“Okay ka lang ba? Wala ba siyang nagawa sayo?” tanong ni Liam kay Candice ng puntahan niya ito sa bahay niya. Bahagya lang namang napangiti si Candice at inihilig ang ulo sa sofa habang yakap yakap ang malaki niyang teddy bear. “Okay lang ako, hindi ko naman siya hinayaang saktan ako. Akala ko talaga mahinhin siyang dalaga at hindi mahilig sa anong gulo pero nagulat na lang ako sa nagawa niya kanina.” “Matagal ko ng kilala si Lyra at hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na iyun para lang sa pansarili niyang kapakanan.” “Nagmahal lang naman siya Liam at ikaw yun, hindi ko naman siya masisisi kung napalapit siya sayo, tama naman siya, siya yung nasa tabi mo noong nagiging matagumpay ka na.” hinila naman ni Liam si Candice at niyakap ito patalikod saka hinalikan sa kaniyang ulo.

