Kabanata 3

2705 Words
RIIIIIING RIIIIIING RIIIIING Inis akong kinapa kapa ang cell phone kong nakalagay sa gilid ko at inaantok pang sinagot iyun. Hindi ko na rin tiningnan kung sino ba yun. “Yes, hello?” paos ko pang tanong dito. “Good morning? Is this Ms. Candice Addison?” “Ito nga po, sino po sila?” “Sa LDC po ito ma’am, pwede po ba kayong makapunta dito ngayon sa kompanya namin?” napabalikwas naman ako sa higaan ko at inayos ang sarili. Bakit ba tinanghali kang magising ngayon?! “Ah yes, yes po pupunta ako. Marami pong salamat.” Pinatay ko na ang tawag at mabilis na bumangon sa higaan ko at dumiretso ng banyo. Bakit ba naman kasi hindi ako nakatulog ng maaga kagabi?! Mabilis ang kilos na ginawa ko pati ang pagtooth brush ko, isang timba lang din napaligo ko hindi pa ako nakapagsabon ng maigi. Binuksan ko na ang closet ko at pumili ng pormal na damit. Kahapon lang ako nag-apply ang bilis naman ng tawag nila? Hindi ko inaasahan na ganun kabilis yun. Siguro baka kailangan na nila ng mga tao. “Oh saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Emma ng makapasok siya sa bahay ko. “Tinawagan ako ng LDC at pinapapunta ako ng kompanya nila. Ikaw na muna bahala dito.” Saka ako tumakbo palabas ng bahay at iniwan siya. “CANDICE” malakas niyang tawag sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Masyado na akong late kaya wala na akong oras para kausapin pa siya. Mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid sa LDC. Lakad takbo pa ako sa lobby makarating lang agad sa marketing department. Pagdating ko sa elevator ay may mga kasabayan ako na nginitian ko na lang. “Applicant ka rin ba kahapon?” nginitian at tinanguan ko naman ang babaeng nagtanong sa akin. “Nice to meet you, by the way, I’m Grace.” “Hi, I’m Candice.” Ngiting saad ko sa kaniya. Pumasok naman na kami sa elevator ng bumukas na ito, naghintay pa kami ng ilang minuto bago kami makarating sa patutunguhan namin. Nang makalabas kami ay nadatnan din namin ang iba pang mga applicant kahapon. Umupo naman na kaming dalawa ni Grace sa pinakangdulo, mukhang may hinihintay pa rin sila kaya nandito pa sila. Mukhang sa dami namin kahapon ay kaunti na lang ang nandito ngayon. “Good morning.” Pormal na bati sa amin ng isa sa mga interviewer kahapon. “Good morning ma’am.” sabay din naming mga bati. “So ngayon din kayo magsisimula sa trabaho niyo dahil kailangan na kailangan ng tao.” Panimula niya habang nakatingin din sa mga papel. “Hindi ko na ito patatagalin, yung iba as intern na muna. Kaya lahat ng tatawagin ko lumapit sa akin at ang hindi, pumunta kay Ms. Diane.” Nagsimula naman na siyang magtawag at isa ako sa mga intern. Ng matapos niyang tawagin ang lahat ay naghiwahiwalay na rin kami at sumunod sa kaniya. Ipinapaliwanag niya na rin kung ano ang mga gagawin namin at hindi dapat. Pinakinggan lang naman namin siyang nagsasalita, habang nagsasalita siya inililibot ko ang paningin ko baka sakaling makita ko si Liam. “Kukunin niyo na rin ang mga ID niyo ngayon dahil kapag wala kayong ID hindi kayo makakapasok ng basta basta sa kung anong mga office dito. Naiintindihan niyo ba?” “Yes ma’am.” sabay sabay naming sagot sa kaniya. “Good, pumunta na tayo para kumuha ng ID niyo at makapagsimula na rin kayo ngayon.” naglakad naman na kami at kung saan saang pasilyo na rin kami lumiko at pumasok sa isang studio. Isa isa kaming pinafill up at isa isa ring kinuhanan ng picture. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago namin nakuha ang mga ID namin. Tinitigan ko pa iyun at maayos naman akong tingnan dito. “Let’s go marami pa kayong mga trabahong dapat gawin.” Bumalik naman na kami sa marketing department. “Palaging bumibisita dito si Sir Liam kaya umayos kayo.” Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Laging bumibisita si Liam sa marketing department? Ibig sabihin ano mang oras ay pwede kaming magkita. Ako ang may gusto nito pero bakit ako kinakabahan? Hindi ko naman siya guguluhin at hindi ko naman siya kakausapin sa harap ng maraming tao. Kung gusto ko man siyang kausapin yung kaming dalawa lang at ayaw ko rin naman siyang biglain na makikita niya na lang ako dito kasama ng mga empleyado niya. “Sige na pumunta na kayo sa mga cubicle ninyo at gawin ang trabaho niyo.” THIRD PERSON POV “Lahat ng mga aplikanteng nag-apply kahapon, ngayon na rin pinagsimula sa mga trabaho nila Sir.” Saad ni secretary Kim kay Liam na nakaupo sa swivel chair niya at nakatutok sa laptop. “Mabuti naman kung ganun, magkakaroon tayo ng meeting mamaya kasama ng mga nasa marketing department.” Maawtoridad nitong saad. “Sige po Sir, sasabihin ko rin po kaagad.” Lumabas na si secretary Kim upang sabihan ang marketing head. Sa lahat ng aplikante kaunti lamang ang natira sa grupo nila Candice. Tumayo naman si Liam at lumabas ng office niya ng makasalubong niya si Lyra, ang anak ng Director ng kompanya. “Hi, how’s your day?” tanong nito kay Liam. Kunot noo niya namang tiningnan ang babaeng nasa harapan niya at tiningnan ang kabuuan. “Maayos ka na ba? Anong ginagawa mo dito?” nagtataka niyang tanong. Napangiti naman ang babae saka yumuko panandalian. “Okay na ako huwag kang mag-aalala, nandito ako para magtrabaho na sa kompanya.” “What? You are not allowed to do that Lyra, you’re still not okay.” Napapakagat labi naman si Lyra dahil sa nag-aalalang tonong usal ni Liam sa kaniya. “Don’t worry hindi naman ako magiging pabigat sayo eh, saka pinayagan na ako ni Daddy na magtrabaho dito at tulungan ka sa pagpapalago ng kompanya.” “Come in.” Usal ni Liam saka tinalikuran si Lyra at pumasok sa opisina niyang sinundan naman ni Lyra. “Walang nasabi sakin si Director na magtatrabaho ka dito.” Panimula muli ni Liam, umupo na siya sa sofa niya at umupo na rin si Lyra sa harap nito na parang mahinhing dalaga. “Okay na ako Liam, don’t worry. Kaya ko ang sarili ko, hindi naman malala ang sakit ko para manatili na lamang sa bahay.” Tinitigan naman siya ni Liam at di kalaunan ay bumuntong hininga ito. “Papayagan kitang pumasok dito pero sa susunod na linggo na lang Lyra, sa ngayon gusto kong magpahinga ka na muna.” Matamis namang ngumiti si Lyra sa narinig kay Liam. Palihim itong kinikilig sa mga sinasabi niya. Tumayo naman na si Liam at naggayak dahil may meeting pa siya. “Umuwi ka na muna Lyra, may meeting ako ngayon kaya hindi kita maihahatid.” “May driver naman ako Liam, okay lang.” Tumango na lamang si Liam saka iniwan sa loob ng opisina niya si Lyra na hindi maitago ang kilig at ngiti sa kaniya. Inilibot niya ang paningin niya sa loob ng opisina ni Liam at umupo rin sa swivel chair nito habang nakapikit ang mga mata. “Candice come here.” Tawag sa kaniya ni Abby ang senior niya. “Yes ma’am?” “Pakihatid ito kay Ms. Diane at pakipirmahan ito sa mga head ng mga department.” Utos sa kaniya saka ibinigay sa kaniya ang medyo makapal na mga papel. “Pakibilisan okay?” “Yes ma’am.” saad niya saka lumabas na rin ng department nila. Saktong paliko niya sa kanan ay siyang pagpasok din ni Liam sa kaliwa, na hindi na nila napansin ang isa’t isa. Dumirediretso na si Candice sa kaniyang pupuntahan habang si Liam naman ay pumasok na sa marketing department. “Good morning Sir.” Tayong bati ng mga empleyado niya ng makapasok na siya. Pinasadahan naman ni Liam ng tingin ang lahat ng mga bago. “Yan na ba lahat ang napunta sa grupo niyo, Abby?” pormal niyang tanong. “May isa pa po Sir na nasa labas, inutusan ko po kasing puntahan si Ms. Diane at pinapapirma ko po yung mga papeles na kailangan.” Tumango naman si Liam saka umupo sa harap nilang lahat. “Sa mga bago ayusin niyo ang mga trabaho niyo, dahil kung sino ang makita kong maganda ang performance baka iangat ko kayo sa mga pwesto niyo as PR. Nagkakaintindihan ba tayo?” “Yes Sir.” Sabay sabay nilang sagot. “Abby turuan mo sila sa mga dapat nilang malaman, dahil magkakaroon kayo ng projects this month, mapapadalas ang meeting natin about it. Nagtatanggal din ako ng mga hindi nakikipagparticipate. Kapag sinabi kong magpasa kayong lahat ng ganito, gusto ko lahat kayo at kung yung maliit na instructions ko ay hindi niyo masunod, feel free to leave my company.” Maawtoridad niyang saad na nakapagpayuko sa mga bago niyang empleyado. Habang sila ay nagmemeeting abala naman si Candice sa iniutos sa kaniya ni Abby. Dahil sa lawak at laki ng building ni Liam ay natagalan siya sa pagpapapirma. Nagpatuloy ang pagmemeeting nila at ganun din si Candice. Nang matapos niya na ang pinapagawa sa kaniya ay bumalik na rin agad siya subalit hindi niya na naabutan ang meeting. “Ma’am Abby ito na po yung mga papel na pinapirma niyo.” Abot niya sa mga papeles. Kinuha naman ito ni Abby at tiningnan ang mga papel kung lahat ba ay may pirma. “Salamat, sige bumalik ka na sa trabaho mo.” Yumuko naman na si Candice saka tumalikod at bumalik sa cubicle niya para ituloy ang iba pa niyang mga trabaho. “Bakit kaya hindi ko makita ang lalaking iyun?” usal niya sa kaniyang sarili dahil habang nagpapapirma siya ng mga papel kanina ay sinusubukan niyang silipin si Liam dahil nagbabakasakali siyang makita ito. “Sobrang busy naman ng lalaking yun, tsss.” Dagdag pa niya. “Candice hindi ka umabot kanina nung nagpunta dito si Sir Liam. Grabe girl kyaaaaah ang gwapo niya pala.” Nanlaki naman ang mga mata ni Candice sa narinig. Iyun ang gusto niyang hintayin pero hindi siya nakahabol. “Kanina pa ba siya umalis?” bulong niya namang tanong. “Noong saktong pagbalik mo, kaaalis din ni Sir. Ang gwapo gwapo niya. Binata pa kaya yun?” kinikilig niyang aniya. Napaisip naman si Candice at naghihinayang na hindi niya naabutan si Liam subalit hindi rin maitago sa kaniya ang kabang nararamdaman. “Panigurado akong kapag nakita mo rin si Sir, makalaglag panty sinasabi ko sayo Candice.” Patuloy na pagkwekwento ni Grace habang kinikilig. Hindi naman siya masyadong napapansin ni Candice dahil masyadong okupado ang isip niya sa mga posibleng mangyari sa kaniya dito. “Hoy, okay ka lang?” tanong ni Grace kay Candice na nakatulala na kung saan. “Ah oo, okay lang ako. May iniisip lang ako. Ano nga pala napagmeetingan niyo kanina?” “Yung tungkol sa projects ngayong month hindi pa naman sinabi ni Sir kung anong projects yun pero sabi niya mapapadalas daw ang meeting natin hihihi excited na ako. Ang gwapo gwapo niya ang sarap niyang titigan.” Patuloy pa rin niyang kilig. “Kinikilig ka dun? Baka mamaya may asawa na pala.” “Hoy huwag naman sana, wala naman akong nababalitaan dito.” “Dahil bago pa lang naman tayo.” “Hmm sana wala pa.” “At ano naman gagawin mo kapag wala pa?” “Wala lang, sana mapansin niya ako hehehe.” Napangiwi na lang si Candice sa kinikilig na si Grace. Hindi na lang siya sumagot pa at ginawa ang trabaho niya. Tahimik niyang ginawa ang gawain niya at inaya naman na siya ni Grace na kumain dahil lunch break na. “Pasensya ka na kung feeling close ako ha? wala kasi akong kilala dito saka ang gaan mo kasing kasama hehe.” Usal ni Grace habang naglalakad sila papuntang cafeteria. Habang naglalakad sila ay nakita naman ni Candice si Liam na lumabas sa isang kwarto at mabilis siyang tumalikod para makaiwas. Hindi niya gustong tawagin niya si Liam sa harap mismo ni Grace. “Hoy san ka pupunta?” nagtataka namang tanong ni Grace. “Wait lang, may nakalimutan ako.” pagkatapos niyang sabihin iyun ay nagmadali siyang bumalik ng opisina nila at kunwaring may hinahanap. “Ano bang hinahanap mo?” sunod naman sa kaniya ni Grace. “Ah ano, yung, yung wallet ko, oo tama yung wallet ko.” pagdadahilan niya kahit na nasa bulsa niya naman ito. Tinulungan naman siya ni Grace na hanapin ang wallet niya. “Nakita ko na.” pagkukunwari niya kahit na kinuha niya lang naman sa bulsa niya. “Tara na nga, nagugutom na ako.” naglakad naman na sila papuntang cafeteria at inililibot ang paningin niya sa paligid dahil baka biglang lumabas si Liam kung saan. Ayaw niya namang ipaalam na dati siyang asawa ng boss nila, ayaw niya ng gulo. Nakarating na sila ng cafeteria at umorder na rin ng makakain nila. Hindi naman sila nagtagal dun dahil kailangan nilang bumalik agad sa trabaho. “Candice.” Tawag sa kaniya ni Abby ng makapasok na siya ng opisina nila. “Yes ma’am?” lapit niya dito, bumalik naman na si Grace sa trabaho niya. “Pakibigay ito kay Sir Liam. Alam mo ba ang office niya?” bigla namang kinabahan si Candice dahil hindi niya inaasahan na uutusan siya mismo sa opisina ng boss nila. Sunod sunod siyang napalunok at napatitig kay Abby. “Oh ano? Maibibigay mo ba? Kung ayaw mo iuutos ko na lang sa iba.” “Ah hindi po ma’am, saan po ba ang office ni Sir?” itinatago niya ang kabang nararamdaman dahil hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang boss nila o ang dati niyang asawa. “Paglabas mo jan, kumaliwa ka tapos diretso lang sa pang-apat na pintuan makikita mo ang CEO office na nakalagay sa pintuan.” Iniabot naman na ni Abby ang mga papel na ibibigay niya sa boss nila. ‘Hindi lang pala kalayuan ang office niya sa amin, kapag lumalabas kami sa kanan kami dumadaan at siya naman ay nasa kaliwa kaya pala hindi ko makita sa ibang department ang office niya, yun pala malapit sa amin.’ Usal niya sa isip niya. Dahan dahan pa siyang naglalakad habang binibilang ang mga pintuang dinadaanan niya. Ng makarating siya sa tapat ng pintuan ay humugot pa siya ng malalim na hininga bago kumatok. ‘Kaya ko ito.’ saad niya sa kaniyang isip saka kumatok sa pintuan ng nanginginig ang kamay. “Yes come in.” Kumunot ang noo ni Candice ng boses ng babae ang sumagot sa loob. Nagdadalawang isip siya kung tutuloy pa ba o babalik na lang sa department nila. Ibinukas niya naman na ang pintuan dahil wala naman na siyang pamimilian kundi ang pumasok. Nang makapasok na siya ay inilibot niya ang paningin at hindi niya naman makita ang boss nila kundi ang nakikita niya lang ay ang isang babaeng nakatalikod sa kaniya habang nakaupo sa swivel chair. “Excuse me ma’am.” saad niya. Humarap naman sa kaniya si Lyra. “What do you need?” mahinhin niyang tanong. “Ah si Sir Liam po ma’am? pinapabigay po kasi ni Ma’am Abby itong mga papel na ito.” tiningnan naman ni Lyra ang hawak ni Candice na mga papel. “May pinuntahan kasi siya, iwan mo na lang jan sa mesa niya sasabihin ko na lang mamaya. Salamat.” Aniya. Ibinaba naman na ni Candice ang mga papel saka tiningnan uli ang babaeng nasa harapan niya. ‘Sino kaya siya?’ tanong ni Candice sa kaniyang isip. Lumabas naman siya sa opisina ni Liam at bumalik sa department nila. Halos hindi naman maalis sa isip niya ang babaeng nasa office ni Liam. Naglalakad na siya sa lobby ng makita niya si Liam na naglalakad din at palabas ng building. Inilibot niya naman ang paningin niya kung walang masyadong nakatingin saka hinabol si Liam. “LIAAAM.” Habol niya pero lagi na lang siyang bigo sa paghahabol sa dating asawa para makausap. “Bwesit, nakakainis talaga! Kapag may kasama ako nagpapakita agad agad pero kapag ako na lang, ang hirap mong habulin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD