“Mahal mo pa rin siya at iyun ang totoo Candice kaya ka nagkakaganiyan, kaya ka nasasaktan ng makita mo siyang may kahalikang iba. Please move on Candice dahil may mahal ng iba yung tao, ikaw lang ang masasaktan kapag pinagpatuloy mo pa rin.” Anas nito saka niyakap ang kaibigan na patuloy pa ring umiiyak. “Hayaan mo na lang siya, ayaw ko ng masaktan ka pa uli Candice pero ano itong ginagawa mo ngayon? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Lumayo ka na lang sa kaniya para hindi mo na siya makita, ipaghahanap na lang kita ng ibang trabaho huwag lang sa kaniya.” “Alam mo ba kung anong dahilan kung bakit ko siya iniwan? Kung bakit pagdating pa lamang niya galing sa pag-aayos niya ng project niya ay binigyan ko siya ng divorce paper?” napakalas naman sa pagkakayakap si Emma kay Candice dahil s

