“Huwag mo ng gagawin iyun lalo na kung nasa harap tayo ng maraming tao, paano kung may nakakita sa atin?” Sambit ko kay Liam, nandito na kaming dalawa sa roof top kung saan bihirang puntahan ng mga empleyado. “Wala namang nakakita saka anong masama dun?” “Syempre ang alam pa nilang lahat ay engage ka kay Ma’am Lyra. Ayaw ko namang sabihan nila akong kabit.” “Naging asawa na kita dati Candice, kaya anong kabit kabit iyang sinasabi mo? tsss.” Binalatan ko na lang yung hawak hawak kong orange saka isinubo sa kaniya. May takot pa rin kasi sa akin, baka kasi maapektuhan yung kompanya dahil lang sa akin. Ayaw kong makita siyang malungkot lalo na at pinaghirapan niya ang lahat ng ito. “Sige na balik ka na sa office mo, hindi naman tayo pwedeng magsabay na bumaba dahil baka may makakita.” Sa

