Kabanata 5

2627 Words
THIRD PERSON POV “Nakakabwesit bwesit bwesit!” inis na sigaw ni Candice habang sinusuntok ang malaki niyang teddy bear. Gigil na gigil niyang hinawakan iyun. “Alam mo ikaw Liam? Ang yabang yabang mo! Bakit? Porket mayaman ka na ngayon? porket sikat ka na? nakalimot ka na! humanda ka talaga sa akin, ikaw na may malaking balat sa pwet!! Grrrrr! Bwisit ka talaga Liam Gozon!” malakas niyang sigaw at muling sinuntok suntok ang teddy bear niya. “Hoy anong ginagawa mo?!” sigaw sa kanya ng kaibigan niyang si Emma pero ni hindi niya man lang ito tinapunan ng tingin. “Bakit may picture jan ni Liam? Alisin mo nga yan. Kung naiinis ka sa kaniya, sa kaniya mo gawin hindi dito sa walang kamuwang muwang na teddy bear mo tapos nilagyan mo pa ng mukha ni Liam! Jusko naman Candice.” Inagaw ni Emma ang teddy bear kay Candice at inilayo ito saka inalis ang picture dun ni Liam bago hinarap ang kaibigan. “Bakit? Ano bang nangyari? Ano nanamang nangyari at gigil na gigil ka sa kaniya?” “Aba ang kumag sabihin ba naman na hindi niya ako kilala! Porket mayaman na siya ngayon ganun niya na lang ako kalimutan. Sinabi ko lang na bayaran niya ako tapos ang sasabihin niya magtrabaho ako sa kompanya niya para swelduhan! Ha! ang yabang niya. Hindi ko talaga siya titigilan.” Napabuntong hininga naman si Emma saka hinawakan ang dalawang balikat ni Candice. “Eh bakit mo pa kasi hahabulin yung tao, magtrabaho ka na nga lang dun mas okay na yun. Ikaw ang mawawalan kapag inalis ka niya na sa trabaho mo.” “Hindi niya ako pwedeng alisin ng ganun lalo na kung ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko.” bagsak balikat namang inalis ni Emma ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa balikat ni Candice. Tumayo siya at hinila si Candice patungong cr. “Maggayak ka na kung ayaw mong malate sa trabaho mo!” sigaw niya saka itinulak papasok si Candice at isinarado ang pintuan. “Grabe, may kahihiyan pa ba ang kaibigan kong ito?” hindi makapaniwalang saad ni Emma saka iiling iling na lumabas ng kwarto ni Candice. Tiningnan niya naman kung may makakain na ba iyun para sa umagahan pero nakita niyang wala pa ring laman ang mga kaserola at kaldero nito kaya siya na lang ang nagluto ng makakain ng kaibigan. “Ikaw ba naman magkaroon ng kaibigan na may saltik sa ulo, haaays.” Anas niya saka pinagpatuloy ang ginagawang pagluluto. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si Candice at nakagayak na. “Oh kumain ka na, kung ano anong ginagawa mo sa kwarto mo wala ka pa palang kakainin.” Umupo naman na si Candice at tamad na tamad pang kinuha ang pinggan at kutsara. Inalis na rin ni Emma ang apron niyang nakasuot sa kaniya saka hinarap na rin si Candice. “For pete’s sake Candice huwag kang gagawa ng gulo.” Inirapan na lang ni Candice ang kaibigan niyang puro sermon na lang ang naririnig. Para na rin silang magkapatid dahil sa tagal na nilang magkaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Candice at pinakinggan na lang ang sinasabi ng kaibigan niya subalit inilalabas din sa kabilang tenga. “Papasok na ako.” paalam niya sa kaibigan saka dumiretso na sa labas para mag-abang ng taxi’ng masasakyan. “Ibigay mo sa akin lahat ng mga papel ng mga bago sa team ni Abby. Ngayon na.” utos ni Liam sa kaniyang secretay. Mabilis namang sumunod si secretary Kim at ibinigay lahat ng mga resume at papel ng mga bagong empleyado. Hinanap niya naman ang papel ni Candice at binasa ito. ‘Single ang nakalagay sa status niya, lahat naman tama. Hindi rin siya nagpalit ng number? Nag-apply ba siya dito dahil alam niyang nandito ako? o sadyang nagkataon lang?’ kunot noo niyang usal sa isip habang nakatitig sa papel ni Candice. Inilagay niya naman ang kamay niya sa baba at pinag-aralan lahat ng mga information na nilagay niya sa papel na ipinasa niya. ‘Dun pa rin siya nakatira kung ganun.’ Saad niya nanaman ng makita ang dating address na tinutuluyan nilang dalawa. Napabuntong hininga na lamang ito dahil dalawang taon, dalawang taon silang walang komunikasyon at biglaang kita. Napahilot na lamang si Liam sa kaniyang noo, isinandal niya ang likod niya sa kaniyang swivel chair saka tumitig sa kisame. Naging busy naman na si Candice sa kaniyang pagtatrabaho at sa tuwing inuutusan siya sa labas ay inililibot niya ang paningin baka sakaling makita niya ang dating asawa. Hindi naman siya pwedeng kumatok na lang basta basta sa office nito dahil hindi niya sigurado kung sinong pwedeng nandun sa loob. Habang nagpapahinga si Candice sa rooftop ay siyang pasok din ni Liam. Nasa bandang kaliwa si Candice kung saan hindi mo agad makikita kapag nasa malapit na pintuan ka lang. Panay ang buntong hininga niya at iniisip kung paano makakausap si Liam. Pareho nilang hindi alam na nasa iisang lugar lang silang dalawa. Dumiretso naman si Liam saka tumayo sa gilid kung saan kita ang mga maliliit na building at ang mga sasakyan sa baba. Pinamulsa niya naman ang dalawang kamay at pinanuod ang tanawin sa baba. Nanatili silang dalawa ng ilang minuto dun hanggang sa mapagdesisyunan ni Candice ang bumaba subalit nahinto na lamang siya sa paglalakad ng makita niya si Liam na nakatayo at nakatalikod sa kaniya. Pinaningkit pa niya ang dalawa niyang mata at sinisigurado kung si Liam nga ba ang nakikita subalit sakto rin ang pagharap nito at gulat niya ring tiningnan si Candice. Hindi napigilan ni Candice ang ngumisi. ‘Pagkakataon nga naman,’ usal niya sa kaniyang sarili. Napapakagat labi pa siyang nilapitan si Liam na hindi na rin gumalaw sa kinatatayuan niya. Blangko naman na siyang tiningnan ni Liam at hinintay na lamang itong lumapit sa kaniya. “Akalain mo nga naman no, hindi ako pinapahirapan ng tadhana sa kakahabol sayo.” kunot noo naman siyang tiningnan ni Liam. Matangkad ng ilang inches si Liam kaya kailangan pang tumingala ni Candice para lang tingnan ito sa kaniyang mga mata. “What do you need?” walang emosyong tanong ni Liam. “Simple lang naman, ibigay mo sa akin yung pera ko” inilahad pa ni Candice ang kamay niya na para bang nanghihingi. Blangko namang iyung tiningnan ni Liam. “Wala akong utang sayo sa pagkakaalala ko Candice.” Diretso niyang saad. Napabuga naman ng hangin si Candice at hindi makapaniwalang tiningnan si Liam. “Hindi ko alam kung nagkaamnesia ka ba o nagpapanggap ka lang talaga eh, kaunti lang naman yung hinihingi ko sayo barya mo lang yun. Ako nagpakain sayo noon! Ano pa bang gusto mong gawin ko para maalala mo lahat?!” inis niyang sigaw subalit wala man lang nagbago sa reaksyon ng mukha ni Liam. Nanatili itong blangko habang nakatitig kay Candice. “Mag-asawa pa tayo nun Candice at malugod mo yung ibinigay pero iba na ngayon. May mga sarili na tayong buhay. Sana ito na yung huli nating pag-uusap.” Pormal niyang saad saka tinalikuran si Candice na hindi makapaniwala sa narinig. “Hoy Liam Gozon, nag-uusap pa tayo! Huwag mo akong tinatalikuran!” sigaw niya saka hinabol ang dating asawa subalit pagtingin niya sa baba ay wala na ito. Sinubukan niyang habulin sa baba pero hindi na niya nakita. Napasabunot na lamang ito sa kaniyang sarili dahil sa inis. “Bwesit ka talaga Gozon!” sigaw pa niya bago tuluyang lumabas sa pintuan ng rooftop. ‘Napakadamot mo! Barya mo na nga lang yun’ sigaw pa niya sa kaniyang isip. Bumalik naman na siya sa department nila at pinagpatuloy ang trabaho subalit hindi siya nakakapagfocus ng maayos sa trabaho niya. Habang si Liam naman ay nakatayo sa tabi ng bintana niya at tinitingnan ang tanawin sa baba. ‘You left me ng hindi ko man lang nalalaman ang dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa akin. Nagmakaawa ako sayo noon na papasukin mo muna ako kahit na isang gabi lang dahil wala akong matutulugan pero hinayaan mo pa rin ako sa labas kahit na basang basa na ako ng tubig ulan, halos mamamatay ako sa ginaw pero hindi kita napakiusapan, ni hindi mo rin ako pinakain maghapon. Walang wala ako noon alam mo yan. Ikaw ang kauna unahan kong nalalapitan kapag pumapalpak ako. You even support me to my dream pero hindi ko alam kung anong nangyari, iniwan mo ako ng wala man lang kaalam alam sa nangyayari sayo. Napakababaw ng dahilan mo, napagod ka dahil ilang taon ko ng ginagawa ang pagreresearch ko sa pangarap ko, alam mong hindi lang para sa akin yun, ginagawa ko yun para sa atin, para sa pamilyang bubuuin natin. Ikaw ang naging dahilan kong ipagpatuloy kahit na ilang beses na akong sumuko, noong iniwan mo ako halos bumagsak ang mundo ko muntik ko ring isuko ang pangarap ko at ikaw ang naging dahilan para mas lalo kong pagbutihin at babalik ng may ihaharap sayo pero wala na akong maramdaman. Hindi ko na gustong maghiganti sayo at ayaw ko ring isampal sayo ang pagiging successful ko. Inirerespeto pa rin naman kita Candice dahil minsan din tayong nagmahalan.’ Napabuntong hininga na lamang si Liam saka umupo sa kaniyang swivel chair at pinagpatuoy ang trabaho. ‘Sana iyun na ang huli nating pag-uusap’ usal niya nanaman bago inalis sa isipin ang naging pag-uusap nila ni Candice. Natapos ang maghapon na iyun na hindi naalis sa isip ni Candice lahat ng napag-usapan nilang dalawa ni Liam. Pagkatapos ng trabaho niya ay dumiretso siya sa isang beer house para mag-inom at mailabas ng sama ng loob. Pumasok na siya sa isang malapit na beer house sa kaniya at umupo malapit sa bartender. “Isang beer nga jan.” Usal niya na sinunod naman ng bartender. Umorder din siya ng mapupulutan niya. Nang ibigay ng bartender ang order niya ay mabilis niyang nilagok ang isang basong beer at pabagsak pa iyung ibinaba. ‘Ang yabang yabang niya. Akala mo kung sinong gwapo!’ sabay inom niya nanaman ng beer. ‘Hindi kita titigilan, tandaan mo yan.’ ‘Alam mong hindi ako ganun kabilis sumuko! Kilala mo ako Liam Gozon!’ “Isa pa nga!” sigaw niya sa bartender ng maubos niya agad ang isang boteng beer. Ibinigay naman ng bartender iyun. ‘Titigilan lang kita kapag nabigay mo na ang gusto ko!’ nilagok niya nanaman ang panibagong bote ng alak. ‘Humanda ka talaga sa akin, ilalabas ko yung totoo mong itsura!’ gigil niyang saad at pabagsak na inilapag ang basong hawak niya. Naniningkit na rin ang mga mata niyang nilalagok ang panibagong baso ng alak. “Bilib talaga ako kay CEO Gozon na yan eh, akalain mong ang bata niyang maging CEO tapos binata pa, sino nga bang mga babae ang hindi maghahabol sa kaniya?” nilingon naman ni Candice ang mga nag-uusap na iyun. Tumayo siya at lumapit sa table ng tatlong matatandang nag-iinom. “Anong shabi niyo? Ako naghahabol sa Liam na yan?” lasing niya ng saad. Nagtataka naman siyang tiningnan ng tatlong matanda. “Miss ano bang sinasabi mo? Wala kaming sinasabi sayo.” saad ng isang matanda sa kaniya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Candice. “Hoy tanda, mash bata pa ako shayo kaya malinaw pa ang pandinig ko. Narinig kong shinasabi niyong hinahabol ko si Gozon! Bakit ko siya hahabulin?! Ha?! akala niya gwapo siya? HINDI! Isa siyang hambog!” sigaw niya kaya nagtataka siyang tiningnan ng mga matatanda. “Hindi ikaw ang pinag-uusapan namin at hindi rin ikaw ang pinagsasabihan naming naghahabol sa kaniya.” sagot naman sa kaniya ng matandang nagsalita kanina. “Narinig ko kayo, huwag na kayong magmaang maangan pa!” nagulat na lamang sa kaniya ang tatlong matanda ganun na rin ng iba pang customer dahil sa ginawa niya. Itinaob niya ang lamesang pinag-iinuman nilang tatlo. Inawat naman siya ng mga staff ng beer house subalit hindi siya nagpapigil. “Huwag niyo akong pinag-uushapan ha?! narinig ko kayo! Ano naman ngayon kung habulin ko yung asawa ko?! ha?” Napapailing naman sa kaniya yung tatlong matanda. “Baliw yata ito eh,” usal ng isa. “Shinong baliw sa atin?! Kayo ang baliw! Asawa ko yun kaya hahabulin ko para singilin!!” patuloy niyang sigaw. Kinuha naman na ng isang waiter ang bag niya at kinuha dun ang cell phone para tawagan kung sino man ang pwedeng tawagan, luckily walang password. Tinawagan niya naman na ang kauna unahang number na nakasave sa cell phone niya. “Hello po, kilala niyo po ba ang may-ari ng cell phone na ito? nandito po kasi siya sa beer house at nanggugulo. Kung maaari po sana ay pakisundo siya dito at maiuwi. Marami pong salamat.” Saad ng waiter. Tiningnan niya naman si Candice na patuloy na nakikipagbatuhan ng salita sa mga matatanda. Napapakamot na lamang ito sa kaniyang ulo at ibinalik na rin ang cell phone ni Candice sa bag nito. “Sinabi na ngang bitawan niyo ako eh! Ano ba!” pagwawala niya ng hawakan siya ng dalawang waiter. “Baliw na yan.” Saad ng matanda habang iiling iling pa. Narinig naman iyun ni Candice at pilit na kumalas sa nakahawak sa kaniya at kinuha ang sapatos saka ibinato sa mukha ng matanda. Halos lahat naman ay nagulat sa ginawa niya dahil matigas ang sapatos niya. “Miss tama na po, nakakagulo na kayo.” Awat sa kaniya ng waiter pero sinamaan lang siya ng tingin. “Nababaliw ka na ba?! Ipapapulis kita! Physical abuse ang ginawa mo!” sigaw nanaman sa kaniya ng isang matanda. Inalalayan naman ng isang matanda ang kasama nilang binato ni Candice at pinaupo sa sa isang upuan. Binigyan na rin ng mga staff ng yelo ang matanda para dampian ang tinamaan sa kaniya. “Baliw ka na nga! Ikaw magiging asawa ng isang CEO? HA! Tingnan mo nga yang sarili mo! Kailan man ay hindi magkakainteres sayo ang kahit na sinong lalaki!” sigaw naman sa kaniya ng isang matanda. “Kakasuhan kita!” dagdag pa ng isa. “Eh bakit ba kashi ayaw niyong maniwala?! Ashawa ko nga yun dati eh!” lasing niya pa ring usal. “Sige! Dalhin mo rito ang sinasabi mong asawa mo at baka sakaling iatras ko ang kaso para sayo. Huwag niyo yan palalabasin tatawag ako sa police station.” Saad ng isang matanda. “No need.” Napatingin naman silang lahat sa isang baritonong boses. Halos lahat naman sila ay napatulala, nahulog din ng isang matandang tatawag sana ng pulis ang cell phone niya. Tiningnan ni Liam si Candice na pasiring siring na ang ulo dahil sa kalasingan. “Mr. Gozon?” hindi makapaniwalang usal ng matandang may hawak ng cell phone kanina. Tinapunan lang naman siya ng tingin ni Liam saka dumiretso kay Candice. “Nananaginip ba ako? Si Mr. Gozon? Kung ganun totoo ang sinasabi ng baliw na babaeng yan este ng babaeng yan?” hindi pa niya makapaniwalang saad ng matanda. Nang makalapit si Liam kay Candice na inalalayan ng isang staff ay pinasadahan niya ito ng tingin. Napabuntong hininga na lamang siya. Hinawakan niya na ang kamay ni Candice at iniakbay niya ito sa kaniya. “Wake up or else pababayaan kita dito.” Blangko niyang saad. Hilong hilo namang tiningala ni Candice ang lalaking may hawak sa kaniya. Ilang beses pa siyang napakurap kurap. “Liam?” hindi makapaniwalang niyang saad pero natawa rin agad. “Si Liam nga ba ang kasama ko? Liam the balat?” natatawa niyang saad. Hinawakan naman na ni Liam ang bewang ni Candice saka naglapag ng sampung libo sa lamesa. “Siguro naman okay na yan para sa mga nadamage niya.” usal niya saka inakay palabas ng beer house si Candice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD