Kabanata 4
I am too busy checking the crops in the stock room and doing my reports.
"Señorita Ella, may naghahanap po sa inyo," wika ni Selso. Isa sa mga trabahador namin na halos kasing edaran ko lang.
Kumunot ang noo ko at itinaas ang tingin sa kanya. Umawang ang labi ko nang makita si Alfred na katabi nito at itinaas ang kanang kamay upang kumaway at ngumiti sa akin.
Madiin kong pinagdikit ang aking labi at nag-aalangang tumingin kay Selso.
"Salamat," narinig kong bulong ni Alfred sa kanya at mas lalong lumapad ang ngiti nito.
"Walang ano man ho, Sir!" anito at sumulyap sa akin sabay yuko. "Maiwan ko na ho kayo, Señorita Ella."
Napaawang ang labi ko at hindi na ako nakapagsalita nang tuluyan na itong tumalikod sa aming dalawa. Nagkibit-balikat ako at ibinaba ang hawak kong report. Sumulyap ako sa aking relo at alas nuebe pa lamang ng umaga. Ano ang ginagawa niya dito ng ganito kaaga?
Naglakad ito patungo sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa.
"What are you doing?" matigas na tanong nito.
Itinuro ko ang mga prutas sa aking harapan gamit ang kanang kamay ko na may hawak na ballpen. "I'm checking the fruits..."
Marahan itong tumango. "Can I help you?"
Umawang ang labi ko sa tanong nito at umiwas ng tingin. "’Wa-wag na! Nakakahiya naman."
I heard him chuckled kaya lumipat muli ang tingin ko sa kanya. He started to check the fruits kahit hindi naman ako pumayag sa tanong niya.
"I bet your farm is doing good," wika nito na may hawak na hinog na mangga habang tumatango.
"You think so?" tanong ko at gaya niya ay kumuha rin ng mangga. Well, it's obvious naman din sa mga bunga ng mga ito.
"Anong gagawin mo sunod nito?"
Nagkibit-balikat ako at ibinaba ang hawak kong hinog na mangga. "Papasyal ako sa aming farm para i-check ang ibang mga puno."
Tumango ito at sumunod nga sa akin pagkatapos kong mag-check ng mga prutas. He insisted na siya na lang ang magmamaneho ng UTV kaya kaming dalawa lang ang sakay nito.
"Is this your routine everyday?" pagbabasag nito sa katahimikan.
Hindi nga ito nagbibiro noong sinabi nito na mapapadalas ang pagpunta nito sa amin. Though, he still didn't sign our agreement. Sa tingin ko hindi ko rin naman kailangan magmadali. Tutal may ilang linggo pa siya rito.
"A kind of. I need to monitor everything while my parents are still away. Ikaw? What do you usually do in Manila at anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?"
Patungo kami sa mga matatayog na mga puno ng mga mangga. Halos hindi magkalayo rito ang plantasyon namin kung saan ini-export pa namin ang mga crops sa ibang bansa para gawing tea, sugar and etc.
"Random things," ngiti nito at sinulyapan ako bago muling itinuon ang mata sa daan. "You will never get bored in Manila."
Tumango ako sa sinabi nito. Alam kong maraming tao sa Manila kumpara sa probinsya. Kaya naman mas maraming establishments doon at pasyalan.
"I guess, you do bar hopping?" nakataas na kilay na tanong ko.
Tumawa ito sa tanong ko dahilan nang pagkunot ng noo ko.
"Who wouldn't?"
Ngumuso ako sa sagot nito.
Isa sa napansin ko sa kanya, he would answer your question bluntly. No sugar coating, he express what he really feel. Sabagay, he grew up in abroad. Napansin nito ang reaksyon ko, kaya napangiti ito lalo.
"You know what? Sometimes you need to escape from reality."
"Ang ibig mong sabihin ay ang pag-inom ba ng alak... and hitting random girls in a bar was your kind of escaping in reality?"
Tumawa ito sa tanong ko na mas lalong ikinainis ko.
"I never told you that I'm hitting random girls. I'm just going to a bar to enjoy myself."
Huminga ako nang malalim sa sagot nito. Okay, medyo naging overreacting ako roon. Gano'n kasi madalas kong mapanood sa t.v. I should stop watching movies, kung ano-ano naiisip kong itanong.
May ilan kaming mga trabahador na nakasalubong, at binabati ako ng mga ito. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit ngayon dahil makulimlim ang langit.
"What would you be if you didn't take a business course?" kuryosong tanong nito sa akin paghinto namin sa ilalim ng mga puno.
Napahinto ako sa tanong nito at biglang napaisip. Sa totoo lang hindi ko naisip kung ano ang gusto ko maging pagdating ng araw. All I knew was that I needed to become what my parents wanted me to be. I shook my head at that thought. Sasakit lang ang ulo ko kapag pinilit ko pa.
"I don't know?" I answered confusedly.
Napatango ito sa sagot ko. Sabay kaming bumaba, pagbaba nito ay namangha ito sa mga bunga ng mga prutas sa kanyang harapan. Nawili ito sa mga tanim ni Papa na mga iba't ibang prutas. Kaya naman medyo nagtagal pa kami sa farm bago nakabalik.
"Wala ka ba talagang gagawin?" tanong ko sa kanya pagbalik namin sa office ko. "You should spend your day on some beaches."
Nagkibit-balikat ito at parang walang narinig noong nagtungo ito sa aking sofa at umupo.
"I did!" he said bluntly.
Natawa ako sa sagot niya, "I mean-- you should enjoying your last few weeks here in Valencia."
Tumatango-tango ito habang nilalagay niya ang kanyang dalawang kamay sa sandalan ng sofa. Mukhang hindi naman ito nakikinig sa suhestiyon ko.
"I bet you're not here for contract signing," dagdag ko pa at tumaas ang kaliwang kilay ko habang hinihintay ang sagot nito.
"Yeah. I'm here to fetch you," ngumiwi ako sa pagka-straight forward nito.
I shook my head in disbelief and walk towards my chair. "Alam mo? Marami akong ginagawa."
Tumayo ito sa sofa at kumunot ang noo ko nang maglakad ito papalapit sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya nang maramdaman ang kamay nito sa aking kaliwang kamay.
Napahinto ako at sumulyap sa kanya na nakakunot ang noong nakatingin sa kamay ko na nakalahad sa harapan nito.
"What are you doing?" I asked confusedly.
"Your hand is too small but how can you handle your own business on your own?"
Napakurap ako noong maramdaman ang mainit na hinlalaki nito na hinaplos ang palad ko. Nakaramdam ako ng munting kiliti sa kanyang ginawa.
Akmang babawiin ko sa kanya ang kamay ko nang humigpit ang hawak niya sa aking kamay upang pigilan ako.
"Hey!" hindi mapigilang anas ko at unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng t***k ng dibdib ko dahil sa kanyang ginawa.
Nanlaki ang kamay ko nang magsimula itong maglakad at hilahin ako papalabas ng opisina ko.
"Alfredo!" giit na wika ko sa kanya.
"Let's have lunch," utos nito and he wasn't asking.
Hindi ako makapaniwala na tumingin sa malapad na likod nito na naunang naglakad habang hila-hila nito ako.
"Saan ba tayo pupunta?" habol na tanong ko sa kanya. "We already had lunch yesterday!"
Hindi nito ako sinagot. He open the car door for me, umikot ito upang pumasok sa loob ng sasakyan noong nakapasok na ako sa loob.
Sumulyap ako sa mansyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Perla na nasa labas at nakakunot ang noong nakatingin sa direksyon namin. Napakurap ako at napaawang ang labi. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Sana ay hindi nito nakita ang paghila sa akin ni Alfred.
Sumulyap ako kay Alfred na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Nakalayo na kami at hindi ko na ito maaninag nang mabuti. Pakiramdam ko ay sasabihin nito ang nakita niya kay Mama.
"What's wrong?" tanong nito na agad naman akong umiling.
Nananalangin ako na sana hindi kami napansin ni Perla. Wala naman akong ginagawang masama. I was just being too good to our client. Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko ang offer niya. Right! Bakit ba ako kinakabahan?
Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto kami sa pamilyar na lugar.
"I thought we're going to have lunch?"
Bumaba ako sa limousine at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin at tunog ng hampas ng alon. Nasa private resort kami kung saan nito ako dinala noong nakaraan araw. Hindi ko alam na makakapunta ako muli dito.
"Yeah," matigas na sagot nito.
Naglakad kami pababa ng hagdanan at may sumalubong sa amin ang isang babae na halos nasa kuwarenta na ang edad. Hindi ko ito nakita noong unang beses naming nagtungo rito. Nakasuot ito ng kulay berdeng daster at nakapusod ang buhok.
"Alfred, mabuti at narito na kayo. Handa na ang tanghalian!" Ngiti nito sa amin at sumulyap sa akin.
"Hello po!" bati ko at ngumiti.
"Magandang tanghali po," sagot naman nito sa akin.
"Siya si Ate Ne, ang namamahala nitong resort," wika ni Alfred na sumagot sa katanungan ko.
"Masaya ako at napasyal kayong muli. Nasabi sa akin ni Alfred na nagtungo kayo rito noong nakaraan. Ngunit nagkataon na umuwi ako sa amin kaya hindi ko man lang kayo napaghanda."
Ngumiti ako sa sinabi nito. Napaka-gaan ng loob ko sa kanya. Siguro dahil na rin hindi nito ako kilala kaya hindi ako kinakabahan na magsumbong ito.
"Opo, napakaganda po ng resort na ito!" magiliw na tugon ko habang naglalakad kami papasok ng resort.
"Tago kasi ito at masyadong pribado," habol na komento pa nito.
Tumango-tango ako. Simula noong bumisita kami rito hanggang ngayon ay wala akong nakikitang tao na namamasyal. Hindi ko alam kung nirerentahan ba ito o ano. Sumulyap ako kay Alfred na mukhang ngayon pa lamang nakapasok sa resort tulad ko.
"Hindi ka pa rin ba nakapasok sa loob?" kuryosong tanong ko at lumapit pa para bumulong sa kanya.
"I didn't," matigas at malakas na sagot nito. Napangiwi ako noong sumulyap si Ate Ne sa amin dahil sa lakas ng boses nito.
Matamis akong ngumiti kay Ate Ne at mabilis na hinampas si Alfred sa kaliwang balikat nito noong nagsimula muling maglakad si Ate Ne papasok ng resort.
"What's that for?" he groaned.
Napailing ako sa lakas ng boses nito at mabilis na naglakad at iniwan ito.
"Sino po ang may-ari nito?" kuryosong tanong ko kay Ate Ne marahil ay kilala ang pamilyang ito sa Valencia.
Base kasi sa materyales na ginamit sa resort na gawa sa matitibay na mga puno ng kahoy at makabagong disenyo nito na mukhang mamahalin.
Napahinto si Ate Ne sa isang malawak na sala at sa harapan nito ay makikita ang malawak na dagat na tanging puting railings ang nagsisilbing harang. Mayroong nakahandang tanghalian na para sa aming dalawa dahil sa dalawang upuan sa magkabilaan.
Ngumiti ito sa akin. "Hindi taga-Valencia ang may-ari nitong resort. Nagkataon lang n binebenta ito noon ng tunay na may-ari."
Naalala ko nga na sinabi ni Alfred na isang family friend nila ang may-ari nito. Sumulyap ako kay Alfred na hinila ang aking upuan upang ako'y makaupo.
"You mean taga-Manila?" I asked him bago tuluyang umupo.
"Hindi. Taga-Visayas," singit ni Ate Ne at inayos ang mga plato namin.
Napangiti ako nang makita ang masaganang pagkain sa aking harapan. Seafood, and vegetables ang main course.
Umihip ang malamig na hangin dahilan upang maglaro sa hangin ang aking mahabang buhok. Maririnig din mula rito ang paghampas ng alon.
"The place is so breathtaking. I prefer this place ‘cause it's too private. Kung ako may-ari nito, siguro hindi ko ibebenta," suhestiyon ko habang nakatanaw sa malawak na dagat.
Narinig ko ang pagsalin ng juice ni Ate Ne sa aming mga baso. Maayos akong umupo at sumulyap kay Alfred na kumukuha ng pagkain.
"Ang sabi ng naunang caretaker ng resort na ito, namatay raw sa isang aksidente ang tunay na nagmamay-ari," napaawang ang labi ko at kinagat ang ibabang labi ko. Nakaramdam ako bigla ng lungkot sa aking nalaman.
Gaya ng lagi nitong ginagawa ay ipinalit nito ang plato niya sa aking plato. Napangiwi ako dahil marami itong kinuha.
"Nakakalungkot naman ho ang nangyari," mataman na wika ko.
"Pero matagal na 'yon. Total renovation ang ginawa sa resort dahil sa kalumaan nito," dugtong nito.
Kaya naman pala mukhang makabago ang disenyo at talagang pinagkakagastusan ng husto. Kung may pagkakataon lang ako ay papasyal ako muli dito.
"Maiwan ko na muna kayo at nang makakain na."
"Sumabay na ho kayo sa amin," agap ko at mabilis itong umiling.
"Tapos na ako, Señorita. Maiwan ko muna kayo, Alfred." Ngumiti ito sa amin at saka pumasok na sa loob ng resort.
"Bakit mo naman dinamihan ang kuha mo?" anas ko sa kanya pagkapasok ni Ate Ne sa loob.
"You've done too much work today. You might be so hungry."
Hindi na ako nakaalma pa noong maramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura dahil sa gutom. Napangiti ako ng masarap ang pagkaluto ng mga seafood vegetables at shrimp. Nagsawa na rin kasi ako na laging pasta at vegetables salad ang madalas kong kainin.
"Did you plan this?" kuryosong tanong ko. Binaba nito ang hawak niyang baso at tumingin sa malawak na dagat.
"What do you mean?" matigas na tanong nito.
"Paano nalaman ni Ate Ne na pupunta tayo? She even prepares food for us."
Tumikhim ito at isinubo ang hipon na nakatusok sa tinidor niya. "I just want to have lunch here."
"Sinabi mo na kasama mo ako?" nakataas na kilay na tanong ko.
Nanliit ang mga mata nito at muling uminom ng juice. "No! Naisip ko lang na, we can share my lunch."
Ngumuso ako sa kanya at uminom din ng juice.
"Kung ganito lagi ang lunch mo at ang view, then I don't mind having a lunch with you."
Tumikhim ito at sumulyap sa akin. "Gusto mo ba rito?"
"Oo, walang masyadong tao." Binaba ko ang baso ng juice at hinarap ito. Busog na busog akong sumandal sa aking upuan at sumulyap sa kanya na umiinom ng juice.
"You hate people that much?"
Humalakhak ako sa tanong niya.
"No. I mean, I don't like to see people who know me. You know, Valencia is the place where everything should be perfect!" Kumunot ang noo nitong tumingin sa akin.
Tumango-tango ito. "I can say that."
"I love Valencia, but their beliefs are suffocating. I mean, we're in the 21st century?"
"That's why your parents are so strict?"
"U-huh." Tango ko.
Natahimik kami ng ilang segundo. Nagpasya ako na tumayo upang pagmasdan ang paghampas ng alon. Sinandal ko ang mga siko ko sa railings, at pinanood ang paghampas ng alon. I have the same view of the sea in my room. But this place is giving me freedom and peace of mind.
"Why don't you try to come with me?" Napahinto ako nang marinig ang boses nito sa aking likuran.
Kumunot ang noo ko sa tanong nito at sumulyap sa kanya. "Don't let anyone rule your life, that's what my Lolo always told us."
Tipid akong ngumiti sa kanya. Alam ko ang gusto niyang sabihin matagal ko ng kaaway ang sarili ko kung ano ba dapat ang susundin ko. I don't want to regret things. I don't want to hurt my parents because their happiness is my happiness too.
"I'm used to it." Ngiti ko sa kanya.
Napahinto ako noong mas lumapit ito sa akin. I saw how Adam's apple bobbled up, and how his eyes became darker.
Umiwas ako ng tingin at muling sumulyap sa dagat. Ayokong baguhin ang desisyon ko sa buhay dahil sa nararamdaman ko ngayon kapag nasa harapan ko siya. Hindi magbabago ang desisyon ko… ayoko ng gulo mas mabuti na siguro ang ganito.