Kabanata 23 Hindi kami magkandaugaga ngayon araw dahil may malaking international customers na darating. "Si Sir Adam nandyan na ba?" tanong sa akin ni Russ. "Oo, kasama na ni Alyas patungo rito," sagot ko. Habang inaayos ko ang proposal na gagamitin nito. Halos kakauwi lang nito kahapon ng hapon. Ngunit kailangan na nitong pumasok ngayon dahil sa utos ng Lolo nito dahil na rin sa biglaang pagbisita ng isang malaking customer. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko itong lumabas ng elevator. Mabilis kong inabot sa kanya ang agreement na ginawa ko upang ma-review nito ng maayos. Our goal is to get this client and buy our product. Like us, they also offer cash crops to their customers where they also export their goods in Europe and the U.S. The difference is this customer is a big

