Kabanata 5
Nakaupo ako ngayon sa harapan ng salamin habang sinusuklay ko ang aking mahabang buhok.
"Sobrang busy mo ngayon? Tumawag ako kaninang tanghali ang sabi ni Katya nasa lunch meeting ka raw," bungad ni Bella sa akin na ka-video call ko.
Napahinto ako sa pagsusuklay ng aking buhok at tumingin sa kanya sa screen. Naka-mask ang buong mukha nito na kulay abo.
"Pasensya na, hindi na kita tinatawagan."
"Okay lang, naiintindihan ko dahil wala sina Mama. Okay ka lang ba d'yan?" agap na tanong nito.
Tumayo ako habang hawak ang cellphone ko at umupo sa aking queen size bed. "Yeah, you don't have to worry. Ikaw kailan ka uuwi?"
"That's good to hear, I bet our farm is doing good dahil ikaw ang may hawak." She laughed and shook her head. "Dahil kapag ako ang naiwan d'yan, I don't know what to do!"
Natawa ako sa sinabi nito at napailing. "Bolera ka talaga! I miss you!"
Ngumuso ito sa akin. "Kapag uuwi sina Mama, I will talk to Papa na hayaan kang makapag-bakasyon dito sa Cebu para naman ipapasyal kita."
"Hindi ka ba uuwi?" Natahimik ito ng ilang segundo at mariing pinagdikit ang mga labi na para bang nag-iisip pa sa tanong ko.
"Mas gusto ko rito, Ella. I can do whatever I want! I don't need to worry if mommy will get mad sa gagawin ko."
Nanahimik ako sa sinabi ni Abella, sa aming dalawa kasi siya lagi ang pasaway. She didn't care what others will tell about her, at least she's becoming true to herself. Sometimes, I wish I am brave like her.
Tumango ako ng marahan. "Hindi ko alam kung papayagan ako ni Dad. He wants me to be hands-on in our business."
"Abella! Ready yourself!" Napatingin si Bella sa kaliwa nito.
"Ah, oo sige," wika nito sa nagsalita at tumingin sa akin. "Mag-ingat ka d’yan, huh? Kapag may problema, don't hesitate to call me. I need to end this call."
"Huh? Bakit?"
"We're going to club, day off namin bukas." Muling ngiti nito. "Bye na. See you soon, Twin!"
Hindi na ako nakaangal pa noong tuluyan na nitong tinapos ang tawag. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang screen ng cellphone ko bago ito ibinaba at humiga sa kama. The silence of my big room filled my ears and went thru to my heart.
Kapag gabi na nakakaramdam ako ng kalungkutan at pangungulila. Pangungulila sa hindi malamang dahilan. I decided to stood up on my bed and went to my balcony.
The cool breeze welcomed my bare face, I sighed and glanced at Bella's balcony to my left. Even the sea is so calm that I can hear my own breath. This feeling is creeping me out. The feeling of being lost in the middle of the night when everything was dark. Parang gusto kong hanapin ang sarili ko kahit madilim dahil sa ngayon hindi ako masaya sa ginagawa ko.
Napaigtad ako sa gulat nang marinig na tumunog ang cellphone ko sa loob. Nagmamadali akong naglakad patungo roon at sumulyap sa cellphone ko na nakapatong sa aking kama.
Kumunot ang noo ko nang hindi naka-register ang number nito. Ilang segundo ko pa itong pinagmasdan bago ako nagpasya na kunin ito at sagutin.
"I bet this number is yours?" Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Alfred sa kabilang linya.
Hindi ko mapigilang ngumiti nang marinig pamilyar na accent nito.
"Yeah, how did you know?"
"I tried to call the hotline number, but I guess it's in your office." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at napaupo sa aking kama. "I just saw it on the contract..."
Tumikhim ako at tumango kahit na hindi naman nito nakikita bigla tuloy akong nakaramdam ng kaligayahan. "So do you have any questions regarding our agreement?"
"Oo. Gusto ko lang malaman bakit hindi ka pa natutulog?"
Tumaas ang kilay ko sa tanong nito at hindi ko mapigilang mapangiti at napailing.
"Does it matter? What I mean is... kapag sasagutin ko ba ang tanong mo pipirma ka ba sa kontrata?"
"Hundred percent!"
Natawa ako sa sinabi nito at umupo sa malambot na kama. "I can't sleep. Ikaw bakit gising ka pa?"
"I'm still working on some things." Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya. "I need to settle things before I go back to Manila."
Tumikhim ako at natahimik sa sinabi nito. I am used to being alone. Eversince na umalis si Bella sa bahay, parang nasanay na ako na mag-isa. Though, Katya is here and we have lots of workers in our mansion but I barely went out of my comfort zone.
Nasanay ako na kapag may pagtitipon o kailangan makipagkita sa ilang negosyante ay doon pa lamang ako nakakaalis ng bahay. Lalo na ay hindi na kami madalas magkita ng mga kaibigan namin ni Bella, they have their own life too and they are busy in their work.
"Did you enjoy our lunch?"
Nabalik ako sa ulirat noong marinig muli ang pamilyar na boses nito.
"Yeah," I answered sincerely. Ngumiti pa ako kahit hindi naman nito nakikita. "Siguro, tama ka nga. Sometimes we need to unwind to forget things."
I heard him chuckle. "So can I visit you again tomorrow?"
"Even if I say no, you will come!" I snapped at him while shaking my head.
"Well, yeah. I don't listen to orders! You need to sleep." Madiin ang pagdikit ko sa aking labi.
There is a part of me that I don't wanna end this call. Pero unti-unti kong naramdaman ang bigat ng aking katawan dahil sa pagod.
"Goodnight..." pabulong na wika ko at napangiti nang marinig ang pagbuntonghininga nito. Wala itong ideya kung paano nito pinasaya ang gabi ko. Hindi ko alam na sa simpleng usapan ay puwedeng magpabago ng nararamdaman ko.
"Goodnight, Rafaella."
* * *
Napahinto ako nang marinig ang katok sa aking pinto sa opisina. Mabilis kong inayos ang buhok ko gamit ang kamay ko at umupo nang maayos. Mabilis ko ring hinawakan ang ballpen ko at yumuko sa mga papel sa aking lamesa nang marinig ko ang unti-unting pagbukas ng pinto. Bigla akong kinabahan nang maisip ito.
"Ella?!"
Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Nathalia-- ang isa sa pinaka matalik kong kaibigan. Sa hindi ko malamang dahilan ay naka hinga ako nang malalim at bagsak ang balikat na tumingin sa kanya.
Nakasuot ito ng mahabang dress na kulay kahel, at tulad ko ay mahaba na rin ang buhok nito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at bumaba ang tingin ko sa papel sa aking harapan.
"Hindi mo ba ako papaupuin?"
Tamad ko itong sinulyapan na naglalakad na patungo sa aking lamesa. Muli ko naman ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
"You're so busy this past few weeks. Can we go out for lunch before I flew to Cebu?" Huminto ako sa pagsusulat at itinaas ang tingin sa kanya.
"Cebu?" kuryosong tanong ko.
Mariin nitong pinagdikit ang labi niya at marahang tumango, dahan-dahan itong umupo sa harapan ko at sumalong-baba.
"Birthday kasi ni Tita, kapatid ni Mama. She wants us to celebrate with her fiftieth birthday. Baka kasi magtagal kami ng ilang linggo roon."
Napahinto ako at naisip bigla si Alfred. Pasimple akong sumulyap sa hamba ng pintuan na walang sign nito. Muli kong inilipat ang tingin sa kanya. Huling beses kami magkasama ni Nathalia e, tatlong linggo na ang nakaraan noong um-attend kami ng family gathering bago umalis sina Mama.
She knew that I am going to be so busy for the whole month, kaya hindi na nito ako pinuntahan.
"I'm sorry. Did I interrupt your conversation?" Napahinto ako nang marinig ko ang malalim na boses ni Alfred.
Inilipat ko ang tingin ko sa hamba ng pintuan kung saan ito nakatayo na may hawak na bouquet of red roses at hinihintay ang sagot sa tanong nito. Hindi ko narinig ang pagbubukas nito ng pinto, kaya hindi ko napaghandaan kung ano ang iaakto ko.
Kunot noong sumulyap si Thalia sa likuran nito bago muling ibinalik ang makahulugang tingin nito sa akin. Nanlaki ang mga mata nito sa akin, like she wants to point something out. Alam ko ang iniisip nito kaya umiwas na ako ng tingin at sumulyap kay Alfred.
Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
"No. You can come in," matigas na pahayag ko at huminga nang malalim bago tumingin kay Thalia na hindi pa rin nawawala ang makahulugang tingin nito sa akin.
"Oh, anyway! We can set our lunch tomorrow then," mabilis na pahayag nito at tumayo.
Umirap ako sa kanya at sumulyap kay Alfred na walang bakas na pangamba.
He looks so used to it.
"Uh-- Thalia. Si Alfred nga pala, our client." Pakilala ko sa kanya at kumaway naman si Thalia. "Kaibigan ko nga pala, si Nathalia," dagdag na saad ko na tumingin kay Alfred.
"Hi. Nice to meet you, Alfred?" naka-ngising aso na wika ni Thalia at mahinhin na nakipag-kamay sa kanya.
Muli na naman ako nitong sinulyapan. "I have to go. Uhm-- Alfred. I just came to visit my friend."
Naglakad papunta sa akin si Thalia at niyakap ako nito. "Your client is so sweet, may pa-bouquet pa."
I knew it!
Ngumiti ito sa akin at hindi ko mapigilang umirap sa kanya. Narinig ko ang munting halakhak nito.
"We can have lunch together, if you want too..." Napahinto ako sa sinabi ni Alfred na nakatayo malapit sa lamesa ko.
Mabilis na umiling si Thalia at napansin ko ang pagsulyap niya sa hawak nitong bouquet.
"No, I don't wanna ruin your da--" She paused and bit her lips. "Your meeting about your whereabouts! By the way, she's single."
"Thalia!" I groaned at her when she said it bluntly to him.
I swear my cheeks are turning red right now! Nakakahiya kay Alfred. Wala naman itong sinabi na sa akin ang dala nitong bulaklak.
"Really? I am about to ask her." Umawang ang labi kong sumulyap sa kanya na nakatingin sa akin nang diretso.
Nagsama pa 'tong dalawang straight forward magsalita. I shook my head in shame and bit my lower lip.
"I have to go, sis!" natatawang pahayag nito noong makita niya ang mukha ko na hindi maipinta.
Huminga ako nang malalim nang tuluyan na itong nakalabas ng opisina. Tinapunan pa nito ako ng makahulugang tingin bago tuluyang sinara ang pinto. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko na pala ang paghinga ko.
That's too quick, I can't even react properly.
"Para sa 'yo." Napakurap ako nang iniabot nito ang bulaklak sa akin.
Nahihiya ko itong kinuha at hindi ko alam ang rason niya kung bakit niya pa akong dinalhan ng ganito. Umiwas ako ng tingin at inilahad ang upuan sa kanya.
"Tha-Thank you. Have a sit, please."
This wasn't my first time receiving flowers from a man but my feelings right now were so different. Siguro dahil unexpected? I don't know, basta nahihiya ako.
"Nag-abala ka pa," pabulong na pahayag ko at tumungo sa center table ko upang kunin ang vase ng bulaklak. Umupo ako sa sofa at ipinatong ang hawak na bouquet sa lamesa.
"I guess, flowers can light up your day?"
Napahinto ako sa paglalagay ng rosas sa vase at hindi napigilang mapangiti sa sinabi nito.
Umupo ito sa pang-isahang sofa at pinapanood ako sa aking ginagawa. Naiilang ako dahil ramdam ko ang bigat nang tingin nito sa akin.
Napahinto ako sa aking ginagawa at sumulyap sa kanya na napatingin sa akin.
"Hindi ka na naman ba busy?" nakataas na kilay na tanong ko bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Nope," tipid na sagot nito. Napahinto muli ako sa aking ginagawa at sumulyap sa kanya na nakatingin pa rin sa akin. "Ikaw? Busy ka ba?"
Ngumuso ako sa tanong nito at sumulyap sa kanya. "Bakit? Aalis ba tayo?"
Napansin ko ang multo ng ngiti sa kanyang mga labi dahil sa aking tanong.
"We will go to a resort. You want to swim right?"
"I can't, I don't have clothes."
"We'll stop at the nearby mall," suhestiyon nito.
Napangiti ako noong natapos ko nang mailagay ang lahat ng rosas sa aking vase at sinulyapan ito.
"Makikilala nila ako--"
"I brought you a facemask to wear," he said, cutting me off.
Madiin kong pinagdikit ang aking labi at sumulyap sa kanya na nakataas ang mga kilay habang hinihintay ang isasagot ko sa alok niya.
"Plano mo na naman ba 'to?"
Napansin ko ang paglaki ng ngiti nito. "Does it matter?"
Marahan akong natawa sa sagot niya.
"I don't wanna hear rejection from you."
Napahinto ako sa sinabi niya dahil naging seryoso ang mukha nito at nakaramdam ako ng pagkailang. Napaawang ang labi ko at tumayo upang maiwasan ang kakaibang pakiramdam. Naglakad ako patungo sa aking lamesa habang nakaupo pa rin siya sa pang-isahang sofa.
Huminga ako nang malalim at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Alam kong siya ang dahilan nito.
"I'm so busy today," mababang wika ko.
Kahit na maaari ko namang gawin ‘yon nang mabilisan. I just can't bear the fact that I am enjoying his company. Natatakot kasi ako na masanay at baka hanapin ko ito kapag umalis na siya.
"I can wait."
Napapikit ako ng mariin noong marinig ang matigas na tono ng boses nito.
He's so persistent, nakakainis! 'Cause I know, isang pilit pa niya papayag na ako.
"Hey," tawag nito sa akin.
Napahinto ako at humarap sa direksiyon niya. Nabigla ako noong nasa likuran ko na pala ito. Nahagip ko ang aking hininga dahil sa lapit ng mukha nito sa akin. Kinakabahan ako kapag seryoso ang mukha nito. Ang malalim na mga mata nito ay nakatuon sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko makayanan ang intensidad na pinaparamdam nito.
"Señorita..."
The way he called me was giving me goosebumps. My heart skip a beat. Muli akong sumulyap sa mga mata nito.
"A-Ano?" I stuttered.
Bigla itong ngumiti at bahagyang natawa. Napaawang ang labi ko sa naging reaksiyon niya. Kaya nahampas ko ito ng marahan sa kanyang dibdib gamit ang aking kanang kamay.
"Alfredo!" asar na wika ko.
Hinawakan nito ang aking kanang kamay na humampas sa kanya. "I will wait here until you finish your work."
I pouted my lips and nodded at him. Gaya ng sabi nito ay nagtungo nga kami sa mall upang bumili ng susuotin ko. Unang paglusong ko pa lang sa dagat ay halos hindi na ako makahaon dahil sa sobrang kasabikan.
He's just watching me the whole time.
The other day ay umalis kami ni Thalia, and after that he fetch me up again to go to the private resort. Sa buong linggo ganoon ang naging routine namin. I became so used to it na madalas ay nakakalimutan ko nang tapusin ang mga dapat kong gawin at mga bagay-bagay.
I became preoccupied with his presence because he was giving me freedom that I was not even aware that I needed.
"Ella?” Tumaas ang tingin ko sa tawag ni Katya sa akin.
“Bakit?
“Hinahanap ka kanina ni Perla pero wala ka sa opisina mo." I stop typing at my laptop on my lap when I heard Katya's voice.
Bumaba muli ang tingin ko sa aking ginagawa.
"Umalis ako kanina. I need to settle some work."
Huminga ito nang malalim at inilapag ang itim na tray sa aking side table na may green tea at vitamins.
"Akala mo ba hindi ako nakakahalata?"
"Katya? I told you--"
"Sabihin na natin na negosyo ang pinag-uusapan n’yo," agap na wika nito at hindi pinatuloy ang sasabihin ko.
Huminga ako muli nang malalim at itinoon ang pansin sa screen ng aking laptop.
"Ngayon lang kita nakitang ganito."
Napahinto ako ng ilang segundo sa pagtipa at marahang ibinaba ang aking mga kamay.
Pinagmasdan ko itong umupo sa paanan ko.
"'Yong lagi kang aligaga tapos panay ang sulyap mo sa cellphone habang nasa hapag-kainan ka. Naiintindihan ko pa kung si Bella, pero ikaw?" Umiling-iling ito. "Hindi. Kaya alam kong may kakaiba, Ella. Dahil ba sa lalaking ‘yon?"
Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone sa aking kama dahil may tumatawag. Sabay namin itong sinulyapan at alam kong mula sa kinauupuan niya ay nababasa niya ang nasa screen ng cellphone ko, Mr. Montenegro.
"Rafaella..." Lumapit ito sa akin at umiling nang paulit-ulit. Ayoko siyang kausapin tungkol dito dahil kinakabahan ako sa sasabihin niya. "Magagalit ang mama mo kapag nalaman niya 'to."
Napakagat ako sa aking labi at umiwas ng tingin.
Ayokong isipin niya na merong namamagitan sa aming dalawa. Dahil sa totoo lang, wala. Ayokong aminin sa sarili ko na may kakaiba sa nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
I don't wanna regrets things… I don’t wanna disobey my mom’s rule. Pero aminin ko man o hindi kapag nakakasama ko siya nakakalimutan ko na kung ano 'yong dapat at mali.
Binigyan niya ako ng rason para magtanong sa sarili ko kung masaya pa ba ako sa ginagawa ko.
Tumango ako nang marahan at malungkot na tumingin sa kanya.
"I know, Katya. I know."