Kabanata 22 Nagulat ako noong may nagbukas noong kurtina sa up down window at naaninag ko ang likod ni Alfred. Tulad kahapon nakasuot na naman ito ng office attire. Kumunot ang noo ko at sumulyap sa wall clock na mag-aalas sais na ng umaga. Napatingin ito sa akin. "Sorry, did I wake you up?" Hindi ako makasagot sa tanong nito dahil inaantok pa ako. Humingi ito ng spare key ng condo ko pero hindi ko naman alam na araw-araw pala itong pupunta rito. "I cook breakfast for us..." anito at naglakad na patungo sa loob. Umawang ang labi ko noong mapagtanto na narito nga siya. "Alfredo!" natataranta na tawag ko sa kanya at mabilis na inayos ang mukha at buhok ko. "What are doing here again?" Nakakahiya! Lagi pa nito akong na dadatnan na ganito ang itsura. Hindi ko man lang ito narinig dahil

