“Teka nga lang.” Lasing niyang aniya saka inalis ang pagkakahawak sa kaniya ni Liam, tumayo siya at pagewang gewang pa itong humarap kay Liam. Pinaningkitan niya ito ng mata at sinusuri kung si Liam nga ba ang nakikita niya. “Ikaw nga ba shi Liam? Liam, Liam, Liam.” Aniya habang tinatapik ng bahagya ang pisngi ng dating asawa. “A-Anong huk g-ginagawa mo d-dito huk?” napaigting na lang ang panga ni Liam dahil sa ikinikilos ni Candice. Nang matutumba si Candice ay mabilis itong sinalo ni Liam. “Come on Candice, ayusin mo ang sarili mo. Let’s go ihahatid na kita.” Pigil ang galit ni Liam sa dating asawa. Pahirapan pa niya itong isinakay sa kaniyang kotse. Nang maisakay ni Liam si Candice ay tinitigan pa niya itong nakapikit at isinisiksik ang sarili sa upuan. ‘Hindi ko alam kung anong

