Kabanata 43 "Use me! Until you get bored and let me go..." anas ko at humakbang papalapit sa kanya upang hagkan ito ngunit natigilan ako nang maramdaman ang mainit na kamay nito sa aking palapulsuhan. Madilim ang mukha nito habang walang tigil sa pagpatak ng luha sa aking pisngi. Huminga ito nang malalim at umiwas ng tingin. "Hihintayin kita sa labas," matigas na tugon nito at tumalikod sa akin. Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa inasta nito. Pinagmasdan ko ito habang naglalakad palabas ng aking silid. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang tuwalya at mabilis na tinakpan ang hubad kong katawan. Inis kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Huminga ako nang malalim at nakatulala na umupo sa kama ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya pagbukas ko ng pinto. Nasa hamba ito ng pin

