CANDICE POV Abala akong tinatapos ang trabaho ko, hindi rin ako kinukulit o kinausap ni Aljon. Masaya naman pala siyang kausap, nadamay lang siya sa mga problema ko kaya hindi ko siya nakakausap ng maayos. Mabilis kong tinapos ang trabaho ko at prinint na iyun at iniabot kay Ms. Abby. Unti-unti ko na ring nagugustuhan ang trabaho ko, kung dati ay ang motibo ko lamang ay singilin si Liam, ngayon hindi na. Gusto ko ng mamuhay ng tahimik at hayaan na siya sa buhay niya. Hindi man ako kasama sa naging tagumpay niya ay masaya na ako para sa kaniya. That’s life, may dadaang tao lang sayo para matuto ka sa buhay. Sana makamit na naming dalawa ang pangarap naming matagal na naming pinapangarap, mga pangarap naming hindi na namin magagawa pa ng sabay dahil maaaring sa ibang tao na namin iyun makuk

