CANDICE POV Para akong naglalakad sa hangin, hindi ko maramdaman ang mga paa ko sa sahig. Sunod sunod ang paglandas ng mga luha ko sa pisngi. Wala na akong pakialam kung anong isipin ng mga taong nakakakita sa akin. Kapaparusa lang sa akin dahil sa kapabayaan ko sa trabaho ko tapos ito naman ngayon? Matagal niya akong nakasama, hindi pa niya nabalitaan na nanguha ako ng gamit ng hindi sa akin. Pero ano itong ibinibintang niya sa akin? Isang mabigat na kasalanan, kasalanang hindi ko na naman alam. Paanong ako ang napagbintangan dun, eh ang dami namin. Hindi lang ako ang empleyado niya pero bakit parang ako lang ang nakikita niya? nila? Dirediretso akong naglakad palabas ng kompanya hanggang sa makarating ako sa parke. FLASHBACK “Hindi ka ganiyan Candice! Kaya bakit?!" “Yun na nga d

