“Kamusta ka naman dun? Wala bang ginagawa sayo si Liam?” tanong ni Emma sa kaibigan niyang naggagayak na para pumasok. “Maayos lang ako dun, mabait naman si Liam wala naman siyang ginagawa sa akin.” Sagot niya habang isinusuot ang sandals niya. “Mabait?” ngiwing saad ni Emma. “Mabait pala ha? hoy Candice umayos ka ha? baka mamaya mahulog ka nanaman jan sa dati mong asawa. Tandaan mo, alam mo na kung anong mangyayari kung nagkaayos kayo saka mahiya ka naman, iniwan mo na yong tao tapos magkakabalikan kayong dalawa?” daldal ng kaniyang kaibigan. Hindi naman siya sinagot ni Candice at naglakad na papasok ng kaniyang kusina. “Nag-aalala lang ako sayo Candice, nakita ko na kung paano ka nasaktan sa kamay ni Liam at ayaw ko ng mangyari nanaman yun sayo.” nag-aalala niyang saad. Hinarap naman

