Kabanata 32 "Get your hands off me!" sigaw ni Tita Cynthia sa mga pulis. Sumulyap ako sa likuran nito kung saan nakatayo si Alfred habang may dalawang pulis na pinosesan ang mga kamay ni Tita dahil nagpupumiglas ito. "I told you! I don't know what you're talking about!" "We have a warrant of arrest Madame Cynthia," saad ng isang pulis na kasama namin. "Alfred!" ani Tita Cynthia na pilit sinusulyapan ang anak nito ngunit tahimik lang ito sa likuran. "What the hell is this? Do you have any idea about this? Tell me!" Nasa isang conference room kami ng kumpanya at lahat ng empleyado ay hindi pinapasok ni Alfred dahil kinausap ito ni Blake. "You told me that we have a meeting with the inves--" "Mom shut up!" galit na galit na tugon nito na hindi makapaniwala na tumingin sa Mama nito. N

