Kabanata 27 Mariin ang hawak ko sa gamot na inabot nito at mabilis na itinago sa bag na dala ko. "Someone will fetch you here, Mom?" tanong ni Alfred sa kanya habang umuupo sa upuan nito. Tipid na ngumiti ang mama niya at umiwas ako ng tingin sa kanya. "No, I am planning to stay here tonight," tugon nito at sumulyap sa akin at napansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Hindi iyon napansin ni Alfred dahil nasa pagkain nito ang atensyon niya. "Alright," sumulyap ito sa akin. "Are you okay alone here? I will take her home after we eat." "Sasama ako," agap ng Mama nito na ikinakunot ng noo ko at sumulyap sa kanya na matamis na ngumiti sa anak nito. Bumuntonghininga ako at nagpatuloy sa aking pagkain. I can't deal with her forever. "Are you sure about that? You don't have to--" "N

