Kabanata 25

2616 Words

Nanatili ako sa higaan ko habang si Liam naman ay nakaupo sa sofa at hindi ko alam kung anong ginagawa dahil may division na nakaharang kaya hindi ko siya makita. Napanuntong hininga na lang ako, pwede naman yatang sa bahay na lang ako magpahinga kung hindi naman malala ang nangyari sa akin. Humiga na lamang ako at tumitig sa kisame. Naguguluhan talaga ako, sinabi namin sa isa’t isa na dapat na naming ituring na hindi magkakilala ang bawat isa but here we are at magkasama sa iisang silid. Pwede niya naman akong pabayaan dito dahil wala naman na siyang pakialam sa akin pero sa ipinapakita niya sa akin ngayon para siyang may pakialam. Ewan ko masyado siyang magulo, hindi ko siya mabasa. “Magmeryenda ka na muna.” Halos muntik pa akong malaglag sa higaan ko dahil sa gulat ng magsalita siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD