Chapter 11

1108 Words
Medyo nanibago ang dalaga sa approach sa kanya ni Zian nang bigla niyang naalala ang ginawa nito sa kanya kaya binaleng na lang ang atensyon sa pag aayos ng mga pinamili. Pasyal ka na lang hijo bukas sa bahay, anyaya ng ama niya sa binata na ikinauntog naman ng ulo ni Bianca sa bubong ng tricycle nang marinig niya ang paanyaya sa binata. Aa--ray! mahinang bulong nito, are you okay? tanong ni Zian sa dalaga ngunit hindi ito sumagot at nagkunwaring hindi niya narinig ang pag aalalang tanong nito. dahan dahan anak, wag kang magmadali at marami pa tayong oras, masakita ba anak? pag aalalang suway at tanong ng papa niya. Sige po mauna na po ako at may gagawin din ako. bye! nagpaalam na si Zian sa kanila at tumango naman ang mama ni Bianca sa binata. sige hijo, pahabol naman ng papa nito sa binata. Pagdating nila sa bahay ay ramdam pa rin ni Bianca ang sakit ng pagkakauntog nito kaya kumuha ito ng yelo at inilagay sa icebag at tinapal nito sa ulo. masakit pa ba anak? tanong ng mama niya, medyo po ma pero okay lang po ako. sagot niya sa kanyang mama at lumabas ito sa bahay at tumingo sa balkunahe pra tawagan si Betsy. (dialing)... hello bEsh? ako na lang mamaya ang susundo sayo sa bayan, "okay sige Beshy text na lng kita pag malapit na ko" -okay sige see you. at nang matapos silang mag usap ay pumasok na ito sa loob nang bahay upang tulungan ang mga magulang sa paghahanda para bukas. Naku anak nakalimutan nating bumili ng mga prutas, pag aalalang sabi ng ina. Di bale po ma ako na lang ang bibili mamaya bago ko sunduin si Betsy. Naisip naman talaga niyang bumili kanina ngunit nagbago ang isip nito dahil nakita niya si Zian sa mismong tindahan ng mga prutas. ano anak masakit pa ba ang ulo mo, tanong ng mama nito. opo ma okay na po ako, kain na po muna tayo at babalik pa ako ng bayan para bumili ng mga prutas bago dumating si Betsy. At kumain na nga silang mag anak at pagkatapos naligo na ito at nangpaalam na babalik ito sa bayan. alis po muna ko ma,pa. pagkapaalam niya ay umalis na ito at sumakay ng tricycle. Agad itong tumungo sa prutasan at namili ng mga prutas ,mga bandang alas tres ay narinig niya ang kampana ng simbahan at naisip nitong dumaan sa simbahan upang magdasal. ale iiwan ko muna sa inyo ang mga pinamili ko ha okay lang ba, dadaanan ko na lng mamaya at sasaglit lang ako sa simbahan. pakiusap niya sa tindera at pumayag naman ito. Pumasok na siya ng simbahan at nagdasal, hindi niya nakita si Zian na nakatitig sa kanya habang nakaluhod at nagdadasal ito, at nang matapos niyang manalangin ay pumunta ito sa candle light para magsindi ng kandila. Pagbalik niya sa prutasan ay tumunog ang cellphone niya at nakitang si Betsy ang nagtext kaya naisip niyang malapit na ito at agad na pumunta sa terminal ang dalaga sa hindi kalayuan kung saan din ito bumaba. Inantay nito ang kaibigan sa passenger's waiting area at umupo sya doon, at maya maya pa'y dumating na ang bus na sinasakyan ng kaibigan at napatayo ito sa excitement na makita ang kaibigan. na miss niya na agad ito khit dalawang araw pa lang silang nagkahiwalay. Besshyyy, pagmamadali nito at niyakap ang kaibigan. I missed you "i missed you too" Naku siguradong matutuwa sil mamat papa pag nakita ka "at for sure super saya ng fiesta bukas" , masayang kuwentuhan ng dalawa at sumakay na ang mga ito pauwi sa bahay nila Bianca. hello po mamshie, hello papshie kumusta po? salubong ni Betsy sa mga magulang ni Bianca na kinaturingang mga magulang niya na rin.mabuti naman hija siguradong magising masaya tyo bukas,mabuti at magkakasama tayong ipagdiriwang ang kapyestahan, namiss ka namin Betchay ,halina kayo sa loob at nang makakain tayo ng meryenda anyaya nito sa kanila sa loob ng bahay. Masayang nag salo salo at nagkukuwentuhan ang mag anak at kaibigan na parang sumapit na ang fiesta sa kanilang tahanan. Kinabukasan ay masaya nilang sinalubong ang kapiyestahan, maraming pagkain palamuti sa paligid at may hinanda rin silang palaro para sa mga kabataan gaya ng kinaugalian tuwing sasapit ang fiesta sa kanila. ate pupunta ba mamaya si kuya Zian? biglang natahimik ang dalaga at tinitigan naman siya nito ni Betsy na nanlalaki ang mga mata sa pagkataka. ahmm..wala kang nababanggit sa akin na nandito rin pla sya hah--Beshy hindi ko nga din alam na nandito siya.sirain ang mood ko Besh?fiesta oh fiesta, pabirong sabi nito sa kaibigan at nabalewala ang tanong ng kapatid nito sa kanya. Sunud sunod na nagsidatingan ang mga bisita at nagkakasiyahan na sa buong baryo at bawat bahay sa kanila ay abala sa mga bisitang dumarayo ng kanilang kapiyestahan. Alas 3 ng hapon ay ikinagulat ni Bianca dahil biglang dumating ang binata na may dalang mga imported na alak. magandang hapon po! bati ng binata sa kanila at agad naman itong sinalubong ng papa niya at natuwang pinaunlakan ang paanyaya niya dito. Tuloy ka hijo ,buti naman at pinagbigyan mo akong makapunta ka. nakangiting sabi ng ama nito sa binata. Hello Bianca hello Betsy, bati ng binata sa dalawa, agad namang ngumiti si Betsy habang nagkunwari naman si Bianca na hindi niya narinig ang bati nito dahil may kausap itong bisita. Beshy para yatang pinagtatagpo talaga kayo ng kapalaran, kinikilig na bumulong ang kaibigan nito sa kanya. Beshy wag ka ngang ganyan, saway nito sa kaibigan. Simulan na ang palaro, halika na kayo mga bata ,sigaw ng mama ni Bianca at agad naman nagsitakbuhan ang mga ba dahil naexcite sa palaro.Masaya silang nanonood sa mga batang masayang naglalaro at pasulyap naman si Zian na tinitingnan ang dalaga.Matapos ang palaro sa mga bata ay naglabas ng biik ang papa ni Bianca sa naisip nitong laro sa mga kalalakihan. Para sa huling palaro, maghanda na kayo mga kabaryo ,sigaw nito sabay itinaas ang biik na hawak nito. Ipinasara niya ang bakuran nila at binitawan ang biik na hawak niya, para sa lahat ng mga lalaki, kasali ka dito Zian hijo sabay tingin at ngiti nito sa bina ta kung sino ang makahuli ng biik ay siyang mananalo at ang magiging premyo ay isanlibong piso.... naghiyawan ang mga kalalakihan sa narinig at naghanda sa huling palaro , tito bka pwede pong huwag na akong sumali nahihiyang tanggi ng binata sa papa ng dalaga. Okay lang yan hijo katuwaan lang naman at sigurado ko wala sa America ang ganyang klaseng laro, nkangiting saad nito sa binata at hindi na nakatanggi pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD