CANDICE POV Nakakailang buntong hininga na lamang ako. Gusto kong makausap si Liam pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Hindi rin siya nagpunta kagabi sa bahay, alam ko namang busy siya pero iba kasi yung pakiramdam ko. Nakita ko rin kahapon ang director ng kompanya na salubong na salubong ang kilay. Alam kong may napag-usapan na sila kahapon, tinitext ko si Liam pero hindi niya ako nirereplayan. Ano ba talagang napag-usapan nila. Nakasalubong ko rin siya kahapon pero parang lutang lang siya at malalim ang iniisip. Muli akong napahugot ng malalim na hininga dahil dun. “Okay ka lang? Kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga diyan e.” Anas ni Grace, bahagya ko lang naman siyang nginitian. “Wala lang, may iniiisip lang ako pero wala naman akong magawa.” “Ano bang pro

