ako sa kanya. I looked at him with grimace on my face. I can't even see him as my husband, it's disgusting. My best friend Nathalia wants him too bad. I saw how much she drools over him and how he rejected her many times.
I hissed and shook my head at that thought while chewing my food.
Esteban looked at me with a sharp look. He smirked when our eyes met. Hindi ko siya kayang pagsungitan kahit na sobrang naiinis na ako. I looked down on my food and continue eating.
I was controlling myself in front of the dining room. Madin kong hinawakan ang kutsarang hawak ko habang kumakain ng dessert.
Napahinto ako nang bigla kong maalala si Alfred. Marahil ay kanina pa iyon sa dalampasigan. Sa ngayon ay parang mas gusto kong pumunta sa kanya kaysa magpatuloy sa pagkain.
My life is suffocating me, I need him so I can breathe. Naghihintay pa rin kaya siya? I lightly shook my head, I hope not.
Alam niya kaya ang nangyayari ngayon?
Mas lalo akong nabigyan ng dahilan para ihinto ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit na gustuhin ko pa, tadhana na ang nagdidikta na hindi puwede ‘tong nararamdaman ko.
"What's the meaning of this Mom?" I didn't want to sound so rude, but it turns out to be like that.
Unti-unti kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib. Sa unang pagkakataon ngayon lang ako nagtanong kay Mama ng ganito. I never questioned her whenever she ask me to do something. Even if I can't, I will try my best to do it. I just can't say no, even if it means sacrificing my own happiness. I was still considering her opinions and suggestions.
Pagkatapos naming inihatid sina Don Herman sa labas. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong kay Mama ang pangyayaring ito dahil hindi ko talaga ito inaasahan. Sinundan ko ito paakyat sa hagdan. She stopped when she heard me.
Nagbuga ako nang malalim na hininga at inihahanda ang sarili sa sasabihin niya. This was the first time I confronted her.
"You're aware of it, Rafaella," anito na tumuloy sa paglalakad paakyat. While dad was already in their room.
Nagbuntonghininga ako at sinundan itong tumungo sa balcony namin sa taas.
"Yo-You didn't tell me about Esteban, Mama." I bit my lips and I felt my heart is pounding too fast. Naging mahina na rin ang tono ng boses ko.
She looked at me with a sweet smile on her face. My mom is really gorgeous. Sa kanya namin namana ang balingkinitan na katawan at porselanang balat. She's an epitome of beauty even in her late forties.
Umiwas ako ng tingin dahil nakakaramdam ako ng takot sa tuwing tinititigan nito ako. Lumapit si mama sa akin, and she combed my long hair using her fingers. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Do I really need to discuss this with you, Hija?" I looked at my mom. "Since you were young I told you about the fixed marriage. Why are you so shocked? Aren't you happy, Hija? The most powerful family wants to be partners with us. He’s the governor of our province and the wealthiest family here."
I took a deep sighed at napakagat ako sa aking labi. Naririnig ko pa rin ang lakas nang t***k ng dibdib ko dahil sa kaba.
"B-But I don't like him, Ma." Para akong batang nagsusumbong dahil ninakawan ng candy. Tumingin ako kay mama na madiin ang pagdikit ng mga labi habang pinipilit na ngumiti.
Ayoko talaga siya. Hindi ko kaya...
"You know what's Hernandez wants, they will get it. Ikaw ang mas nakakaalam niyan kumpara sa kakambal mo. Besides, you don't need to like him, Hija," she said pointing every word while shaking her head.
My mouth parted in disbelief. Yes, I'm aware of it. That time will come when I will be marrying someone. Pero paano kung hindi ko siya mahal? Do I have the right to choose? Do I have the right to protest? How about I say no?
"Pero, Ma?" giit ko na nagmamakaawa sa kanya.
Huminto ito sa pagsuklay sa akin. Nararamdaman ko ang pagkainis nito. Tumalikod ito at narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
"When have you ever cared about my decisions, Rafaella?!"
Huminga ako nang malalim at yumuko. Pinagmamasdan ko ang aking mga nakasalikop na mga kamay, alam ko na galit na siya sa akin. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng sulok ng aking mga mata at pagtusok ng kung ano sa aking dibdib.
I felt so hopeless.
"I don't want to be with him, Mom. I can't see him as my husband--"
"Then who do you want to be in your life?" she asked with full sarcasm. She looked at me while her eyes were angry and her brows furrowed in confusion.
Hindi ako makatingin kay Mama nang mabuti. I felt uneasy.
"Tell me, Rafaella? Is that your only reason?"
Hindi ako makatingin nang maayos kay Mama. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko mukhang hindi naman nito tatanggapin ano man ang paliwanag ko. Siya at ang desisyon niya pa rin ang masusunod lalo na ang mga Hernandez ang pinag-uusapan namin.
My mom wants fame and power.
"'Yong Alfredo Montenegro ba?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. "Is he the reason why you learn to be disobedient?!"
Naramdaman ko ang pagkirot sa aking dibdib noong narinig ko ang pangalan niya. Paano niya nalaman ang tungkol kay Alfred?
Umiwas ako ng tingin kay Mama. I don't know, I can't contradict what she said. My heart started to beat so fast.
"Dahil ba sa kanya kung bakit ka nagkakaganito, Rafaella?!" She held my left shoulder really tight. I can feel her nails on my skin.
Napaawang ang labi ko sa hapdi ng nararamdaman nang dahil sa hawak ni Mama.
"Tell me! Mali ang sinasabi sa akin ni Perla!"
Nanginig ang ibabang labi ko sa takot. Hindi ko pa nakitang nagalit si mama ng ganito sa akin. All my life all I wanted was to make them proud. Now, I saw disappointment in her eyes. Kumirot ang dibdib ko sa aking nakikita.
Umawang ang labi ko at umiling nang dahan-dahan. May bumara sa aking lalamunan at pinipilit kong lakasan ang loob ko.
"This is not about him, Mama." I looked at her and I smiled bittersweet. Ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong nagagalit siya sa akin. "Nagulat lang po ako sa bilis ng pangyayari."
Sobrang bigat ng dibdib ko na ngumiti kay Mama. I nodded my head convincing myself that I was doing the right thing. I guess, my reason is enough? Bakit ko nga ba ipagpapalit ang pamilya ko sa lalaking mag-iisang buwan ko pa lang nakilala?
Pero bakit may kirot sa dibdib ko?
"I'm sorry po, Mama. I didn't mean to disappoint you."
I heard her sighed. Umamo ang mukha nito at malambing na ngumiti sa akin kahit na bakas pa rin ang galit sa mga mata nito. Masaya ako kapag nakikita kong masaya si Mama.
"I hate Perla for telling me lies. I understand." She caressed my cheeks while nodding her head and smiled sweetly at me. "This is my Rafaella, my sweet daughter. You know we can say no to them, right? You don’t want me to get mad, right?” Mabilis akong tumango.
“You need to take a rest, I know you're tired." Hinalikan niya ako sa aking noo.
Tumango ako at tipid na ngumiti kay Mama.
"Goodnight, Hija."
Pinipilit kong maging masaya. Ngunit ramdam ko ang puso ko na unti-unting winawasak. I glanced at the peaceful sea in front of me dahil hindi ako makatulog. Deep inside of me, I know something has changed.
Hindi ko makapa sa dibdib ko ang kaligayahan na dapat kong maramdaman. I should be happy cause I made my parents happy. Pero ngayon parang hindi ko kayang maging masaya.
Sumulyap ako sa aking cellphone, natandaan ko na pinatay ko nga pala ito.
Pagbukas ko nito ay maraming mensahe na nanggaling kay Alfred ang dumating.
To Alfred,
What's wrong?
Can't you come?
Nanginginig ang labi ko sa kaba habang binabasa ang mga text messages nito.
I will wait for you, Señorita.
I wanna talk to you.
I badly need to talk to you. Hope you’re doing fine.
Umiwas ako ng tingin at ibinaba ang cellphone ko. Sumisikip ang dibdib ko sa aking nararamdaman. Naguguluhan na naman ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Habang parang malakas na agos na bumabalik sa aking isipan ang mga panahon na kasama ko siya.
Hindi ko maipinta ang sayang aking nararamdaman sa takas na sandaling kasama ko siya.
Should I follow my heart?
I shook my head. No! I can't afford to lose my family. But why can't I have them both?
Tumunog ang cellphone ko dahil sa panibagong mensahe. I glanced at my screen and saw his name.
From Alfred,
I'm still waiting for you.
Napaawang ang labi ko sa gulat habang binabasa ang text nito. Tumaas ang tingin ko sa dalampasigan. From here, I saw a silhouette of a man standing near the shore.
Tumunog bigla ang cellphone ko dahil sa tawag nito. Bigla akong nataranta at kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Nakakatawang isipin na siya ang dahilan kung bakit naguguluhan ako ngayon.
Ilang segundo pa akong nakatingin dito. Bumalik ang tingin ko sa taong nakatayo malapit sa dalampasigan. He waived his right hand, I chuckled on what he did. It was past nine in the evening and he still waiting for me.
"He-Hello?" my voice broke and I felt the excruciating pain in my chest.
"Rafaella..." His voice was too soft.
I shut my eyes to feel the pain. Nahihirapan na akong huminga sa nararamdaman kong sakit. How can this man change my principles in life that quick?
"I-I'm so-sorry." Huminga ako nang malalim at unti-unti nang nanlalabo ang aking mga mata.
"I wanna see you." I heard him heave a sigh.
Napaawang ang labi ko. Sobrang haba ng araw na ito para sa akin. Pagod na pagod ako pero hindi ako makatulog. Ngayon ko naramdaman ang sobrang kasabikan na makita itong muli.
"I'm sorry. My parents are already here."
"Babalik na ako bukas ng Manila."
Napaawang ang labi ko sa gulat dahil sa sinabi niya at naramdaman ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
I nodded my head while still looking at him. Narinig ko ang pagbuntonghininga nito sa kabilang linya.
"Take care?" kunot noong sagot ko.
"Rafaella?"
"Alfred?"
I heard him sighed again.
"I like you..." his voice was too soft, his words running into my veins and touching my heart.
Napaawang ang labi ko sa gulat. Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko nitong nakaraang linggo. Because of him, hindi ako makatulog nang maayos. Halos hindi ko na nga magawa nang mabuti ang trabaho ko. Naramdaman ko ang muling pagtulo ng aking mga luha sa aking pisngi. Kunot na kunot ang noo ko at pinipilit na masilayan siya kahit na sobrang dilim at layo nito.
Kumikirot ang dibdib ko sa isipang nakapangako na ako kay Esteban.
Pigil ko ang hininga ko at mas lalo nito akong binigyan ng rason upang mas lalong kamuhian ang sitwasyon ko ngayon.
All my life I felt like I'm in a cage. This life was suffocating me. When I met him, he let me see the real me. He made me feel real happiness.
Yumuko ako at tinakpan ang labi ko gamit ang aking kaliwang kamay. Huminga ako nang malalim at umiling nang paulit-ulit. Pero kahit gaano ko gustuhin na makasama ko siya, hindi puwede. Kahit na siya ang gusto ng puso ko, hindi pa rin puwede.
"I-I'm sorry, Al-Alfred." Pumikit ako nang mariin at muling dumaloy sa aking mga mata ang mga luhang ayaw ng huminto.
"I know..." I felt the sadness in his voice and it's breaking my heart into tiny pieces. "I wanna say goodbye and wish you all the happiness in life, my Señorita."
My lips parted and I can't even utter a single word. I am so dumbfounded. Gusto ko siyang pigilan pero di ko magawa dahil alam kong hindi ko mapapanindigan ‘yon. Ayokong umasa sa nararamdaman kong ‘to dahil ayokong masaktan.