Kabanata 2

2643 Words
Candice POV Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon, pero hindi ako susuko. Kakausapin ko pa rin siya, mahirapan man akong hagilapin o makausap siya.   Bumangon na ako sa kama ko at dumiretso sa banyo para magsepilyo, pagkatapos ko ay nagtungo na rin ako sa kusina para magluto ng makakain ko. Maganda na ang buhay niya habang ako wala pang permanenteng trabaho. Naggagayat na ako ng mga rekado ko ng marinig ko ang malakas na bukas ng pintuan ko. “Emma ano ba yan?!” inis kong sigaw sa kaniya dahil siya lang naman ang may susi ng bahay ko. “Candice nasaan ka?!” “Nasa kusina ako!” sigaw ko sa kaniya, rinig ko naman na ang mabibilis niyang hakbang. “Hindi ba at naghahanap ka ng trabaho? Subukan mong mag-apply dito.” Iniabot niya sa akin ang dyaryo at kinuha ko naman iyun saka binasa ang ilang description sa baba at ang pangalan ng kompanya. Napakunot na lamang ako ng makita ko ang isang logo at pangalan ng kompanya parang pamilyar ako dito. Nakita ko na ito eh pero hindi k matandaan kung saan iyun banda. Pilit kong inalala kung saan ko ba ito nakita. “Alam mo kung kaninong kompanya ito?” tanong ko kay Emma na nakakunot din na nakatingin sa akin pero inilingan niya ako. “Alam mo ba kung anong kakompanya yan? Maghanap ka na lang ng trabaho mo kesa ang guluhin si Liam. Wala kang mapapala dun saka kalimutan mo na siya baka mamaya bigla ka na lang iiyak at sasabihing mahal mo pa.” ngiwing saad niya. “Aray ko naman!” binatukan ko siya dahil kung ano ano ang pinagsasasabi. Anong mahal ka jan, dalawang taon na kaming hiwalay kaya hindi ko na yun hahabulin, sisingilin ko lang siya. “Ayaw mong guluhin ko si Liam pero pinag-aapply mo ako sa kompanya niya.” taas kilay kong saad. Nanlaki naman ang mga mata niyang tumingin sa akin saka inagaw ang dyaryo kong hawak at binasa. “Walang nakasulat dito kahit na anong tungkol kay Liam kaya paano mo nasisigurong kaniya ito?” turo pa niya sa dyaryo. “Galing ako dun kahapon at nakita ko ang logong yan ganun na rin ng pangalan, LDC right?” kunot noo ko naman siyang tiningnan ng punit punitin niya ang dyaryo. “Huwag ka ng mag-apply dun, ihahanapan na lang kita ng iba.” “Huwag ka ng magpagod, yan na ang una mong ibinigay kaya jan na ako mag-aapply.” Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. “Candice ano ba, marami pang ibang trabaho jan na pwede mong pasukan, huwag lang sa kompanya ni Liam.” “Eh ano bang ikinakatakot mo? Hindi ko naman siya ganun na guguluhin eh. Kakausapin ko lang siya at kung pumyaga siya edi tapos, wala kaming problema.” “Iisipin lamang ng ibang tao sayo na mukha kang pera. Paano kung nalaman nilang ex-wife ka niya, anong sasabihin nila? Na naghahabol ka ngayon dahil mayaman na ang dati mong asawa?” “Hindi nga ako maghahabol Emma, ano ba! Kakausapin ko lang naman siya eh. Kaya huwag kang OA jan okay?!” hindi niya naman na ako sinagot at iiling iling pang umalis sa harapan ko. Narinig ko naman binuksan niya na lang ang TV sa sala. Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na rin si Emma para sabay na kaming kumain, pagkatapos ay naligo na rin ako at maggagayak para makapag-asikaso ng mga papel ko. Kompleto na nga pala ang mga papel ko dahil ilang beses na rin akong naghanap ng trabaho. Sarili ko na lang ang ihahanda ko sa pag-apply sa kompanya niya. Humanda ka talaga sa akin. “Hindi na magbabago isip mo?” tanong niya sa akin ng makalabas ako ng kwarto. Inilingan ko naman siya. Bumuntong hininga naman si Emma bago lumapit sa akin at inayos ang suot kong damit. “Kapag pinahiya ka ni Liam o may ginawa siya sayo, tawagan mo lang ako.” nginitian ko naman siya saka tinanguan. “Mag-iingat ka.” Kinawayan ko na lang siya at lumabas na rin ako ng bahay. Naghintay naman ako ng taxi sa labas at hindi naman na ako naghintay ng ilang minuto. Ng makasakay ako, inayos ko pa ang sarili ko at bumuntong hininga. Sana lang makapasa ako at ng makausap ko na ang kupal na yun, tsss. “Kuya sa LDC po tayo.” Saad ko sa driver na tinanguan niya lang. Hindi naman na kami nagtagal sa byahe dahil hindi masyadong traffic. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago bumaba ng taxi at binayaran. Nanatili pa ako ng ilang minutong nakatayo dito sa harap ng building bago ako pumasok. Maayos naman akong tingnan ngayon at presente kaya go lang! Naglakad naman na ako sa lobby at nagtungong counter para magtanong. “Good morning ma’am, how can I help you?” nakangiting tanong sa akin ng babae. “Tanong ko lang sana kung saan dito pupunta yung mga mag-aapply for job, nakita ko kasi sa dyaryo na hiring kayo.” “Ah yes ma’am. Sa marketing department po yung hiring. Dumiretso lang po kayo jan then kumaliwa po kayo, may makikita kayong elevator akyat po kayo sa ikasampung palapag.” “Maraming salamat.” Nakangiti ko ring saad sa kaniya. “Welcome ma’am.” Tinalikuran ko naman na siya at sinundan ang sinabi niya. Dito pumasok si Liam kahapon, sana lang magkita kami sa taas.   THIRD PERSON POV Pumasok na si Candice sa loob ng elevator at pinindot na nga ang ikasampung palapag, may mga nakasabay din siya sa loob na sa tingin niya ay mag-aapply din ng trabaho. Nang bumukas ang pintuan ay inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita ang medyo marami ng taong nakaupo at nakapila. ‘Napakarami naman pala namin, paano ako makukuha dito?’ tanong niya sa kaniyang isip at umupo sa pinakanghuling upuan. Tiningnan niya ang unahan ng pila at mukhang aabutin siya ng tanghali sa dami nila. Hinihiling niya na rin na sana ay makapasa siya. “Ah Miss, ilang empleyado raw ba kailangan nila?” tanong niya sa kaniyang katabi. “Hindi ko rin alam eh basta ang alam ko medyo maraming tao ang kailangan nila tapos sa iba ibang trabaho rin nila ilalagay.” Napatango tango naman na si Candice sa babae at chineck na lahat ng mga papel na kailangan niya. Kompleto naman ang lahat ng iyun at matiyaga pang naghintay. “Sobrang dami ng nag-aapply sa atin Sir.” Usal ni secretary Kim kay Liam habang nakasilip sila sa mga taong nakapila. Pinamulsa niya naman ang dalawa niyang kamay at pinasadahan ng tingin ang mga taong nakapila. Kumunot ang noo niya ng makita ang isang babaeng nasa pinakang dulo ng upuan at busy sa pag-aayos ng papel nito. Sisilipin pa niya sana ng may biglang tumawag sa kaniya. “Sir, good morning. Pinapatawag po kasi kayo ng Director.” Tawag sa kaniya ng isa pa niyang empleyado. Tumango na lang si Liam at minsan pang sinilip ang babaeng nasa dulo ngunit wala na ito dun kaya tumalikod na lamang siya. Ibinaba na muna ni Candice ang kaniyang mga papel na dala at nagtungong restroom para umihi.   Pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Napansin niya ring nawala ang dating Candice na mahilig mag-ayos sa sarili ngunit nawala iyun simula ng magkaasawa na siya. Humugot siya ng malalim na hininga saka kinuha lahat ng gamit at bumalik sa kinauupuan niya kanina. Medyo marami rami na rin ang nakapasok sa loob. ‘Mabuti na lang pala medyo maaga pa akong nagpunta dito, kung hindi baka abutin pa ako ng maghapon bago makapasok sa loob.’ Usal niya sa kaniyang isip ng mapansing marami rami pa ang pumapasok sa loob at pumila. Unti unti naman na siyang nakakausad at maya maya pa’y tinawag na rin ang kaniyang pangalan. Pumasok siya sa loob at humarap sa isang empleyado. Ibinigay niya naman na ang mga papel niya at pinag-aralan naman na iyun ng interviewer. “Ilang taon na po kayo ma’am?” tanong sa kaniya. “30 po.” Sagot niya at tumango naman na ang interviewer. Marami pa ang tinanong sa kaniya ng mabilis niya namang nasasagot lahat. Palihim pa siyang bumubuntong hininga kapag natatapos niya ang isang tanong. Tinitingnan naman ng interviewer ang papel niya saka titingin sa computer at magtatype. “Huling tanong na lang po.” Saad sa kaniya at tinanguan niya naman. “Tell me about yourself.” Bumuntong hininga naman si Candice saka nginitian ang interviewer. Sinabi niya naman ang tungkol sa buhay niya ngunit hindi niya isinama ang pagkakaroon niya ng dating asawa. Inisip niya ring ayaw niyang makagulo sa kompanya at si Liam lang talaga ang pakay niya. “Tatawagan na lang po namin kayo ma’am.” Nginitian naman na siya ng interviewer at pwede na siyang lumabas. Paglabas niya marami pa rin ang nakapila. Bumaba naman na siya at naglalakad na siya ngayon sa lobby ng mahagip ng kaniyang mata si Liam na naglalakad palabas ng building.   “LIAM.” Sigaw niya ngunit hindi ito narinig at tuluyan ng nakalabas. Sinubukan niya namang habulin pero huli na ang lahat dahil nakasakay na ito sa sasakyan niya at umalis. “LIAAAAM.” Muli niyang sigaw subalit nakalayo na ang sasakyan ng dating asawa. Inis siyang napasabunot sa sarili. “Bakit ba ang hirap mong matyempuhan!” galit niyang sigaw sa labas ng building. Naglakad naman na siya at kunot na kunot ang noong naghihintay ng taxi sa labas. “Magkikita rin tayong dalawa, gaano man kalawak yang kompanya mo, magkrukrus din ang landas nating dalawa.” Saad niya saka sinamaan ng tingin ang building. Pinara niya naman na ang taxi at sumakay. Gutom naman siyang umuwi ng bahay niya, mabuti na lamang at nakaluto ang kaibigan niyang laging pumupunta sa bahay ni Candice. “Oh ano? Kamusta ang pag-apply?” tanong ni Emma sa kaibigan niyang bagsak ang balikat na naupo sa upuan. “Tatawagan na lang daw ako.” “Huwag ka ng umasa, kapag sinabing tatawagan 50/50 yan.” “Pero umaasa akong matatanggap ako.” pilit naman ni Candice saka naghain ng sarili niyang pagkain. “Laki ng tiwala ah, bakit kaunti lang ba kayong nag-apply dun?” sarkastiko nitong tanong sa kaibigan. “Alam mo, hindi ko na alam kung kaibigan pa ba kita eh. Ano naman ngayon kung marami kaming nag-apply kung hindi nila ako tatawagan edi magfofollow up ako.” napahilamos na lamang si Emma sa kaniyang mukha saka lumapit sa kaibigan niya at umupo rin. “Yun na nga eh, kaibigan kita Candice kaya ayaw kong masaktan ka nanaman. Ayaw kong masaktan ka nanaman ng dahil kay Liam.” “Hindi ko na siya mahal okay? Hindi ko siya kailangan. Bakit ko sya hiniwalayan kung hahabulin ko rin sa huli?” “Hindi ka sigurado Candice, siguro ngayon oo, hindi mo mahal. Paano kapag nasa iisang building na lang kayo? Paano kung magpanggap si Liam na hindi ka kilala, ikaw ang masasaktan sa huli.” Hindi naman nakapagsalita si Candice sa kaibigan niya at kumain na lamang ito. Iniisip niya naman kung ano nga bang possibleng mangyari oras na magkita nanaman silang dalawa. Pinakiramdaman niya ang sarili niya kung may nararamdaman pa nga ba siya kay Liam subalit hindi niya rin maintindihan ang sarili. Namutawi ang katahimikan sa kanilang dalawa, patuloy ang pagkain ni Candice habang si Emma naman ay kunot noong nakatingin sa kaibigan. ‘Hindi ko alam kung anong balak mo pero natatakot ako sa pwedeng maging resulta ng gagawin mo.’ Saad ni Emma sa kaniyang isip habang nakatitig sa kaibigan. Napabuntong hininga na lamang si Emma saka tumayo, tiningnan naman siya ni Candice ng nagtataka. “Uuwi na muna ako sa bahay, mag-iingat ka.” Saad niya, tinanguhan na lamang siya ni Candice saka pinagpatuloy ang pagkain niya. Pagkatapos ay nagtungong kwarto at nagsearch tungkol kay Liam. ‘Liam Gozon’ type niya sa kaniyang cell phone. Lumabas naman dun ang pangalan ng dating asawa at ang magandang kuha nito sa litrato. Hindi niya napigilang hindi mapatitig sa dating asawa. “Akalain mo nga namang gagandang lalaki ka pa pala samantalang noong magkasama pa tayong dalawa, ako lang ang nagtyagang babae sayo, ngayon marami na ang nagkakandarapa. Sabagay ano nga bang pakialam ko sa buhay mo, gawin mo gusto mong gawin basta bayaran mo ako.” usal niya habang nakatingin sa itsura ni Liam. “Siguro ngayon nahihiya ka ng umutot sa harap ng ibang tao, noong ako ang kasama mo wala kang pakialam. Kapag nademonyo pa utak mo ipapaamoy mo pa sa akin saka ka tatawa ng hagot.” Bumuntong hininga na lamang si Candice saka nagbasa basa ng ilang tungkol sa buhay ni Liam. “Walang masyadong nakalagay dito tungkol sa buhay mo bukod sa pagiging successful businessmen mo. Isa palang mayamang negosyante ang tumulong sayo para matupad mo ang pangarap mo. Saan nga naman kasi ako kukuha ng malaking pera para pang-invest mo. Pero wala ng hihigit sa puyat, pagod at pawis na pinuhunan ko rin para sayo.” Binitawan niya na ang cell phone niya at inilagay sa table saka nahiga at tinitigan ang kisame. “Ibigay mo lang yung nararapat sa akin, titigilan na kita at mabuhay ka na ng mapayapa.” Usal pa niya saka ipinikit ang mga mata dahil sa pagod na naramdaman niya rin sa pag-aapply niya ng trabaho. “Sir ito na po lahat ng aplikante.” Saad ng isang babaeng empleyado ni Liam sa kaniya. Tiningnan niya naman ang mga iyun pero hindi niya na tinapos dahil sa dami. “Ibigay mo na lang sa HR department yan at sila na ang bahala para sa mga ihahire na mga bago.” Utos niya. “Sige po Sir.” Yumuko naman na ang babae at umalis ng opisina ni Liam. Tumayo naman siya saka natungo sa tapat ng bintana at pinamulsa ang dalawang kamay. Inisip ang babaeng nakita niya kanina. ‘Impossibleng ikaw yun dahil anong gagawin mo sa kompanya ko gayung dalawang taon na ang nakalilipas.’ Usal niya sa kaniyang sarili. Nawala naman na yun sa isip niya ng may kumatok sa pintuan niya. “Sir alas singko na rin po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng kaniyang secretary. Sinipat naman ni Liam ang relo niya at hindi nga ito nagkakamali. Alas singko na at uwian na. Kinuha naman na ni Liam ang coat niyang nakasabit saka isinuot at lumabas ng opisina niya kasunod ang secretary. “Ilang tao po ba ang kailangan nating ipasok sa marketing department Sir?” tanong ni secretary Kim. “Hanggang sa mapuno lahat ng vacant job, kailangan as soon as possible matapos na ang paghire sa mga aplikante dahil itratrain pa sila sa mga trabaho nila.” Maawtoridad niyang aniya. “Yes Sir, sa dami ng nagpunta kanina siguro hindi na tayo tatanggap bukas para mapag-aralan na ng HR department ang mga qualified sa trabaho.” “Siguraduhin mo lang.” Tumango na lamang si secretary Kim saka sila patuloy na naglakad. Panay din ang tinginan ng ilang kababaihan sa tuwing mapapadaan si Liam sa kanila. “Grabe ang gwapo ni Sir, wala pa rin kaya siyang girlfriend hanggang ngayon?” bulong ng isang babaeng nasa counter ng makadaan si Liam. “Wala rin akong balita tungkol dun, kung meron man ang swerte ng babae.” Kinikilig pa niyang aniya. Tuluyan naman ng nakasakay ng kotse si Liam at dumiretso sa bahay niya. Nang makauwi ay isinabit na lamang ang coat niya saka dumiretso ng kusina at uminom. Pagkatapos ay dumiretsong kwarto niya, napansin niya naman ang dati niyang cell phone na key pad. Ipinilig na lamang niya ang ulo niya at iniwas na ang tingin dun. Iyun ang cell phone na gamit niya noong sila pa lamang ng dati niyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD