Chapter 12

1279 Words
Nagsimula ng habulin ng mga manlalaro ang biik na tumatakbo at paikot ikot sa bakuran nila.Niluwagan ng mga bisita ang dadaanan ng mga humahabol sa biik, nahihiya man ang binata ngunit wala na itong lakas na loob para tanggihan ang kasiyahan sa fiesta ng baryo, hinubad nito ang kanyang mga sapatos at at tinupi ang kanyang slacks hanggang sa ibaba ng tuhod niya at hinubad ang polo nito. Ang laki ng mga muscles niya beshy , sabay pisil sa braso ni Bianca. a--ray beshy anu ka ba daing niya kay Betsy. ako ang beshy mo di ba nakalimutan mo na ba ang ginawa ng lalaking yan sa akin, nagtatampong sabi niya rito. manood na nga lang tayo kung paano niya huhuliin ang biik, at humagikgik ito sa tabi ng kaibigan. Nagsimula nang tumakbo si Zian para habulin ang biik ng biglang tumakbo ang biik sa tapat ni Bianca at nagkatinginan sila ng dalaga, at mabilis naman itong umiwas ng tingin at nagpaalam sa kaibigan na kukuba lang ito ng inumin ng biglang tumakbo ang biik. Nang habulin ito ni Zian ay nabangga niya si Bianca at bigla niyang nahawakan ang bewang niya at nagkatitigan silang dalwa.Saglit na natigil ang dalawa nang biglang may nakatulak sa binata na ikina tumba nila bianca, aksidenteng napahiga ang binata kasabay ng pagbagsak ng dalaga sa ibabaw nito. Tumigil ang lahat at nakatingin sa dalawa na napahiga sa lupa ,gulat na gulat naman ang mga manlalaro at napatigil sa pagtatakbo. Kahit ang kaibigan si Betsy ay napanganga at nawala sa isip na tulungang itayo ang kaibigan, kita sa tinginan nila ang pagkasabik sa isat isa ngunit hindi nagpadala ang dalaga sa bugso ng damdamin kahit ramdam nito ang mabilis na t***k na puso ng lalaki, bumalik ito sa ulirat at agad tinanggal ang palad nito na napahawak sa kaliwang dibdib ni Ziang. Agad itong tumayo at naramdaman ang kisig ng dibdib ng binata sa pagkakatukod niya rito. Mabilis ding tumayo ang binata, uhmm I'm sorry Bianca its just an---"its okay" pagputol nito sa sinabi ng binata at agad na pumasok sa loob ng bahay. Agad namang pumasok ng bahay si Zian kaya lumabas muna si Betsy dhl nakiusap ang mga mata ni Zian na nais niya itong kausapin. are you okay?may masak-- "okay lang ako dont worry di mo na din kailangang mag alala pa" agad na sabat ng dalaga at lumabas na dn ito ng bahay. Pagabi na at wala na gaanong bisita at nag iinuman na si Zian ,ang papa ni Bianca na si mang Greg at mga kaibigan nito, alam naman ng ama ni Bianca na dating kasintahan ng binata ang anak niya at wala naman itong kontra sa binata. Medyo tipsy na si mang Greg at naglakas loob itong tanungin si Zian kng may nobya o asawa na ito at sinabi naman ng binata na my kasintahan ito ngunit hindi niya ito mahal. Mabait at maunawain ang kanyang business partner at spoiled nito ang anak niyang si Christine,kaya napilitan itong pakitunguhan ng maayos si Christine hanggang sa hindi na siya nito pinakawalan.Nahihiya si Zian na saktan ang anak ng kanyang katuwang sa negosyo,lalo na at mabait ito na naging kasundo niya sa lahat ng bagay,lalo na pagdating sa kanilang business. sa totoo lang hijo,wala akong kotra sayo lalo na pagdating sa anak kong si Bianca,pero gusto kong wag na muna siyang madamay sa labo ng yong nararamdaman iyong nobya.Ayokong masaktan ang anak ko Zian sa totoo lang-- "opo tito naiintindihan ko po yun, kaya gusto ko po munang ayusin ang gusot ko kay Christine dahil ang anak po ninyo ang mahal ko". pagtatapat ng binata sa ama ni Bianca. Tinapik siya ni mang Greg sa balikat at sumang ayon sa sinabi niya. Kinabukasan ay masayang nagsasalo salo ang mag anak kasama ang kaibigan nitong si Betsy nang huminga ng malalim si Bianca. Okay ka lang besh? tanong kaibigan nito sa kanya, "may gusto sana akong sabihin sa inyo" ika nito sa kanila. anu yun anak? tanong ng padre de pamilya sa anak. Gusto ko po sanang pumunta sa America ,ma? pa? at nagulat ang lahat sa sinabi ni Bianca, "dahil ba kay Zian anak kaya ka aalis?" tanong ng kanyang ina. Sandaling natahimik ang dalaga at sinabi niyang gusto niyang sumubok ng ibang bagay na gusto niyang gawin at matutunan. Agad namang nag alala ang mga magulang nito sa kanya. Masyadong malayo ang Amerika anak at mag isa ka doon ,pag aalalang sabi ng mama nito. Kung sa tingin mong yan ang makakapag pasaya sa iyo,sige anak tuparin mo ang pangarap mo pero sana, pag nahirapan ka doon lagi mong iisipin na andito lang kami ng mama mo atng mga kapatid mo-- "huwag po kayong mag alala pa, ma, tatawagan ko po si auntie rebecca dahil dati na po niya kong inaalok ng trabaho doon, sagot naman ng dalaga sa ama. Beshy iiwan mo na ko huhu- malungkot na naglalambing ito sa kaibigan. Dont worry Besh ikaw pa din ang bestfriend ko, lagi akong tatawag sayo. Malungkot na mukha ang sagot nito kay Bianca. Pangako tatawag ako sa inyo palagi, gusto ko lng pagtrabahuan kung ano ang pinag aralan ko. salamat po sa suporta ninyo kaya matatag at buo ang loob ko, para din po sa atin ang gagawin ko. pagkasabi nito ng dalaga ay napaiyak sa saya at proud siya sa anak. Dahil balak mo na kong iwan my parusa ka sa kin besh, ika ni betsy at kunot noo namang nagtanong ang dalaga kung ano ang parusang iyon. Ipapasyal mo ko maghapon dahil kailangan ko nang bumyahe bukas ng hapon pa Maynila, ngiting request niya sa kaibigan. sureness beshy! magdedate tayong dalawa today, at nagtawanan naman ang mag anak. Maghapon namasyal ang magkaibigan at pinag usapan nila ang mga plano ng kaibigan. uhmm--beshy tapatin mo nga ako, may kinalaman nga ba si Zian sa pag alis mo? seryosong tanong ng kaibigan. "sa totoo lang beshy isa siya sa mga dahilan pero mas priority ko na mabigyan din ng mas maayos na buhay ang pamilya ko". My gusto sana akong i offer sayo besh eeh, kng papayag ka lang. ika ni Betsy sa kaibigan dahil nag aalala ito sa kaibigan, "anu yun betsy?" tanong naman ng dalaga. Gusto ko sanang tawagan ang mga magulang ko para kahit papano ay may aalalay sayo doon. "talaga Betsy?hindi ba nakakahiya para maabala pa sila?" masaya at may pag aalangang sabi nito kay Betsy. anu ka ba beshy hindi ka na rin iba sa akin alam mo naman ikaw lang ang nag iisang kapatid. para na rin makilala mo ng personal ang mga magulang ko. madamdaming saad nito kay Bianca. Bakit kasi ayaw mong sumunod sa America, ayaw mo ba silang makasama? nagtatakang tanong nito sa kaibigan dahil matagal na din itong pinapasunod sa Amerika ngunit panay naman ang tanggi niya sa mga magulang. sa totoo lang Beshy, hindi ko talaga kayang iwanan ang bahay ng lola ko, sobrang dami ng memories ang bahay natin Beshy,kasama ka dun sa mga memories na nakatago sa loob ng bahay na yun. emosyonal na pahayag nito sa kaibigan at naiintindihan niya ito dahil sobrang mahal niya ang kanyang lola. "ang drama mo naman Beshy baka magkaiyakan pa tayo ,sige ka mamalit ang lola Flor mo sayo" biro niya sa kaibigan dahil ramdam niya na malulungkot na ito pag umalis na siya,matagal na din kasi silang magkasama at ngayon pakiramdam nilang pareho ay may malaking pagbabago na at hindi na kasama ang isa sa kanila.Gustuhin man ni Betsy na pigilan ang kaibigan,ayaw niya namang maging hadlang sa pangarap nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD