Mabilis na lumipas ang oras at hindi naman na ako makapaghintay na makauwi. Nakasuot pa rin ako ng hospital gown, hindi pa ako makapagpalit dahil hindi pa napasok ang Doctor na magpapainom pa sa akin ng gamot. Nababagot na ako rito lalo na hindi naman kami nag-uusap ni Liam, saka niya lang ako kakausapin kapag may itatanong siya sa akin, nagugutom ka na ba? May kailangan ka ba? Tss! Wala na siyang ibang tinanong kundi iyun. Tingin na lang ba niya sa akin ay matakaw at puro pagkain ang lamang ng isip?! Naghintay pa ako dito sa higaan ko, ang tagal naman nilang pumasok sa pintuan na yan para ipainom ang huling gamot. Hindi ko alam kung nakailang irap na ako rito pero hindi pa rin sila napasok. Mabilis akong napaupo ng maayos ng sa wakas ay pumasok na ang Doctor na ito at ang alalay niyan

