Chapter 10

1430 Words
Isa isa nitong tiningnan ang mga larawan nila ng binata at may guhit ng ngiti ito sa kanyang mga labi, ngunit ang ngiting iyon ang ay sinabayan ito ng pagpatak ng luha mga luha niya.Hindi niya namalayan na nsa likod niya ang kanyang ina na pinagmamasdan siya dahil pansin ng ina nitong malungkot ang mga mata ng kanyang anak nung sinundo pa lang nila ito. may problema ka ba anak?nasa iyo pa pala ang mga iyan, sobrang laki ng pinagbago ni Zian nung napadaan siya rito. Kuwento ng kanyang ina sa kanya, sinandal ng dalaga ang kanyang ulo sa balikat ng ina at napaluha ito. nagkita na po kami ni Zian ma. saad ng dalaga sa mama niya, talaga anak?eh bakit ka malungkot? my nangyari ba,makikinig si mama! lambing nito sa anak na may pag aalala sa nararamdaman nito. niloko niya ako ma! inis na pagkasabi nito sa ina habang umiiyak.Hinagod siya sa likod ng kanyang mama habang nakikinig ito sa kanya.Agad niyang kinuwento ang mga nangyari sa kanila ng binata at nang mga oras na yun ay gumaan ang pakiramdam ng dalaga matapos niyang mailabas ang sama ng loob at hinanakit nito sa kanyang ina. sa tingin ko anak mahal ka nga ni Zian, mahal mo din naman siya hindi ba? payo ng ina nito sa kanya. Lahat ng nagmamahal ay nasasaktan, kapag pinili niyong ipaglaban ang sa pagmamahaln ninyo, masasaktan ang babaeng maiiwan ni Zian. Kapag pinili mo namang lumayo, alam mo rin na pareho kayong masasaktan. gabay ng ina nito sa kanya at napaisip siya sa mga sinabi nga kanyang mama. Basta anak, lagi mo lng pipiliin ang tama, syempre ako bilang nanay mo ay gugustuhin kong makita kitang masaya.Tiwala ako sa kung ano ang magiging desisyon mo. pahabol na payo pa ng kanyang ina at iniwan niya na muna ang dalaga upang makapag isa. Bumaling muli ang tingin ng dalaga sa kahon na may mga litrato nila ng binata at nagtaka ito sa naramdaman, bakit bigla ko siyang na miss? Diyos ko, gabayan niyo po ako sa mga desisyon ko. pikit na idinaing ito ng dalaga sa Panginoon. Kinahapunan ay tumulong si Bianca upang maghanda ng kanilang uulamin sa hapunan, masaya itong pinagmamasdan ang mga kapatid na tinutulungan ang kanilang mga magulang.Alam niyang napalaki sila ng maayos at simple man ang kanilang pamilya ay punong puno naman sila sa pangaral at pagmamahal. ma? siya nga po pala susunod dito si Betsy sa pangalawa. nakangiting sabi nito sa kanyang ina. Tamang tama tatlong araw pa bago ang fiesta dito sa atin anak, sabat naman ng kanyang ama sa tuwa dahil parang anak na rin ang turing nila sa kaibigan ng dalaga. sige po papa pagtutulungan po nating paghandaan ang darating na fiesta. Masaya ang pamumuhay nilang mag anak sa kanilang probinsya, noong bata pa si Bianca ay pinangarap nitong makapunta sa ibang bansa,gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang at mga kapatid, at nang maalala niya ang pangarap na iyon ay napaisip siya na gusto na niya itong tuparin. Kinabukasan ay maagang nagising ang dalaga at naghanda siya ng espesyal na almusal , hmmm..ang bango naman yan ate, paghangang saad ng bunso niyang kapatid. aba maaga yata nagising ang baby bunso ni ate, naamoy mo ba sa kwarto ang luto ko? lambing na tugon nito sa kapatid, hindi na ako baby ate malapit na kaya ako mag 15. sagot ng kapatid nito sa kanya. Asus!wag ka munang mag boufriend aah at aral muna, payo nito kay jenny. Haila ka na at tikman mo itong niluto ko, Champorado ala Bianca ,biro nito sa kapatid. wow ate ang sarap , pwede palang lagyan ito ng toasted bacon? "ofcourse umiimprove na kaya ang cooking skills ng ate mo" sagot ng dalaga sa paghanga ng kapatid nito sa kanyang niluto. wow,pwede ka ng mag asawa ,sabat pa ni Jenny. Bigla nitong naalala si Zian, dahil kasing edad sya ni Jenny nung magkakilala silang dalawa at naging magkaibigan. Naku pag nag asawa yan si ate taon ang bibilangin natin bago niya tayo madalaw ulit, dugtong naman ito ni Carlo na nagising na din. naku ikaw talaga sabay pingot niya sa tenga ng kapatid, oo nga ate wla ka pa ngang asawa ilang buwan muna ang lumipas bago ka nakauwi ulit dito, sang ayon na tugon din ni Jenny sa sinabi ng kanyang kuya. Kumain na nga lang tayo ,tawagin niyo na sila mama't papa para sabay na tayong mag almusal at wag mo kalimutang tawagin si Jason, ang pangatlo sa magkakapatid. Nagsalo ang mag anak sa hapag kainan habang pinaplano ng mga ito ang kapyestahan , naisip ni Bianca na ipaalam sa kanila na balak nitong mangibang bansa ngunit napagpasyahan niya na saka na lang ito magsasabi pagkatapos ng fiesta. ate bukas na pala ang dating ni ate Betsy, siguradong masaya tayong lahat sa fiesta, nagtawanan ang mag anak sa sinabi ni Jenny. masaya nga yun anak dahil masayahin naman talaga ang ate Betsy niyo, sagot naman ng mama nila. mamili na din tayo bukas ng ihahanda sa fiesta ma, para masundo na rin natin si Betsy, sumang ayon naman mga magulang nito sa sinabi ng dalaga. Oh siya tulungan ninyo ang ate magligpet ng mga kinainan natin mga anak. mahinahong utos ng mama nila sa mgkakapatid. Kami na po ni Jenny ang bahala dito ate para makapasyal ka naman sa labas, agad namang natuwa ang dalaga sa sinabi ni Jason. Lumabas ng bahay ang dalaga at nag ikot ikot sa kanilang mga pananim, ang lulusog ng mga pananim ni mama at ang tataba, aniya sa sarili at patuloy na naglakad lakad ito ng bigla niyang maisip na pumunta sa may ilog kung saan siya pumupunta kapag masaya o malungkot siya. tama pasyalan ko muna ang kaibigan kong si swing ,at humagikgik ang dalaga ng maisip niya ang swing sa tabing ilog na ginawa nilang magkakApAtid. Tumungo ang dalaga sa tabing ilog ngunit sira na pla ang swing na ginawa nila doon, umupo na lamang siya sa may kalakihang bato at naghagis ng maliliit na bato sa may ilog,gaya ng gawain nito noon. Marami silang magagandang alala ni Zian sa lugar na iyon ,at doon din niya unang naramdaman ang pagkagusto sa binata. Tanghali na pala , pagkasabi nito'y agad siyang tumayo at naglakad pauwi. Kinabukasan ay tumawag c Betsy na alas kwatro ng hapon ang dating niya ,kaya nagpasya silang mamili at mamasyal na rin sa bayan. Halika anak doon tayo sa suki ko bumili at siguradong may dagdag ito sa mga bibilhin natin ,yaya ng mama niya sa kanya at tumango naman ito at sinamahan. Nandito na pala ang anak mo mare, kumusta ka hija? bati nito sa dalaga at agad namang nagmano ito sa kumare ng kanyang mama. Kagandang bata nito, puri ni aling Lucy sa dalaga at ngumiti naman ito sa sinabi ng kumare ng mama niya. Tumingin tingin ito sa palibot ng palengke pra maghanap ng prutas nang mahagip ng mga mata nito si Zian sa isang fruit stand na bumibili din ng mga prutas.Agad namang umiwas ng tingin ang dalaga at biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Anak may gusto ka pa bang bilhin? tanong ng mama nito sa kanya , uhmm-- wala na po yata mama, puntahan na natin sila papa sa bilihan ng karne.naiilang na sagot nito sa kanyang ina. Tumungo na ang mag ina sa bilihan ng karne at napangiti ito dahil kaklase nya nung high school ang tindera. Ui Daly kumusta ka na? kilala mo pa ba ko? nakangiting bati nito sa dati niyang kaklase , Bianca ikaw na ba yan? lalo kang gumaganda uy "di naman"sagot naman niya kay Daly. Kamusta ka na, alam mo bang nandito na si Zian sa Pinas at gwapo gwapo na niya kinikilig na saad niya sa dalaga. Agad namang tumingin ang mama nito sa kanya, uhmm-- oo nagkita na kami. tipid na sagot niya kay Daly. Hindi na sila nagtagal at magpaalam na silang umalis dahil marami na ding bumibili kaya hindi rin sila makakapagkwentuhan ng maayos. Pa nabili na po ba lahat ng kakailanganin natin para bukas? tanong ni Bianca sa ama. Oo anak sa tingin ko ay sobra sobra na ito, abot pa hanggang kinabukasan, nakatawang sagot ng ama nito sa kanya. Inayos na nila ang mga pinamili sa tricycle ng papa niya nang bigla silang nadaanan ni Zian, Hello po tito ,hi tita advance happy fiesta po. bati ng binata sa mga magulang nito at nginitian naman ni Zian ang dalaga, at binale wala niya lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD