Kabanata 44 Paglabas ko ng silid ay napatili ako nang maramdaman ko ang kamay nito sa bewang ko at binuhat nito ako sa braso niya. Ilang segundo pa bago ko mapagtanto ang ginawa niya. "Oh my! Put me down!" tili ko sa kanya at hinampas ito sa kanyang likuran. "Rage, ano ba!" Hindi nito ako sinagot at naglakad ito pababa. "Ate Tes!" sigaw ko ngunit mukhang wala ito ngayon. Hinigpitan nito ang hawak sa legs ko kaya hindi ako makagalaw. "Ano ba?!" "Ibababa kita kapag nasa dalampasigan na tayo," mariing pahayag nito at nagpatuloy sa paglalakad. "Are you crazy?!" "I am." "Ugh! Nakakainis ka talaga!" Itinulak ko ito sa inis nang ibinaba nito ako sa tapat ng yate. Kunot na kunot ang noo kong nakatingin sa kanya. "You can at least ask me to walk!" I rolled my eyes and walked to the res

