Bakit pa nga ba ako nasasaktan? Para saan pa? hindi ba at dalawang taon naman na kaming hiwalay, ilang taon ko ring kinaya na wala na siya sa akin, na hiwalay na kami pero bakit ako nasasaktan ngayong nalaman kong ikakasal na siya? Hindi ko na inabala ang sarili kong punasan ang mga luhang patuloy na lumalandas sa aking pisngi. Bumalik ang lahat ng mga sakit na naramdaman ko noon, mahal ko siya pero mas pinili ko siyang iwan dahil sa galit ko, dahil sa ginawa niya sa akin, dahil nawala ang anak naming dalawa. Akala ko iyun na ang una at huling masasaktan ako ng dahil sa kaniya nagkamali pala ako. Siguro kung hindi ko isiniksik ang sarili ko sa kaniya noong magkita ulit kami hindi mangyayari sa akin ito, hindi kami magkakalapit at tahimik na sana ang buhay naming dalawa. Kung malaman ko

