Kabanata 6

2781 Words
Kabanata 6 I reminded myself so many times na wala talaga at hindi puwede. Halos hindi ako nito pinatulog buong gabi sa kakaisip sa mga nararamdaman ko sa kanya. "Señorita? Señorita?" Napapitlag ako sa gulat nang marinig ang nag-aalalang tonong tawag sa akin ni Selso. Hindi ko namalayan na natulala na naman ako. "Huh?" nakaawang na labing tanong ko sa kanya. "Maayos na po lahat ang ie-export sa Mindanao may ipag-uutos pa ho ba kayo?" Tumikhim ako noong mapagtanto na nawala na naman ako sa sarili ko sa kakaisip sa ibang bagay. Matamis akong ngumiti sa kanya na naghihintay ng isasagot ko. "Wala na, Selso. You can leave, salamat," wika ko at ibinaba ang tingin sa papers sa aking harapan. "Maiwan ko na ho kayo, Señorita," nag-aalangang tugon nito ngunit hindi na ako nag-abala pa na sulyapan ito. Narinig ko ang pagbubukas at pagsara ng pinto. Nagbuntonghininga ako at nagsalong-baba habang pinagmamasdan ang mga papel sa harapan ko.  Today, I don't feel like myself. Ewan ko ba pero gulong-gulo ang isip ko ngayon. "You seems so tired?" Halos lumukso ako sa gulat sa aking pagkaka-upo dahil sa biglaang pagsulpot nito. Hindi ko napansin ang pagpasok niya sa opisina ko. Kumunot ang noo ko at tumingin sa harapan ko na naka-lean sa aking lamesa at mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pasimpleng inayos ang aking buhok. Hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya. Am I that preoccupied? "What are you doing here?" kunot na noong tanong ko sa kanya. Sumulyap ako sa pintuan at muling inilipat sa kanya ang tingin ko. Like usual, he smiled at me like he owns my day. "You don't look okay. Did you sleep well?"  Nanigas ako sa aking kinauupuan nang itinaas nito ang kanang kamay niya at inilapat ang likuran ng kamay niya sa aking kaliwang pisngi. Nadama ko ang mainit na kamay nito na marahang dumampi sa aking pisngi. Pigil ko ang aking hininga sa kanyang ginawa. Tumaas ang tingin ko sa kanya na seryoso sa kanyang ginagawa. Lumipat pa ang kamay nito sa aking noo. "Señorita Rafaella?" Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Perla na hindi man lang nagawang kumatok bago buksan ang pinto. Napaawang ang labi ko sa gulat noong mapansin ang paglipat ng tingin nito sa kamay ni Alfred na nakadampi sa aking noo. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako agad nakapag-isip ng gagawin. Inilayo nito ang kamay niya sa aking mukha at huminga nang malalim na para bang wala lang sa kanya ang nakita ni Perla. "You don't have a fever but you look really pale," kunot noong saad nito at nilagay sa bulsa ang dalawang kamay niya. Tumikhim si Perla at nagpatuloy maglakad papasok ng opisina ko na may kasamang dalawang matandang babaeng nakasunod sa kanyang likuran at mahahalata sa mga suot nito na mga negosyante sila. Tumaas ang kilay ko at iniwas ang tingin sa nag-aalala na mukha ni Alfred at tumayo sa aking swivel chair. "May gusto pong magtanong tungkol sa produkto ng papa mo," anito na inilahad ang kanang kamay upang ipakilala sila sa akin. Makahulugan muna itong sumulyap kay Alfred bago inilipat ang tingin sa dalawang kliyente. Kinakabahan ako dahil alam ko kung anong iniisip nito. "Taga-Davao sila at personal na nagtungo rito upang makita ang produkto ninyo, Señorita," nakangiting pahayag nito. Ngumiti ako sa sinabi nito at tumango. "Magandang umaga po," bati ko at sumulyap kay Alfred na nakamasid sa tabi. Napansin ko ang dalawang ginang na panay sulyap sa kanya. Matamis pang ngumiti ang mga ito noong sumulyap ito sa kanila. "Please, excuse me," wika nito sa mababang tono bago nito ako sinulyapan.  Tumango ako sa kanya na tila ba nagpapaalam at tumalikod upang maglakad palabas ng opisina. "Donya Rosales, ito ho ang anak ni Don Cristobal," pagbabasag ng katahimikan ni Perla at narinig kong bumukas-sara ang pinto. Tumikhim ako at itinoon ang pansin sa kanila na sabay ngumiti sa akin. Nakasuot ang mga ito ng pormal na bestida. "Please, have a seat po.” Inilahad ko ang aking kamay sa mga upuan sa aking harapan. Ngumiti ang isa sa mga ito na kulot ang buhok na hanggang leeg niya.  "Magandang umaga rin, Hija! Iyon ba ang iyong nobyo?" Napaawang ang labi ko sa gulat sa tanong nito at sumulyap kay Perla na bakas ang pagkunot ng noo sa likod ng makapal na salamin na suot niya. Tumikhim akong muli upang maiwasan ang kaba. "Hindi po. Isa po sa mga kliyente ko." Tumango ang mga ito at muli kong tinapunan ng tingin sa Perla na tumango-tango rin. "Pasensya ka na, Hija. Bagay kasi kayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito habang umuupo ito sa upuan. "Call me Donya Rosales and she's my younger sister, Julieta." Matamis akong ngumiti sa kanila at umupo na rin sa aking upuan. Sumulyap ako kay Perla at yumuko ito upang magpaalam. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ako ng kliyente sa Davao, at the same day they accept my offer. Hindi na ako nahirapan pa. Mukha kasing planado na nila ang pagpunta rito sa Valencia. Nasabi rin kasi nila na family friend nila ang isang client namin sa Cebu. After our agreement I have already a personal contact with her secretary na magiging kausap ko sa pagde-deliver ng mga produkto sa kanila. Nakangiti ako habang kumakaway sa papalayo na kotse nila. Pagtalikod ko ay nagulat ako dahil nasa aking likuran si Alfred.  Hindi ba siya umalis noong lumabas ito sa aking opisina? "You have a great view of the sea," anito sabay tango. "Akala ko umuwi ka na.” Lumakas ako papasok sa aking opisina at sumunod naman ito. "I'm roaming around your place. Naisip ko, I only have a week to stay here but I haven't fully explored the place yet." Napahinto ako sa sinabi nito. Naalala ko na malapit na nga pala siyang umuwi. I bit my lower lip and I refrain myself from uttering a word. Pinihit ko ang door knob at pumasok sa loob.  I never ask him to come in, he did. "So-So are you going to sign our agreement?" Makikita ko pa kaya siya? "Yeah." Nanigas ako sa sagot nito. Slowly my mind is showing me the reality. "If you agree to have dinner with me..." dugtong nito sa mababang tono na ikinagulat ko. I turn my back and I saw how serious he was. Alam niya na hindi ako puwede sa gusto niya.  "I can not..." bulong na wika ko habang kunot na kunot ang noo ko. Pero sa isang parte ng puso ko ay mayroong ligayang umuusbong at umaasa. Napahinto ako noong may kumatok sa aking pintuan. Huminga ako nang malalim at nag-aalangan tumingin sa kanya na hinihintay ang sagot ko. "Señorita?" tawag ni Perla. Akmang magsasalita pa lang ako nang bumukas ang pintuan. "Nasa kabilang linya ang mama mo." Napaawang ang labi ko at sumulyap kay Alfred na umigting ang mga panga. "I will fetch you here tomorrow night. Hihintayin kita sa dalampasigan," bulong na wika nito sa akin tama lamang upang marinig ko. Nahagip ko ang hininga ko at tumingin sa kanya na tumalikod sa akin. Napansin ko ang pag-ngiti nito sa nagtatanong na mga mata ni Perla bago tuluyang lumabas ng opisina ko. "How's the hacienda, Hija?" bungad sa akin ni Mama pagsagot ko ng tawag nito.  Ginugulo pa rin ng isipan ko ang sinabi sa akin ni Alfred kanina. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas upang putahan siya. Umupo ako sa aking swivel chair noong nakalabas na si Perla. "I'm calling the line at your office but you're not answering my call," dugtong muli nito. "I'm sorry Mom. Nasa labas po kasi ako kanina." "I understand, Hija, Perla already told me. I called you because I just want to let you know that we're going home tonight." I froze and my mouth parted. "A-Ang alam ko ho Mama ay sa susunod na buwan pa ang uwi n’yo?" "That's a plan, Hija. But everything is okay now, and besides, your Dad wants to see you handling our business." Tumikhim ako at napalunok. "I will fetch you here tomorrow night. Hihintayin kita sa dalampasigan." Napapikit ako nang marinig ang boses ni Alfred sa aking isipan. Marahan akong umiling at sinisikap na kalimutan ang sinabi nito. Napalunok ako dahil sa bara sa aking lalamunan. "O-Okay, Mommy. I'm excited to see you..." Pilit akong ngumiti kahit na hindi ko alam ang mararamdaman ko. I'm staring at the phone for about a minute. Mom already ended the call. Hindi ko alam kung para saan itong nararamdaman kong panghihinayang. I want to see him and I want to have dinner with him. Pero dahil uuwi sila ay mukhang lumabo na ito... Madiin kong pinagdikit ang labi ko pinatong ko ang telepono sa lamesa at huminga nang malalim. No, it can't be. I need to stop this feeling before it gets worse. This is really bad, Rafaella! You need to focus! Lumunok akong muli at marahang tumango. Nanghihinayang ka dahil hindi nito pipirmahan ang kontrata kapag hindi ka sumipot. That's the only reason why you feel uneasy. Hindi dahil gusto mo siyang makita! 'Yon ang lagi kong sinasabi sa aking sarili. I was convincing myself that's the only reason.  * * * Napaigtad ako nang marinig ang cellphone ko na tumutunog sa aking kama. Gabi na at hindi na naman ako pinapatulog ng aking isipan. Nakita ko ang pangalan ni Alfred na tumatawag. Napakagat ako sa ibabang labi ko at kinuha ang cellphone ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis nang t***k ng dibdib ko. Ilang segundo kong pinagmasdan ang pangalan nito. Hanggang sa kusang namatay ang tawag. Ilang segundo lamang ay tumawag muli ito. Bumuntonghininga muna ako bago magdesisyon na sagutin ang tawag. "He-Hello?" "Did I wake you up?" nag-aalala na tanong nito. Pumikit ako nang mariin. Why his voice was to caring? Why do I need to feel this way? Bakit lumulukso sa ligaya ang puso ko ngayong narinig ko ang boses niya? Mali ito. "N-No..." tipid na sagot ko. Narinig ko ang pagbuntonghininga nito. Humiga ako sa aking kama at itinuon ang mga mata sa ceiling ng kwarto ko. "Alfred?" tawag ko sa kanya dahil wala na akong sagot na narinig. "I'll wait for you tomorrow night," he said in his low and husky tone. Napaawang ang labi ko at nakadama ng lungkot. Nararamdaman ko pa rin ang pagtibok nang mabilis ng dibdib ko. "I can't make it, I'm sorry..." "I will wait," agap na sagot nito. His voice was firm. "You must sleep, you look sick." Marahan akong tumango kahit hindi naman niya nakikita. I need to end this call, kung hindi baka mag-breakdown ako sa nararamdaman kong lakas ng t***k ng dibdib ko. "Goodnight," paalam ko. Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at pinatay ko na ang tawag. Nasalo ko ang dibdib ko na dahan-dahan na lamang sa pagtibok nito hanggang sa unti-unti akong nahihirapan huminga. Napaawang ang labi ko nang nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala. Bakit? Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Panghihinayang? Kalungkutan? Hindi ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko. I know there's something wrong with me. Is it really possible that the person you just met can control your feelings? * * * Kinabukasan ay maagang naghanda ang mga kasambahay. Hindi rin ako masyadong nag-stay sa opisina at tumulong sa gawain. Maraming inihandang pagkain si Perla, utos raw ito ni Mama. Maging ang mga kurtina at mga bulaklak sa loob ay pinalitan. "Bakit sobrang paghahanda ang ginagawa?" tanong ko kay Katya habang nakaupo ako sa hapagkainan habang kumakain ng hapunan. Wala si Perla sa aking tabi, at tanging dalawang kasambahay at si Katya lamang. "Ito ang utos ni Donya Angelita, Señorita." Kunot ang noo ko sa sagot nito at humarap sa kanya. "Hindi naman naghahanda ng ganito sina Mama sa tuwing umuuwi galing ibang bansa." Nagkibit-balikat ito na hindi alam ang isasagot. "Ang utos sa amin ni Perla ay maghanda. 'Yon raw ang utos ng Mama mo." Tumango-tango ako. Pagkatapos kong kumain ay nagpasya akong puntahan sa sala si Perla habang inutusan ang aming mga kasambahay sa paglilinis nito. "Is she expecting a visitor today?" kuryosong tanong ko. Tumango ito at inayos ang salamin nito bago tumingin sa akin. "Opo, Señorita. Ang habilin sa amin ng Mama n’yo ay dito raw maghahapunan si Don Herman." Tinutukoy nito ang governor sa aming probinsya. Ang isa sa pinaka-mayaman at makapangyarihan dito sa Valencia. Napaawang ang labi ko sa gulat. Hindi ito madalas tumungo sa aming mansyon. Sa tuwing may pagtitipon lamang sa amin ito pumupunta. Nakakapagtaka at kahit na walang selebrasyon ay bibisita ito sa amin. "Mommy!" Sinalubong ko sina Mama at Papa na lumabas sa aming puting limousine. "Dad!" tawag ko sa Papa ko pagbaba nito ng sasakyan. Bakas ang pagod sa mga mata ng mga ito ngunit napanatili pa rin ni Mama ang pustura nito. Hindi na ako nag-expect na yayakapin nito ako. Tumayo lamang ako sa harapan niya na tumingin sa aking bestida. "Perla, change her outfit!" agap nito at napataas ang aking kilay dahil sa pagtataka. "Bakit ho, Mama? Hindi po ba maganda--" "Si Don Herman ang bisita natin na dadalo, Hija. Hindi kung sino lang..." wika ni Mama na tuluyan nang pumasok sa loob ng mansyon. Sumulyap ako kay Papa na sinalubong ako nang yakap at halik sa noo. "Dad, I missed you!"  Ngayon ko naramdaman ang pangungulila sa kanila pagkatapos ng ilang linggo silang nawala. Iba pa rin kasi kapag narito sila. Sanay naman ako na umaalis sila pero sa tuwing nakikita ko na silang umuuwi ay hindi ko mapigilan na lumuha. "How's my daughter?" tanong ni Papa at niyakag ako nito papasok sa loob. My mom was inspecting the mansion. Hindi man lang ito nagpahinga at may iniutos na sa mga kasambahay. "I'm good, Dad. How's your trip?" "I'm a bit tired. Don Herman called us along the way, we can't say no to his proposal," anito na umiling-iling. Don Herman is a powerful businessman in our province. Ang presensya nito ay sumisigaw ng karangyaan at kapangyarihan. He can control everything by using his finger. Kapag ayaw nito ang isang tao, he can get rid of it easily, 'yon ang madalas namin marinig. "Aakyat lang ako sa taas, Hija," paalam ni Papa bago ako nito hinalikan muli sa noo at naglakad na patungo sa taas. Sinulyapan ko si Mama na hindi man nagawang magpalit ng damit ay inaayos na ang sala. Pagsapit ng alas sais ay dumating na nga si Don Herman. Yumuko ako noong sinalubong namin ito sa hamba ng pintuan. "Good evening, Don Herman!" bati nila Mama sa kanya. "Magandang gabi, Don Cristobal!" sagot nito at nakangiting sumulyap kay Mama. Naramdaman ko ang kamay ni Mama sa aking likuran, at nagulat ako nang nakatingin pala sa akin si Don Herman. "Magandang gabi po, Don Herman," kinakabahan na wika ko at yumuko upang umiwas ng tingin sa makahulugang mga tingin nito. "Magandang gabi po, Donya Angelita at Don Cristobal."  Napahinto ako at umayos nang tayo noong marinig ang pamilyar na boses ni Esteban--ang isa sa mga apo ni Don Herman. Hindi nasabi ni Mama sa akin na kasama nito ito. Tumingin ako kay Mama na matamis ang ngiti nito at wala man lang bakas ng pagkabigla sa kanyang mga mata. Sumulyap ako kay Papa na tumango rito at binati rin nito pabalik. "We're so happy to have you on our dinner tonight." Ngiti ni Mama sa kanila kahit bakas naman ang pagod sa mukha nito dahil sa biyahe. I refrain myself from rolling my eyes and I decided to not utter a single word. Even when we start eating. I'm just listening to their conversation about their trip and their businesses. Don Herman is sitting on the center of the long table, at the other side of it is my Dad. Nasa tabi nito si Mama habang ako ay kaharapan ko si Esteban we're at the middle of the table. I know him too well. My best friend Nathalia used to have a crush on him, well maybe until now. She's head over heels sa lalaking ito. Napaawang ang labi ko noong ngumisi ito sa akin. Napakurap ako at umiwas ng tingin. Hindi ko napansin na tinititigan ko na pala ito. Yes he have the looks and power, but he's not my type. Sobrang yabang nito! He acts as if he can get everything he wants. "Don Cristobal, why don't we plan their wedding already?" Napaawang ang labi ko sa gulat sa narinig kong tanong ni Don Herman sa papa ko. I looked at the old man, confused. Wedding?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD