Kabanata 29 Ngayon mas pinipili ko nang sa labas na lang kumain ng almusal. Kapag kasi nag-iisa ako sa bahay ay nangungulila ako sa kanya. Mas tinuon ko ang pansin ko sa trabaho ko, hindi ako puwedeng umalis ngayon dito dahil ang taong pinagkukunan ko ng rason para lumaban ay tuluyan ng nawala sa akin. "I have a flight tomorrow night. I need to go to Dubai." Napaismid ako sa sinabi nito bago ko ibinaba ang mga pipirmahan nito. "Mabuti naman ay naisipang mong magpaalam ngayon?" nakataas ang mga kilay na tanong ko. He hissed and shook his head while staring at his monitor. "I'm off for three days. Cancel all my meetings." "Alright," tipid na sagot ko sa kanya at inayos ang mga papel na nagkalat sa table nito. Ilang segundo itong hindi nagsalita kaya naisip ko na wala na itong kailang

