Kabanata 42 Bumaba ako sa hagdan at kumunot ang noo nang marinig ang boses ni Ate Tes. Halos apat na araw rin silang hindi nakabisita rito dahil masama ang panahon. "Mabuti na lang ay wala na rito ang bagyo, sobrang lakas ng ulan nang nakaraang araw at ang lakas nang alon. Kaya hindi kami nakapunta," narinig kong wika nito at hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Lumabas ako sa resthouse upang magtungo sa kusina. Napahinto ako noong may lumabas na isang matandang lalaki na hindi pamilyar sa akin. "Magandang umaga ho," mabilis na bati ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at bumati rin bago naglakad patungong labas. Huminto ako sa paglalakad nang si Rage naman ang lumabas sa kusina. Ilang araw na rin kaming hindi nag-uusap pagkatapos ng tagpo noong isang araw. Kaya nagulat ako nang maki

