Kabanata 31 Inayos ko ang mga gamit ko na nagkalat sa lamesa ni Adam upang mawala sa kanya ang atensyon ko. "I don't know what you're talking about," giit ko sa kanya. Naramdaman ko ang paglapit nito kaya mabilis akong nag-ayos. Sa ngayon gusto ko na lang na kalimutan ang sa aming dalawa. Tumingin ako sa kanya na hindi maipinta ang mukha nito. Akmang magsasalita pa lang ito noong muling bumukas ang pinto at pumasok rito ang Mama niya. Nagtiim bagang ako at muling nagpatuloy sa aking ginagawa. "I already inform your team, Rafaella. You can start packing all your things," bungad ng Mama nito na makahulugang tumingin kay Alfred. "I don't know you came here." "I need to get the opinion of Mr. Monteneg--" "As of now he needs to take a rest," she said, cutting me off. Napahinto ako at su

